PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erich Gonzales marries businessman Mateo Lorenzo

Erich is now Mrs. Mateo Lorenzo!
by Arniel C. Serato
Published Mar 23, 2022
Erich Gonzales marries longtime non-showbiz boyfriend Mateo Lorenzo
(Left) In an undated photo, Erich Gonzales is seen having a good time with non-showbiz boyfriend Mateo Lorenzo; (right) Erich and Mateo tie the knot in Alabang, Muntinlupa, March 23, 2022.
PHOTO/S: CTTO / Courtesy: @andresdeleonlorenzo on Instagram

Ikinasal na si Erich Gonzales sa kanyang long-time boyfriend na si Mateo Lorenzo.

Ginanap ang kanilang kasal sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City, bago magtanghali ngayong Miyerkules, March 23, 2022.

Ang kamag-anak ni Mateo na si Andres de Leon Lorenzo ang nag-post sa kanyang Instagram Story ng larawan ng kasal nina Erich at Mateo.

Makikitang nakaupo ang ikinakasal sa may harapan ng altar.

Walang inilagay na caption dito.

Black and white ang nasabing larawan pero malinaw na nakasuot ng Barong Tagalog si Mateo.

Erich Gonzales marries non-showbiz boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ilang minuto lamang ang lumipas, binura ng uploader ang larawan sa kanyang Instagram Story. Isang source ang nagpadala sa PEP.ph ng parehong larawan.

Naging masikreto si Erich sa pagbabahagi ng detalye tungkol sa relasyon nila ni Mateo.

Pero tumambad sa Internet noong February 19, 2022 ang kopya ng wedding banns, o anunsiyo sa Simbahang Katoliko, ng nalalapit na kasal nila ni Mateo.

Makikita sa wedding banns nila ang petsa ng kanilang kasal, at ito ay natuloy nga ngayong araw.


THE LOVE HISTORY OF ERICH AND MATEO

Noong September 2020, sa okasyon ng kanyang ika-30 kaarawan, minsan nang binanggit ni Erich ang kanyang buhay pag-ibig.

Hindi niya ipinakita ang mukha ni Mateo sa vlog, pero mahihinuhang si Mateo ang kasama niya dahil nahagip sa camera na may kasama siyang lalaki na nagmamaneho ng kotseng sinakyan nila.

Nag-date sila sa isang restaurant, at panaka-nakang nagkomento si Erich ng pasasalamat niya sa nobyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa hiwalay na eksena sa parehong vlog, nagbubukas ng regalo si Erich, at dito ay binanggit niya ang pangalang "Mateo Lorenzo" na siyang nagregalo raw sa kanya ng espresso machine.

March 2018 nang aminin ni Erich na mayroon siyang idine-date na mystery guy, at July 2018 nang tukuyin niyang mayroon siyang boyfriend.

Ayaw lang daw niyang idetalye ito sa publiko.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 2020 rin, nakasaad na si Mateo ay isang negosyante.

Isa siya sa labindalawang anak ng businessman na si Martin Ignacio Lorenzo.

Ang ama ni Mateo na si Martin Lorenzo ay may mga negosyo sa food retail at manufacturing company ng plastic products.

Ilan sa brands sa pag-aari niyang RestaurantConcepts Group Inc. ay ang restobar na Barcino at donuts brand na GoNuts. Si Martin ay chairman at COO ng Central Azucarera de Tarlac.

Sa kanyang Instagram account, nabanggit ni Mateo na mahilig siya sa mga mamahaling kotse, show jumping, at agriculture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) In an undated photo, Erich Gonzales is seen having a good time with non-showbiz boyfriend Mateo Lorenzo; (right) Erich and Mateo tie the knot in Alabang, Muntinlupa, March 23, 2022.
PHOTO/S: CTTO / Courtesy: @andresdeleonlorenzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results