Isa si Jake Ejercito, anak ni dating Pangulong Erap Estrada, sa mga artistang nagpunta sa PasigLaban rally bilang suporta para kay presidential aspirant Leni Robredo at vice presidentiable Kiko Pangilinan kahapon, March 20, 2022.
Nitong Lunes, March 21, 2022, ibinahagi ni Jake sa kanyang social media accounts ang mga litrato niya kasama si Vice President Leni, maging ang mga anak nitong sina Aika at Tricia, mula sa rally.
Sabi pa ng aktor sa kanyang post: "Twas my first time attending a political rally wherein none of my relatives were involved."
Ang ama ni Jake na si Erap ay iniendorso ang kandidatura ni former Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Ang mga kapatid naman niya sa ama na sina Jinggoy Estrada at JV Ejercito ay tumatakbong senador sa ibang partido.
Sa litrato, makikita ring suot ni Jake ang isang itim na T-shirt na may nakasulat na "Kulay Rosas Ang Bukas."
Sa caption ng kanyang post, sinabi ni Jake na namangha ito sa ipinakitang pagpapakumbaba ni Vice President Leni dahil ito pa raw ang unang yumakap sa kanya.
Aniya, "Was too hesitant to hug her to thank her for running and to somehow give her more courage to fight on, but she surprisingly gave it first and I felt so much hope and reassurance in return."
Hinikayat din ni Jake ang kanyang Instagram followers na huwag palampasin ang pagkakataon upang iboto si Vice President Leni bilang susunod na presidente ng bansa.
Aniya, "But it ain’t about colours for me; it’s about being Filipino.
"No hero-worship here, but candidates who are as genuine, as qualified, and as capable as her don’t come around too often.
"Let’s not waste this rare opportunity to let someone like her lead."
Ni-repost din ni Jake ang kanyang mga litrato kasama si VP Leni sa kanyang Twitter account.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Jake sa Twitter ang video ng pagyakap sa kanya ni VP Leni.
READ MORE:
- Jake Ejercito reminds public to be loyal to country
- Jake Ejercito, iba sa kanyang pamilya ang sinusuportahang kandidato sa 2022 elections
CELEBRITIES RALLY FOR LENI-KIKO
Bukod kay Jake, ilan pa sa celebrities na namataan sa PasigLaban ay sina Robi Domingo at Julia Barretto na nagsibling host ng event kasama si Melai Cantiveros.
Ito rin ang unang beses na um-attend sina Julia at Robi sa rally ng supporters nina VP Leni at Senator Kiko.
Present din ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto at ang mga kapatid nitong sina Leon at Claudia sa Pasig rally ng tambalang Leni-Kiko.
Si Donny Pangilinan naman ang nagsilbing proxy sa kanyang tito na si Senator Kiko.
Hindi nakarating si Kiko sa kanilang Pasig rally dahil bahagi ito ng Comelec Vice Presidential Debate.
Hindi rin napigilan ni Angel Locsin ang mag-fan girl nang makaharap niya si VP Leni kahapon. Kasama ni Angel ang kanyang asawa na si Neil Arce sa PasigLaban rally.
READ: Angel Locsin, nagpaka-fan girl nang makaharap si VP Leni
Kabilang naman sa mga nag-perform sa rally ay si Jugs Jugueta at ang banda nitong Itchyworms. Ikinatuwa ng attendees nang palitan ng banda ang isang linya ng kanilang kanta na "Akin Ka Na Lang" at ginawang "Leni Ka Na Lang."
