PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eva Castillo's close friend recalls last days of late singer

Eva's husband passed away just a few weeks before the singer's death.
by Jojo Gabinete
Published Mar 23, 2022
eva castillo
"Sumali yata ako sa over three hundred, mga 75 yung pinanalunan ko, parang mga ganyan. Kasi ho, kaya ganoon, dahil meron ho akong karibal na batang maliit na malaki ang boses. Noong araw na yun, kami ang Nora at Vilma sa mga amateur singing contest. Kumbaga, kung may Chona Velasquez, may Minerva Castillo," says Regine Velasquez in a past interview about her former rival, Eva Castillo (in photo).
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN

Nagbigay ng ilang detalye tungkol sa mga huling sandali ng buhay ng singer na si Eva Castillo ang matalik niyang kaibigan na si Michelle Quijano Morelos.

Pumanaw si Eva dahil sa kidney illness kahapon, March 22, 2022. Siya ay 52.

Read: Eva Castillo, Regine Velasquez's former rival, dies at 52

"Nag-expire si Eva sa Jose Reyes Memorial Medical Center noong March 22, around 2 p.m., dahil sa chronic kidney disease," sabi ni Michelle sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Miyerkules ng hapon, March 23.

"Dina-dialysis siya twice a week. Tapos noong March 21, dapat magda-dialysis siya pero hindi natuloy dahil sobrang baba ng blood pressure niya. Pati yung oxygen saturation niya, pababa nan ang pababa.

"Noong umaga ng March 22, na-intubate na siya, hindi na siya nagkamalay, nag-expire na."

Ayon kay Michelle, kamamatay lang din ng mister ni Eva noong March 6, 2022.

"Unknown ang cause. Hindi na nagising sa pagkatulog kaya sobrang lungkot ni Eva."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SINGING CONTEST BUDDIES

Nagsimula ang malalim na pagkakaibigan nina Eva at Michelle dahil suki sila noon ng mga amateur singing contest.

eva castillo, michelle quijano

Ito ang dahilan kaya nagtatag sila ng grupo, Ang Mga Amateurista Noon at Ngayon.

Lahad ni Michelle, “Magkakasama kami sa mga amateur singing contest. Meron kaming grupo, ang pangalan ng grupo namin is Mga Amateurista Noon at Ngayon, ako ang presidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Member namin sina Leah Patricio [The Voice Philippines Season 2], Ayegee Paredes [TNT 4], sila yung mga sikat na member namin.

“Active pa rin yung grupo namin. Before the pandemic, lagi kaming may mga get-together,”

REGINE QUIETLY HELPED EVA

Pinuri naman ni Michelle ang kabutihan ni Regine Velasquez dahil isa ito sa mga tahimik at walang sawang tumutulong kay Eva.

“Kapag may padala nga si Regine na tulong kay Eva, dumadaan pa sa akin.

"Every time na nagbibigay si Regine, nasa hospital si Eva kaya ako rin ang nag-aasikaso.

“Napakabait ni Regine. Talagang palagi siyang tumutulong kay Eva. Nagpapadala siya ng tulong,” sabi ni Michelle.

regine velasquez, eva castillo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malaki ang kinalaman ni Regine kaya nakabalik si Eva sa pagkanta at nagkaroon ng showbiz career noong 2009.

Read: Eva Castillo calls Regine Velasquez her "angel" for giving her second chance at singing career

Naikuwento ni Regine sa kanyang docu-musical na Regine: Roots to Riches, na ipinalabas sa GMA-7 noong May 24, 2009, na kinakabahan siya sa tuwing nakakalaban niya sa mga amateur singing contest si Eva.

Agad namang ipinahanap ng Kapuso Network management si Eva.

Lahad ni Regine, “Suking-suki na po ako ng mga amateur singing contest.

"Sumali yata ako sa over three hundred, mga 75 yung pinanalunan ko, parang mga ganyan.

"Kasi ho, kaya ganoon, dahil meron ho akong karibal na batang maliit na malaki ang boses.

“Noong araw na yun, kami ang Nora at Vilma sa mga amateur singing contest.

"Kumbaga, kung may Chona Velasquez, may Minerva Castillo.

"Ang mababalitaan mo sa kanya, meron siyang mga three hundred something na trophies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lagi siyang nananalo kasi magaling talaga siya. Ang laki ng boses niya, parang ang boses niya, mala-Dulce."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sumali yata ako sa over three hundred, mga 75 yung pinanalunan ko, parang mga ganyan. Kasi ho, kaya ganoon, dahil meron ho akong karibal na batang maliit na malaki ang boses. Noong araw na yun, kami ang Nora at Vilma sa mga amateur singing contest. Kumbaga, kung may Chona Velasquez, may Minerva Castillo," says Regine Velasquez in a past interview about her former rival, Eva Castillo (in photo).
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results