PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Donny Pangilinan's cheek pinched hard by a fan: "Sakit nun, ah!"

"Grabee nasaktan talaga c donny kagabi hawak hawak pa nya pisngi nya."
by Nikko Tuazon
Published Mar 22, 2022
Donny Pangilinan at PasigLaban Rally
A video of Donny Pangilinan currently going viral on social media shows him wincing after a fan pinched his cheek at the PasigLaban rally on Sunday, March 20, 2022.
PHOTO/S: VP Leni Robredo on Facebook / @bellepangilinan07 on TikTok

Hindi napigilang mapa-"aray" ng Kapamilya heartthrob na si Donny Pangilinan nang bigla itong kurutin sa pisngi ng isang di kilalang attendee ng PasigLaban rally nitong March 20, 2022.

Si Donny ang humalili muna sa kanyang tiyuhin na si Senator Kiko Pangilinan na hindi nakarating sa nasabing event dahil bahagi ito ng Vice Presidential debate ng COMELEC na nangyari sa parehong araw.

Sa video na pinost ng isang fan na may handle name na @bellepangilinan07 sa TikTok, makikita si Donny na hirap makasakay sa van dahil sa dami ng fans na sumasalubong sa kanya.

Kapansin-pansin ang kamay na biglang sumulpot, at kinurot ang pisngi ng He's Into Her lead star.

Sa video, maririnig si Donny na napa-aray dahil sa sakit ng pagkurot sa kanyang pisngi.

Agad namang nilapitan ng security personnel ni Donny ang lalaking kumurot sa aktor at sinabing, "Sir, umayos ka, ha!"

Maririnig namang humingi ng tawad ang nasitang fan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
@bellepangilinan07 Woi grabe naman yon????iniingatan namin yan tas gaganyanin mo.Halatang nagulat si donny????#donbelle #donnypangilinan #bellemariano ? original sound - TINK????‍??????????

Sa isa pang anggulo, bago pumasok si Donny ay sinipat pa niya kung sino ang kumurot sa kanyang pisngi.

Bago pumasok ng sasakyan, sabi ng Kapamilya star, "Ang sakit nun, ah!"

Ngunit kahit iniinda pa nito ang masakit na pagkurot ay kumakaway pa rin si Donny sa iba nitong fans habang nasa loob na ng sasakyan.

@bellepangilinan07 Guys sana naman wag ng ganito next time yung may nasasaktan????#donbelle #donnypangilinan #bellemariano ? original sound - TINK????‍??????????

Sa caption ng naunang video, umalma ang fan na nag-post na huwag saktan ang kanilang mga iniidolong artista.

Saad nito (published as is): "Woi grabe naman yon [emoji] iniingatan namin yan tas gaganyanin mo. Halatang nagulat si donny [emoji] #donbelle #donnypangilinan #bellemariano."

Sa sumunod na post, dagdag ni @bellepangilinan07 (published as is): "Guys sana naman wag ng ganito next time yung may nasasaktan [emoji] #donbelle #donnypangilinan #bellemariano"

Ibinahagi rin ng ilang DonBelle fans ang kanilang pagkadismaya sa nangyari sa Twitter.

Bahagi ng tweet ni @ilysmdonnyyyyy, "Pakikalma po ang mga sarili at matuto rumespeto. Ikandado ang sarili kung di kaya ipirmi. Kalma lang whooo! Ang init na nga, umiinit pa ulo ko. [emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabahala naman ang Twitter user na si @donatotchi_10. Sabi nito sa kanyang tweet, "grabee nasaktan talaga c donny kagabi hawak hawak pa nya pisngi nya [emoji]"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tila hindi na ginawang big deal ni Donny ang pangungurot ng fan.

Ang tweet nito matapos ang PasigLaban rally, "What a night. [emoji]"

Bukod dito, nagbahagi rin si Donny ng kanyang litrato kasama ang presidential candidate na si Leni Robredo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A video of Donny Pangilinan currently going viral on social media shows him wincing after a fan pinched his cheek at the PasigLaban rally on Sunday, March 20, 2022.
PHOTO/S: VP Leni Robredo on Facebook / @bellepangilinan07 on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results