Watch Now

Jeric Raval confirms AJ-Aljur relationship: "Tao lang ang mga iyan, nagmamahalan."

by Melba R. Llanera
Mar 24, 2022
Jeric Raval, AJ Raval, Aljur Abrenica
Jeric Raval (left) on daughter AJ Raval getting into a relationship with Aljur Abrenica: "Pagdating kasi sa love life, kahit tayo magulang tayo, di naman natin ang saklaw ang love life ng mga anak natin. Kahit bawalan natin iyan, pagtalikod mo, yun ulit. Ganun din naman ako nung araw, e. Ang pagkakaiba lang lalake ako, siyempre yung anak ko babae, mas pinoprotektahan ko yun."
PHOTO/S: @ajravsss / Haiyan Hotel and Resort Facebook

Kinumpirma ni Jeric Raval na "nagmamahalan" sina AJ Raval at Aljur Abrenica, at hindi niya ito hinahadlangan.

Si AJ, 21, ay anak ni Jeric, 46, sa ex-partner at dating aktres na si Alyssa Alvarez.

Ang tiniyak lamang ni Jeric kay Aljur ay kung hiwalay na ito sa misis na si Kylie Padilla bago ito pumasok sa buhay ni AJ.

Naiintindihan naman daw ni Jeric ang sitwasyon ni Aljur, 32.

Pag-amin ni Jeric: "Basta nasa ayos lang ang lahat. Nagkausap na naman kami. Una ko siyang nakausap sa PDEA office.

"Mayroon kaming presscon nun at the same time pictorial din. Hinatid niya ang anak ko dun, nakipag-usap naman siya sa akin.

"Lalake namang kausap yung tao, mabait naman.

"Tinanong ko lang naman sa kanya kung siya ba ay hiwalay. 'Opo.' 'Ano ba ang plano mo sa anak ko?'

"Sabi niya, nagmamahalan daw sila. 'E, di magaling,' sabi ko. Yung tipikal na tinatanong ng isang ama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa presscon at red-carpet screening ng pelikulang Buy Bust Queen noong March 23, 2022, sa One Mall Sky Theater sa Valenzuela City.

SA BANSAG NA "KABIT" KAY AJ

Bilang isang ama, aminado si Jeric na mas gusto niya sanang binata o walang sabit ang magustuhan ng anak.

Masakit para sa kanyang naririnig na nababansagang "other woman" o "kabit" ang anak.

Paliwanag ni Jeric: "Una kong reaksiyon, ama ako, e, siyempre gusto natin lagi sa anak natin yung the best, di ba?

"You will have a better life kung iba ang manliligaw sa iyo. Hindi ka mapipintasan ng tao, hindi ka maba-bash. Hindi ka tatawaging 'kabit.'

"Kaya lang, that's life. Tao lang ang mga iyan, nagmamahalan.

"Sa akin naman, walang masamang tinapay."

Sinisikap na lang daw ni Jeric na deadmahin ang bashers.

"Masakit, siyempre, nasasaktan ako. Siyempre, inaalagaan ko ang anak ko, pinalaki ko nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag naririnig ko ang mga yun, pasok na lang dito, labas na lang dito," tukoy ni Jeric sa paglabas niya sa kabilang tainga ng mga kritisismo laban sa anak.

Patuloy niya, "Buti nga wala akong social media, e. Wala akong Facebook, wala akong lahat, ni Instagram.

"Sabi ko nga sa anak ko, 'Yung relasyon niyo, anak, sa ayaw at sa gusto mo, damay ako diyan.'

"Laging mababanggit ang pangalan ko. Laging tatanungin, 'Ano ang reaksiyon mo? Ano ang payo mo?'

"Sinasabi ko sa kanya lagi, lalo na dun sa lalake, kailangan lahat nasa tama, nasa ayos."

JERIC "HINDI SAKLAW" ANG LOVE LIFE NI AJ

Sa pagpapatuloy ng panayam kay Jeric, sinabi niyang may hangganan ang pagpapaalala niya sa mga anak pagdating sa pakikipagrelasyon.

"Pagdating kasi sa love life, kahit tayo magulang tayo, hindi naman natin saklaw ang love life ng mga anak natin.

"Kahit bawalan natin iyan, pagtalikod mo, yun ulit. Ganun din naman ako nung araw, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang pagkakaiba lang, lalake ako. Siyempre yung anak ko babae, mas pinoprotektahan ko yun," saad niya.

Dahil kasal si Aljur kay Kylie, sa ngayon ay malabong mauwi sa kasalan ang relasyon ng aktor kay AJ.

Ayaw namang pangunahan ni Jeric ang bagay na ito.

"Parang wala ako sa posisyon para tanungin ko ang bagay na iyan. Siguro darating din sa punto na tatanungin ko ang bagay na yun," sabi niya.

ARE ALJUR AND AJ DOWNPLAYING THEIR RELATIONSHIP?

Tugma naman ang kuwento ni Jeric tungkol sa pag-uusap nila ni Aljur sa naunang eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Jeric noong October 2021.

Base sa paglalarawan ngayon ni Jeric na "nagmamahalan" sina AJ at Aljur, lumalabas na natuloy sa malalim na relasyon ang pagkikilanlan ng rumored couple.

Noong nakaraang Valentine's Day, taong 2022, spotted sina AJ at Aljur na magkasama sa isang resort sa Leyte.

Ayon kay Aljur, trabaho ang ipinunta nila ni AJ roon at walang inaamin ang aktor tungkol sa kung anong relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: "Tara sa Haiyan as a Friend": More photos of Aljur Abrenica and AJ Raval in Leyte surface online

Pero huling bahagi ng Pebrero 2022, si AJ mismo ang nag-post ng litrato nila ni Aljur sa beach na waring nagpapahiwatig na patuloy ang espesyal na unawaan nila.

Ito ay sa kabila ng pag-iwas ni AJ na tahasang aminin kung sila na ba ni Aljur.

Sa PEP Live noong January 2022, ang sabi ni AJ ay wala silang relasyon ni Aljur at nag-uusap lang sila.

Kakatwa namang suportado ni Kylie ang pakikipagrelasyon ni Aljur kay AJ dahil ni-like pa ni Kylie ang pinost ni AJ na litrato nila ni Aljur noong Pebrero 2022.

Read: AJ Raval answers bashers telling her "maghubad ka na lang"; reacts to "Kylie is the legal wife" post

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Raval (left) on daughter AJ Raval getting into a relationship with Aljur Abrenica: "Pagdating kasi sa love life, kahit tayo magulang tayo, di naman natin ang saklaw ang love life ng mga anak natin. Kahit bawalan natin iyan, pagtalikod mo, yun ulit. Ganun din naman ako nung araw, e. Ang pagkakaiba lang lalake ako, siyempre yung anak ko babae, mas pinoprotektahan ko yun."
PHOTO/S: @ajravsss / Haiyan Hotel and Resort Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results