Pasok ang kandidata ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez sa Top 13 ng Miss World 2021, na ginaganap sa Coca-Cola Hall sa San Juan, Puerto Rico nitong Miyerkules ng gabi, March 16, 2022 (Huwebes ng umaga, March 17, sa Pilipinas).
Ang iba pang mga nakapasok ay sina Do Thi Ha ng Vietnam, Karolina Vidales ng Mexico, Khadija Omar ng Somalia, Anna Leitch ng Northern Ireland, Karolina Bielawska ng Poland, Shree Saini ng USA, Andrea Aguilera ng Colombia, Karolína Kopíncová ng Czech Republic, April Benayoum ng France, Manasa Varanasi ng India, at Carla Yules ng Indonesia.
Pagkatapos i-announce ang Top 12 ay inanunsiyo ng host na mayroong tie, at tinawag si Olivia Yace ng Cote D'Ivoire bilang huling semifinalist.
Anumang oras mula ngayon ay ipapasa na ni reigning Miss World Toni-Ann Singh ng Jamaica ang kanyang korona.
Kung papalaring manalo, si Tracy ang magiging ikalawang Pinay na kokoronahang Miss World.
Ang una ay si Megan Young na nakuha ang titulo at korona noong 2013.
