Pandemic Breakout Stars: AJ Raval, Sanya Lopez, Gigi de Lana

by Jerry Olea
Nov 8, 2021
aj raval sanya lopez gigi de lana breakout stars
AJ Raval (left), Sanya Lopez (center), and Gigi Lana (right) all made a significant mark in the entertainment industry despite the ongoing pandemic.
PHOTO/S: Instagram / Star Music

Pandemic Breakout Star sa pelikula si AJ Raval, anak ng action star na si Jeric Raval.

Ipinakilala si AJ sa unang Vivamax original film na nag-streaming noong Enero 29, ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

Matagumpay siyang nailunsad sa Death of A Girlfriend (Abril 30) katambal si Diego Loyzaga.

Magandang palamuti si AJ sa Nerisa (Hulyo 30) na pinagbidahan nina Cindy Miranda at Aljur Abrenica. Nagpatikim dito ang tambalan nila ni Sean de Guzman.

Umaatikabo ang harutan nina Sean at AJ sa Taya (Agosto 27). Tampok din si AJ sa Shoot! Shoot! (Oktubre 8) with Andrew E and Sunshine Guimary.

Lalong uminit ang pangalan ni AJ nang magkamabutihan sila ni Aljur, na kahihiwalay lang kay Kylie Padilla.

aj raval sexy

Continue reading below ↓

Napag-iwanan ni AJ ang dalawang kasabayan niya sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar na sina Rose Van Ginkel at Ana Jalandoni.

Nakipag-threesome si Rose kina Maui Taylor at Janno Gibbs sa 69 + 1 na nag-streaming noong Setyembre 3 sa Vivamax.

Nagprodyus si Ana ng launching film niyang Manipula katambal si Aljur. Wala pa itong playdate.

Sa Disyembre 3 mag-i-streaming sa Vivamax ang Pornstar 2: Pangalawang Putok kung saan magpapakitang-gilas ang mga baguhang sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Stephanie Raz, at Cara Gonzales.

Si Cara ay bida rin sa pelikulang Palitan, na sa Disyembre 10 naman ang streaming. Si Cara ba ang susunod sa mga yapak ng tinaguriang Viva’s Maximum Crush na si AJ?

Sa Disyembre 17 ay streaming na ang sexy-romantic comedy ni AJ na Crush Kong Curly.

Malikot, pasikut-sikot, at kulot na kulot na trailer ng pelikulang ito kung saan co-stars ni AJ sina Wilbert Ross, Loren Marinas, Madelaine Red, Gene Padilla, Chad Kinis, Andrew Muhlach, Sab Aggabao, Gab Lagman, Jao Mapa, Maui Taylor, at Ms. Gina Pareño.

Continue reading below ↓

GIGI DE LANA

Sa larangan ng musika, ang Pandemic Breakout Star ay si Gigi de Lana.

Waging-wagi sa netizens ang kanyang pa-GG vibes. Ang music video ng debut single niyang "Sakalam" ay naka-445K views na mula nang mag-premiere noong Oktubre 11 sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music.

Sa lipon ng New-Gen Birit Divas ng ASAP Natin ‘To, angat si Gigi kina Elha Nympha, Lara Maigue, at Sheena Belarmino.

Sa Disyembre nakatakda ang kanyang digital concert na YouTube Music Night.

Bida si Gigi sa iQiyi original series na Hello Heart, kung saan leading man niya si Gerald Anderson.

May sense of loyalty si Gigi sa mga kasamahan niya sa bandang The Gigi Vibes na sina Jon Cruz, Jake Manalo, LA Arquero, at Romeo Marquez.

gigi de lana sakalam

Continue reading below ↓

Dating Gidget de Llana si Gigi, na talunan sa "Tawag ng Tanghalan" sa It’s Showtime.

Ang unang pelikula ni Gigi ay Four Sisters Before The Wedding na nag-streaming noong Disyembre 11, 2020 sa KTX, iWant TFC, Sky Cable PPV at Cignal PPV. Napapanood na rin sa Netflix ang pelikulang ito na pinagbidahan nina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Gillian Vicencio, at Belle Mariano.

SANYA LOPEZ

Sa larangan ng telebisyon, ang Pandemic Breakout Star ay si Sanya Lopez.

Tinanggal si Sanya sa cast ng Lolong para maging kapalit ni Marian Rivera sa First Yaya (Marso-Hulyo 2021).

Waging-wagi sa ratings ang tambalan nina Sanya at Gabby Concepcion bilang Yaya Melody at President Glenn Acosta sa nasabing Kapuso primetime series. Ni hindi nakapantay sa ratings ng First Yaya ang pumalit ditong The World Between Us.

Napakalakas ng clamor ng televiewers na magkaroon ng Book 2 ang First Yaya, kaya ayan… ikinasa ang First Lady.

Continue reading below ↓

Nagpakitang-gilas din si Sanya bilang leading lady ni Senator Bong Revilla sa Agimat ng Agila (Mayo-Hulyo 2021). Wagi rin ito sa ratings, at may clamor ang fans, kaya meron din itong Book 2.

Hindi nahahati ang katawang lupa ni Sanya kaya idinagdag sa second season ng Agimat ng Agila ang ka-look-alike ni Sanya na si Rabiya Mateo. Siyempre, for next year pa ang First Lady at ikalawang yugto ng Agimat ng Agila.

Noong Setyembre ay buena mano sina Sanya at Ken Chan sa “That Thin Line Between” episode ng Regal Studio Presents.

Nitong Nobyembre 7, Linggo ng 7:00 p.m., sa GMA, ipinalabas ang unang installment ng four-part series na "Oh My Oppa" ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Katambal dito ni Sanya si Derrick Monasterio, naka-partner niya before sa sumemplang na pelikulang Wild and Free (2018). Nakabawi ito kahit paano nang mag-streaming sa Netflix.

Ang oppa sa limited series na ito ay ang robot na si Gong Yoon Bin, na ginampanan ni Gil Cuerva. Tampok din dito si Jon Lucas na isa sa mga suporta sa First Yaya, at si Ashley Ortega na tumatak ang pagpapaka-hitad bilang Marriam sa Legal Wives.

Continue reading below ↓

oh my oppa gma

Gil Cuerva, Jon Lucas, Ashley Ortega, Sanya Lopez, and Derrick Monasterio in Oh My Oppa

Ang tanong… alin ang mauunang ipalabas next year, ang First Lady o ang Lolong?

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval (left), Sanya Lopez (center), and Gigi Lana (right) all made a significant mark in the entertainment industry despite the ongoing pandemic.
PHOTO/S: Instagram / Star Music
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results