Pasig City Vice Mayor Iyo Bernardo criticizes Mayor Vico Sotto: "Puro palabas."

by Rachelle Siazon
Jan 19, 2022
Iyo Bernardo Vico Sotto
Pasig City Vice Mayor Iyo Bernardo (left) claims Mayor Vico Sotto is good at publicity stunts but lacks real service to Pasigueños. Bernardo said this nine days after Vico called him out for prioritizing politicking rather than contributing to the "formal process" of work in their local government unit. The two are political rivals.
PHOTO/S: Pasig Dapat Pasigueniyo FB Page / Vico Sotto Twitter
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon

"Nakakalungkot ang Pasig. Naging isang pelikula na lamang. Puro palabas."

Ito ang mainit na tirada ni Pasig City Vice Mayor Iyo Caruncho Bernardo kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Magkatunggali ang dalawa sa pagka-alkalde sa May 2022 elections.

Umalma si Iyo sa patutsada ni Vico na inuuna umano ng vice mayor ang pamumulitika bago ang pag-ambag sa trabaho sa kanilang local government unit.

Giit ni Iyo, hindi totoo ang sinabi ni Vico laban sa kanya.

Lumabas ang kanyang official video statement ngayong Miyerkules, January 19, 2022.

"Kaya ako magsasalita ngayon ay para proteksyunan ang pangalang Caruncho na pilit mong dinudumihan," bungad ni Iyo.

"Noong nakaraang flag ceremony—na sadya mong ginamit na lugar upang mangampanya—sa pagkakasabi mo na tinext mo ako at nag-confirm sa pagdalo.

"Eto ang telepono ko, wala pong message o tawag si Mayor Vico Sotto.

"Okay lang itong parteng ito. Kaya ko palampasin. Itong sinabi mo, puwedeng di na ako sumagot.

"Pero para sadyain mong palabasin na ako'y nasa airconditioned room lang at di nagtatrabaho, kailangan ko ipaalala sa 'yo ang ambag ko at ng aking pamilya sa Pasig."

Si Iyo ay anim na taong vice mayor sa Pasig City, habang si Vico ay nasa ikatlong taon na ng pagiging alkalde at tatlong taong naging konsehal sa lungsod.

Patuloy niya, "Tumakbo ako sa Pasig noong 2019, unopposed, walang lumaban.

"Iyan ay dahil sa maayos na serbisyo ko sa Pasigueño."

Sa puntong ito ay binuweltahan ni Iyo si Vico na puro porma lang umano ang alkalde sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Suwerte ka, Mayor Vico. Sumikat ka sa panahon ng social media. Hindi mo naranasan nung panahon na sinusukat ang eleksyon sa husay ng paglilingkod.

"Sa kalye nasusukat ang tunay na serbisyo, ang tunay na malasakit.

"Nakakalungkot ngayon pilit niya ginagamit ang Internet upang matabunan lahat ng pagkakamali at kakulangan sa serbisyo."

HOT STORIES

IYO SCOFFS AT VICO GETTING ALL THE GLORY

Isang serbisyo raw na naiambag ni Iyo kasama ng city council ay ang pagpasa ng budget ng Pasig City na pakikinabangan ngayong 2022.

Naipasa rin daw nila na mula sa PHP3,000 ay ginawa nilang PHP4,000 ang cash aid para sa TODA (Tricycle Operators and Drivers Association).

Inihalintulad pa ni Iyo si Vico sa aktor na umaarte sa isang pelikula at siyang sumisikat, habang siyang vice mayor, kasama ng city council, ay hindi umano nabibigyang-halaga.

"Parang pelikula. Ako, kasama ang buong city council ang direktor at cameraman. Hindi mabubuo ang isang pelikula na wala kami.

"Kung saan ang isang aktor ay siyang umaarte lamang para mabigyan ng buhay ang kuwento. Pero sila ang sumisikat, pinapalakpakan."

VICO'S EARLIER STATEMENT VS IYO

Noong January 10, 2022, umalma si Vico dahil pamumulitika at patutsada daw sa kanya ang inaatupag ni Iyo.

Base ito sa pagpuna ni Iyo noong December 19, 2022, sa aniya'y mga reklamo sa pagbigay ng ayuda sa mga Pasigueño.

Sana raw ay maganda ang serbisyo publiko may camera man o wala.

Ayon kay Vico, ayaw sana niyang daanin sa publiko ang kanyang sagot kay Iyo pero di naman daw niya ito matawagan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pasensya na po. Kailangan ko lang sabihin. Kung nakakausap ko sana si Vice Iyo, kung sumasagot siya sa mga tawag at text ko, e, di sana di ko kailangan sabihin in public.

"Wala akong choice kasi hindi nga po sumasagot sa akin."

Sabay prangkang sabi ni Vico, "Sana bago natin pag-usapan ang pulitika, bago tayo mamulitika, magtrabaho muna tayo. Tuluy-tuloy sana tayo sa pagtrabaho natin."

Ibinigay na halimbawa ni Vico ang flag ceremony kunsaan kahit daw may pandemya ay sinisikap nilang ipagpatuloy ang "regular programming" ng lungsod.

Wala si Iyo sa naturang okasyon.

Sinabi pa ni Vico na hindi niya minamasama ang pagkuwestiyon sa kanyang pamamalakad sa Pasig City.

"Alam niyo, yung pagpuna, pagbigay ng suhestiyon, tinatanggap po natin iyan.

"Hindi masama magbigay puna. Hindi masama na magreklamo dahil, bilang mamamayan, karapatan po natin iyan.

"Nakita naman natin sa ating administrasyon, transparent tayo. Lahat nakabuklat. Inilalahad natin.

"Maganda man o masama, bad news man o good news, lahat po iyan nakabuklat. Alam po natin."

VICO TO IYO: "MAG-AMBAG MUNA TAYO."

Ipinagtataka naman daw ni Vico na sa anim na taong paninilbihin ni Iyo bilang vice mayor ay ngayon lang daw niya ito narinig nagsalita.

Sabay ipinunto niya na una sa tungkulin ng isang lider ang magtrabaho kaysa mamulitika.

Saad ni Vico, "Ngayon po, sinasabi ko ulit, walang masama mamuna.

"Pero pagdating sa mga pormal na proseso bilang mga nahalal ng bayan, kailangan magtrabaho muna tayo.

"Anong karapatan mamuna kung yung pormal na tungkulin natin di natin nagagampanan?

"Iyan po sana ang isipin natin bago ang lahat. Bago tayo mamuna, mag-ambag muna tayo sa mga pormal na proseso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan, wala pang sagot si Vico sa mga tirada sa kanya ni Iyo. Naka-isolate si Vico dahil sa dinapuan ito ng COVID-19, pero patuloy sa virtual meetings base sa Twitter post nito ngayong araw.

Samantala, ang kanyang tiyuhing si Senator Vicente Sotto III ay dumipensa kay Vico sa isyu nila ni Iyo.

"Mayor Vico is an ideal public servant," saad ni Senator Sotto, base sa tweet ni ABS-CBN News reporter Kat Domingo.

Dagdag pa nito, "The gains of Pasig are as real as Pasigueños attest.

"Anything said otherwise is ridiculous!"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Vice Mayor Iyo Bernardo (left) claims Mayor Vico Sotto is good at publicity stunts but lacks real service to Pasigueños. Bernardo said this nine days after Vico called him out for prioritizing politicking rather than contributing to the "formal process" of work in their local government unit. The two are political rivals.
PHOTO/S: Pasig Dapat Pasigueniyo FB Page / Vico Sotto Twitter
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results