PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iyo Bernardo files cyberlibel complaint against Vico Sotto

Vico on word war with Iyo: "Nothing personal. To me, tungkol ito sa trabaho."
by Nikko Tuazon
Published Mar 19, 2022
Iyo Bernardo files cyberlibel complaint against Vico Sotto
On Friday, March 18, 2022, Pasig City Vice Mayor Iyo Bernardo files a cyberlibel complaint against Mayor Vico Sotto for his statements during a flag ceremony that was held on January 10, 2022. Netizens spotted Mayor Vico leaving a "haha" reaction in a video about Vice Mayor Iyo's complaint against him.
PHOTO/S: Screengrab from Pasig News Today on Facebook / @vicosotto on Instagram

Sinampahan ng cyberlibel complaint ni Pasig City Vice Mayor Iyo Bernardo si Pasig City Mayor Vico Sotto sa Bulwagan ng Katarungan ng kanilang siyudad kahapon, March 18, 2022.

Sa panayam nito sa Pasig News Today, sinabi ni Vice Mayor Iyo na ang kanyang sinampang complaint ay base sa statements ni Mayor Vico sa isang flag ceremony na naganap noong January 10, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Vice Mayor Iyo, "Ito ho ay yun pong nangyaring insidente na nangyari sa flag ceremony dahil naniniwala kasi ako na hindi ho nagagamit ang flag ceremony.

"Ginagamit po ito para pasalamatan ang mga empleyado ho namin, para ho i-encourage, para ho lalo pa hong magtrabaho po para sa mga Pasigueño."

"Kasi basically, yun doon sa sinabi sa flag ceremony ay kinukuwestiyon po yun pong trabaho ng Vice Mayor.

"Ako po, bilang Vice Mayor po, ang namumuno ho... yun pong pangangailangan nila lalung-lalo na po sa ayuda during the pandemic po."

Dagdag naman ng lawyer nito na si Attorney Ramon Gerard Hernandez ukol pahayag ni Mayor Vico, “[Mayor Vico] casted doubt on [Bernardo’s] honor and discredited his qualification and reputation as vice mayor.”

Nakapaloob sa 14-page na salaysay ang complaint ni Vice Mayor Iyo laban kay Mayor Vico. Mayroon did daw silang tatlong witnesses para rito.

READ MORE: Pasig City Vice Mayor Iyo Bernardo criticizes Mayor Vico Sotto: "Puro palabas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang naglabas ng kanyang statement si Mayor Vico sa kanyang speech nang araw na iyon matapos itong punahin ng bise alkalde sa kawalan umano ng sistema sa pamamahagi ng ayuda sa kanilang lungsod.

Bahagi ng pahayag ni Mayor Vico, "Sana bago tayo mag-usap tungkol sa pulitika, bago tayo mamulitika... Ito po, pagpasensiyahan niyo na po, kailangan ko lang din po sabihin.

"E kung nakakausap ko sana si Vice Iyo, at kung sumasagot ka sana sa tawag at text ko, e di sana hindi ko kailangan sabihin in public. Pero wala na rin po akong choice kasi hindi naman nga po sumasagot sa akin.

"Sana bago natin pag-usapan ang pulitika, bago tayo mamulitika, magtrabaho muna tayo. Tuluy-tuloy po sana tayo sa trabaho natin."

VICO'S HAHA REACTION

Samantala, naging trending din sa social media ang sinasabing reaksyon ni Mayor Vico sa complaint ni Vice Mayor Iyo laban sa kanya.

Namataan ng ilang netizens na nakatutok din sa video report ng Pasig News Today si Mayor Vico kung saan nag-iwan pa ito ng "HAHA" na reaction.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilang netizens ang nakapansin nito at ibinahagi sa kani-kanilang social media accounts ang screenshot na Facebook reaction ni Mayor Vico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOTHING PERSONAL

Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng official statement si Mayor Vico tungkol sa nasabing complaint.

Ngunit nung nakaraang Miyerkules, March 16, 2022, nagbigay ito ng pahayag sa One News PH tungkol sa "word war" umano nilang dalawa.

Ayon kay Mayor Vico, hindi siya namemersonal at bagkus ay nagsasabi lang ng katotohanan.

Aniya, "Well, yung pinost niya sa social media, actually hindi ko na rin pinanood nang buo. May mga nag-send lang sa akin, pinanood ko yung ibang parts.

"Hindi ko na rin binuo kasi at least dun sa part na napanood ko, karamihan naman wala masyadong sense. So hinayaan ko na lang, hindi ko na rin sinagot.

"I think, kaya siya nag-post ng ganun kasi may mga nabanggit ako, may nasabi ako nung isang flag raising-ceremony namin, ano."

Patuloy ni Mayor Vico, "Pero para sa akin, hindi yun personal. Hindi naman tayo namemersonal kundi, we just spoke the truth. Na bilang mga halal na opisyales, meron tayong responsibilidad sa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At kung meron tayong gustong sabihin, meron tayong pagpuna na gustong gawin, idaan muna natin sa tamang daan, ano.

"Halimbawa, may local special bodies kung saan miyembro naman po siya dun, so bago mag-public statement, bago gumawa ng video sa social media, idaan mo muna kasi miyembro ka naman dun.

"Buti kung wala kang pagkakataon, e di sige. So idaan muna sa tama, kung walang mangyari, 'tsaka ka ngayon gumawa ng eksena or whatever. Yun lang naman po yung punto ko dun.

"Again, it's nothing personal. To me, tungkol ito sa trabaho. Kung paano yung interpretasyon nila dun, hindi ko na po mako-control yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkatunggali sina Vice Mayor Iyo at Mayor Vico sa pagka-alkalde sa Pasig sa paparating na May 2022 elections.

Si Vico ay kasalukuyang nasa unang termino nito bilang alkalde ng Pasig City.

Nahalal ito nung 2019 matapos magsilbi bilang konsehal ng nasabing lungsod nang tatlong taon, mula 2016 hanggang 2019.

Si Iyo naman ay nasa ikatlo at huling termino nito bilang bise alkalde ng Pasig.

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Friday, March 18, 2022, Pasig City Vice Mayor Iyo Bernardo files a cyberlibel complaint against Mayor Vico Sotto for his statements during a flag ceremony that was held on January 10, 2022. Netizens spotted Mayor Vico leaving a "haha" reaction in a video about Vice Mayor Iyo's complaint against him.
PHOTO/S: Screengrab from Pasig News Today on Facebook / @vicosotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results