PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol admits to her past insecurities

Herlene Budol learns personality development from Kagandahang Flores.
by Melba R. Llanera
Published Mar 19, 2022
Herlene Budol, Hipon Girl
Herlene Budol on her insecurities: "Saka dati talaga yung whole face ko. Dati nung walang nagsasabi sa akin na maganda ako, nung dating binu-bully ako. Ngayon na-accept na siya ng tao, nai-immune na lang kayo."
PHOTO/S: @herlene_budol Instagram

Inamin ni Herlene Budol, aka Hipon Girl, na marami siya noong insecurities dahil sa kanyang pisikal na itsura.

"Minsan yung pagiging panlalaki kong tangkad, insecurities ko yun kasi napagkakamalan akong bakla dati pa, pati boses ko.

"Minsan may disadvantage yung pagiging malaki, kasi minsan akala nila babaihan ka, napagkakamalan akong bakla.

"Minsan din naman siyang advantage, pero ito ang insecurity ko minsan," saad ni Herlene.

Ang "babaihan" ay gay lingo na tumutukoy sa gay na mukha at astang babae. Maari rin itong tumukoy sa isang babae na babaeng-babae ang dating dahil pino ang kilos.

Nakapanayam si Herlene sa isang mediacon noong March 16, 2022.

Dito niya ibinahagi na hindi siya noon kumpiyansa sa sarili dahil madalas na napupulaan ang kanyang itsura.

"Saka dati talaga yung whole face ko. Dati nung walang nagsasabi sa akin na maganda ako, nung dating binu-bully ako.

"Ngayon na-accept na siya ng tao, nai-immune na lang kayo," hirit ng 23-year-old showbiz newbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TRAINING TO BE A QUEEN

Nakatulong na magpalakas ng loob ni Herlene ang pagsailalim niya sa pageant training camp ang Kagandahang Flores.

Plano kasi niyang sumali sa Binibining Pilipinas at maging isang beauty queen.

Kuwento ni Herlene, "Nagte-train ako sa Kagandahang Flores. Kung paano ko disiplinahin ang sarili, kung paano mag-makeup, kung paano magsalita, kung paano maglakad, kung paano ang tamang pag-upo, posture, yung mindset...

"Ibi-build ka niya na maganda talaga. Yung pag-training ko dito, di lang para makuha yung crown kundi para ma-develop ko ang pagkatao ko kung ano ang pagkakakilala dati.

"Di ko babaguhin, pero dadagdagan ko ang knowledge ko."

Naniniwala si Herlene na ito na ang pagkakataon niyang maiangat ang sarili matapos ang di magandang karanasan niya noon sa isang local beauty pageant.

"Bb. Angono ng Sining 2017 ako, pero sinabi ko dati na first and last ko na dahil dun ako na-bully talaga.

"Sabi ko, 'Ay, pinahirapan niyo ako na kunin ang tatlong libo ko, ayoko na.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin kung bukas ba siya sa pagpaparetoke ng mukha, sagot ni Herlene, "Kung magpaparetoke po, siguro ano lang… enhance lang, gluta-gluta [glutathione] lang, ganun."

HIPON GIRL ORIGIN

Nadiskubre si Herlene nang sumali sa bikini open contest sa Wowowin, ang variety show na pino-produce ni Willie Revillame.

Ikinuwento niya sa show na "hipon" ang tawag ng mga nambu-bully sa kanya noon dahil maganda raw ang katawan niya, pero pagdating sa mukha ay naaalipusta.

Ito ang dahilan kung bakit nabansagan siyang "Hipon Girl," na naging daan din para makilala siya sa showbiz.

READ: Herlene 'Hipon Girl' Budol: "Si God, ginawa si Sir Wil para sa akin."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol on her insecurities: "Saka dati talaga yung whole face ko. Dati nung walang nagsasabi sa akin na maganda ako, nung dating binu-bully ako. Ngayon na-accept na siya ng tao, nai-immune na lang kayo."
PHOTO/S: @herlene_budol Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results