PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Cruz on "parang teenager attire" comment of basher

Sunshine Cruz: "WOMEN SHOULD EMPOWER EACH OTHER INSTEAD OF BEING SO HATEFUL."
by Arniel C. Serato
Published Mar 17, 2022
Sunshine Cruz calmly replies to basher
Sunshine Cruz to basher who questioned her attire: "Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart ang attire according to age. Basta happy at confident go lang po! Walang bawal at masama.”
PHOTO/S: Courtesy: @sunshinecruz718 on Instagram / Sunshine Cruz on Facebook

Naging magalang pa rin si Sunshine Cruz, 44, sa pagsagot sa isang basher sa Facebook.

Kahapon, March 16, 2022, nag-upload ang aktres ng isang video na ginawa niya para sa TikTok.

Ilang linggo na raw ang nasabing video sa TikTok pero kahapon lang niya na-upload sa Facebook. Ang suot niya ay isang crop top at shorts.

Sumasayaw siya sa video sa saliw ng kantang “Give It Up” ng KC and The Sunshine Band.

Ayon pa kay Sunshine, ang paggawa ng video para sa TikTok ay nagsisilbi ring ehersiyo para sa isang inang katulad niya.

Buong caption niya: “I forgot to reshare this here. Taken a few week weeks ago. This is me after doing errands at home.

“Tiktok can also be a form of exercise sa mga mommies like me. Salamat sa aking mga anak for introducing me to tiktok.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mahigit na dalawang libong komento rito, may isang basher na nakalusot na tila hindi pinuna ang kasuotan ni Sunshine.

Ayon sa basher, hindi raw kaaya-aya ang suot ng aktres sa edad nito.

Komento nito: “Aywan katanda na ang attire parang teenager…”

Mabilis itong sinagot ni Sunshine.

Para sa aktres, wala namang panuntunan kung ano ang dapat isuot ayon sa edad. Ang mahalaga ay masaya ka sa damit mong napili.

Tugon ni Sunshine: “Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart ang attire according to age.

“Basta happy at confident go lang po! Walang bawal at masama.”

Sunshine Cruz replies to basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami naman ang sumuporta kay Sunshine sa kanyang tugon sa netizen.

Ngayong araw, March 17, hinikayat ni Sunshine ang kababaihang magsuot ng damit na nakagaganda sa kanilang pakiramdam.

Ito raw ang pinakamahalaga sa lahat.

Aniya, “Ladies! Wear clothes that make you happy and feel pretty. That’s all that matters.

“WOMEN SHOULD EMPOWER EACH OTHER INSTEAD OF BEING SO HATEFUL, ENVIOUS OF ONE ANOTHER.

“Good afternoon everyone!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz to basher who questioned her attire: "Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart ang attire according to age. Basta happy at confident go lang po! Walang bawal at masama.”
PHOTO/S: Courtesy: @sunshinecruz718 on Instagram / Sunshine Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results