Nawala ang cell phone ng singer at newbie actress na si Gigi de Lana sa Dubai.
Nasa Middle East si Gigi at ang kanyang bandang The Gigi Vibes dahil nagtanghal sila sa Expo 2020 noong Marso 12, 2022.
Post ni Gigi sa kanyang social media account, “Okay po ulitin ko post ko. dami kasi nag cocomment na parang mas alam nila nangyari.
“Nawala phone ko. and di binalik. i tried to locate my iphone through find my iphone.
"and wala dinala na talaga. and nagpahelp na din ako dito sa dubai. Don't worry naka mark as lost phone so di niya din mabuksan yun.”
May naunang post si Gigi ukol sa nawala niyang i-phone. Pero may mga nakalusot daw ritong hindi magagandang komento mula sa netizens kaya tinanggal na lang niya.
Sabi ni Gigi, “Ito mga comments sa post.
“’bili ka bago’, sabi nila, ‘wala ka pambili bago?’, sabi ng iba, ‘hintayin ko link’. (anes?!) ‘nanghihingi ka ba”, “post na parang nang aano’”
Parang ang dating sa iba, nagpaparinig siya sa mga nakakabasa ng nasabing post.
Paliwanag ng singer, “Yung post kasi na yun. para lang gumaan yung loob ba. parang ginawa ko na biro. kasi aminin niyo mahirap mawalan ng phone.”
Hindi raw talaga mahilig si Gigi na bumili ng bago kahit papaano ay kumikita na siya ngayon.
May mas importante pa raw kasing bagay na dapat paglaanan ng pera.
Aniya, “Una po sa lahat bago ako bumili ng brand new phone. mas uunahin ko medical bills ng mom ko and iba pang pambayad ng bills. Parang kayo din. ganun din kayo diba? unless talagang wala na kayo mapag gastusan sa pera niyo.”
Nakilala si Gigi sa viral rendition niya noon ng classic song ni Roselle Nava na “Bakit nga ba mahal kita?"
Naging kapareha rin siya ni Gerald Anderson sa Hello Heart para iQIY app.
