PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez on being third party in Ogie-Michelle separation

"If I could bring back the time, siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan."
by Arniel C. Serato
Published Mar 21, 2022
regine ogie michelle
Regine Velasquez on being the "third party" in Ogie Alacasid-Michelle Van Eimeren breakup: "I was there. I was part of it. I was the 'third party.' And for a time, na-forgive na ako ni Michelle, na-forgive na ako ng mga tao, except me. I wasn't forgiving myself. And I'm still working on it.”
PHOTO/S: YouTube / Instagram / Facebook

Sa isang pambihirang pagkakataon ay binalikan ni Regine Velasquez ang bahagi ng kanyang buhay kung saan naging “third party” siya sa pagsasama ni Ogie Alcasid at ng una nitong asawang si Michelle Van Eimeren.

Sa episode ng Magandang Buhay ngayong Lunes, March 21, 2022, napag-usapan ang third-party relationship sa segment na “Dear Momshie Serye.”

Kaharap ang co-hosts na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal at isang guest doctor, naluluhang inalala ng Asia’s Songbird ang bahaging ito ng kanyang buhay.

Ayon sa singer/actress/host, pinagsisisihan niya ang bagay na ito pero hindi raw niya intensiyong manakit ng damdamin ng ibang tao.

Hindi raw kasi niya sinadyang mahulog ang loob sa kabigan pa lang niya noong si Ogie.

Saad ni Regine, "My husband and I started that way, pero yun kasi, we were good friends. Hindi ko naman sinasadya.

"Kasi puwede rin namang mangyari rin talaga yun, e, na, kagaya ng sinabi mo na, hindi mo naman pinipili yung mga mamahalin mo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi mo naman... parang, gusto ko bang sadyain yun, gusto ko ba na merong masaktan, di ba? May mga matitinong tao na hindi naman yun ang iniisip nila. It's just that sometimes it happens.”

Pero paglilinaw ni Regine, wala siyang alam kung ano ang nangyari sa relasyon noon ni Ogie kay Michelle.

Noong panahong yun, may dalawa nang anak sina Ogie at Michelle—sina Leila at Sarah.

Ani Regine, "Meron sa hindi ko alam kung anong nangyayari sa marriage nila at that time.

"I don't know kasi hindi naman ako kasali doon, e. But it happened.

"But I just have to say, it was so difficult. And if I can bring back the time?

"I love my husband, but if I could bring back the time, siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan.

"Na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together."

"I HAVE TO LIVE WITH THAT GUILT"

Nahirapan daw talaga si Regine noon sa kanyang sitwasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, “And like you said, before you, kunyari meron kang nagustuhan na tao and may asawa pala, hindi mo alam, before you really make yourself involved with this person, isipin mo muna sa sarili mong kaya mo ding panindigan yun.

“Kasi really very, very, very difficult to be in that, kung matino kang tao, ha. Kung hindi ka matinong tao, e, di parang deadma ka na lang, di ba? Wala kang paki.

"Pero minsan, mahirap din maging totoong matinong tao.”

Dagdag pang kuwento ni Regine, kahit nagkapatawaran na sila noon ni Michelle, patuloy pa rin niyang sinisisi ang sarili dahil sa nangyaring pagkawasak ng relasyon ni Ogie at ng Australian beauty queen.

"For a while, I have to say, I had to live with that guilt. Like, I was living in that guilt and my husband would say, 'It was not about you. It was about me and Michelle.'

“But even then, I was there. I was part of it. I was the 'third party.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And for a time, na-forgive na ako ni Michelle, na-forgive na ako ng mga tao, except me. I wasn't forgiving myself. And I'm still working on it.”

Sa puntong ito ay gumagaralgal na ang boses ng ASAP Natin 'To host.

Saad niya, "Every now and then, I would remember what happened to us and I'd still be guilty.

"So, mahirap din to be in that situation na hindi mo naman sinasadya na magmahal ng tao.

"And I'm a decent person and I do not want to hurt anyone. That's the last thing that I would want in my life, alam mo yun, but it happens."

"ALREADY FORGIVEN MYSELF"

Napatawad na raw ni Regine ang kanyang sarili, pero hindi maiwasang bigla na lamang niya itong naaalala.

Pag-amin niya, "I think na I'd already forgiven myself, yung hindi na ako masyadong nagi-guilty.

"But once in a while, I would, like, remember, or kapag may nangyayari doon sa dalawang girls [Leila and Sarah].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But iniisip ko na lang, hindi na yun yung sitwasyon, e. Ako na yung asawa niya, e.

"Hindi na ako, oo, I'm not outside anymore, I'm his family now. So, tina-try kong tanggalin yung sarili ko doon.

"But again, it's very difficult because the kind of person that I am, I remember things.

"I don't like anyone, parang, very sensitive ako na ako na lang yung magsasakit-sakitan, kesa masasaktan kita."

Wala naman daw masasabi si Regine sa mga taong nagiging third party sa relasyon. Baka raw kasi pag-ibig talaga ang kanilang nararamdaman.

Saad niya, "And I guess doon sa mga nagiging third party, of course we know what's right and what's wrong.

"But sometimes, when you are in that situation, pinipili mong huwag tingnan yung mali. Pipiliin mo lang tingnan yung nasa puso mo.

"And it's very difficult to decide not to be in that situation anymore kasi doon ka masaya, e, sa feeling mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But you need to give importance to yourself. You need to love yourself and you need to decide. Masaya nga ako temporarily, lalo na if the husband ay hindi nagdi-decide kung ano ba talaga. Kasi maraming ganun, e.

"Pagkabinigyan mo ng ano, 'Ako ba talaga o hindi?' Tapos mag-iisip. Kahit actually sa wife, mag-iisip, siguro it’s time for you to decide kung ano na yung... lagi mo dapat pipiliin yung sarili mo.”

Ikinasal sina Ogie at Michelle noong 1996, subalit inanunsiyo nila ang kanilang paghihiwalay noong 2007.

Noong 2009 ay nag-asawang muli si Michelle sa katauhan ng Australyanong si Mark Morrow.

Nang sumunod na taon, 2010, sina Ogie at Regine naman ang ikinasal.

Sa ngayon ay higit isang dekada nang kasal sina Regine at Ogie. Mayroon silang isang anak—si Nate, edad 10.

Matalik ding magkaibigan ang dalawang pamilya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez on being the "third party" in Ogie Alacasid-Michelle Van Eimeren breakup: "I was there. I was part of it. I was the 'third party.' And for a time, na-forgive na ako ni Michelle, na-forgive na ako ng mga tao, except me. I wasn't forgiving myself. And I'm still working on it.”
PHOTO/S: YouTube / Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results