May namamagitan ba kina Andrea Brillantes at Ricci Rivero?
Ito ang palaisipan sa netizens matapos kumalat sa TikTok ang litrato nilang kuha sa labas ng isang restaurant.
Isang waiter ang nagpakuha ng litrato kasama si Ricci, at mayroon din itong larawan kasama si Andrea.
Base sa litrato ay posibleng nasa tapat sila ng restaurant sa may One Bonifacio High Street Mall sa BGC, Taguig City.
Apat na netizens ang nagpatotoong namataan din sina Andrea at Ricci sa Xylo restobar sa may Uptown area sa Taguig City, noong Biyernes, Marso 11, 2022.

May iba pa raw silang kasamang non-showbiz friends noong gabing iyon.

May ilan pang kinilig dahil parang "jowa vibes" daw ang dating nina Andrea at Ricci.

SIMILAR JERSEY?
Lalo pang napaisip ang mga sumusubaybay kina Andrea at Ricci dahil sa isang video kunsaan nakitang suot ng dalaga ang isang puting jersey ng U.P. Fighting Maroons.
Ang jersey number na nakalagay ay "25."

Sinasabing kuha ang video sa lock-in taping ng Lyric & Beat, ang upcoming iWant series na pinagtatambalan nina Andrea at Seth Fedelin.
Si Ricci ay varsity player ng Fighting Maroons ng University of the Philippines, at 25 ang jersey number niya roon.
Bunsod nito ay hindi maiwasang mapatanong ang ibang netizens kung jersey ba ni Ricci ang suot ni Andrea.

NETIZENS' REACTIONS
Base sa ilang comments ng netizens, may ibang nanghinayang na baka hindi maging totohanan ang tambalang Andrea at Seth kung mayroon nang Ricci ang dalaga.

May iba namang nagsasabing bagay sina Andrea at Ricci:


