Jeric Raval, may tatlong katanungan kay Aljur Abrenica tungkol sa panliligaw nito sa kanyang anak na si AJ Raval

by Jojo Gabinete
Oct 8, 2021
Jeric Raval to Aljur Abrenica: "I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat."
PHOTO/S: Instagram

Hinihintay ng marami ang reaksiyon ni Jeric Raval tungkol sa pakikipagmabutihan ng kanyang 22-year-old daughter na si Elizabeth "AJ" Raval, 21, kay Aljur Abrenica, 31.

Sa pagkakaalam ng marami ay protective father si Jeric sa kabila ng pagkakaroon niya ng labingwalong (18) anak sa iba’t ibang babae.

Nanggaling kay AJ ang kumpirmasyon tungkol sa relasyon sa kanya ni Aljur sa guesting nila nina Andrew E. at Sunshine Guimary sa PEP Live noong Martes ng gabi, October 5, para sa promo ng kanilang pelikulang Shoot! Shoot! Hindi Kita Titigilan.

Hindi positibo ang karamihan ng mga komento ng netizens sa AJ-Aljur romance dahil kahihiwalay pa lamang ng aktor at ng asawa nitong si Kylie Padilla, at hindi pa annulled ang kasal ng dalawa.

Higit sa lahat, nag-aalaala ang netizens at ang mga nagmamalasakit kay AJ na makakaapekto sa gumagandang takbo ng kanyang showbiz career ang pakikipagrelasyon niya kay Aljur.

Nagpadala ang Cabinet Files ng mga katanungan kay Jeric tungkol sa opinyon nito sa relasyon nina AJ at Aljur.

Continue reading below ↓

Mahahalata sa kanyang mga sagot ang pag-aalinlangang nararamdaman niya, at kapansin-pansin ding hindi direktang binanggit ni Jeric ang pangalan ni Aljur.

Ayon sa dating action star, may tatlong bagay siyang itinanong kay Aljur nang magkita sila.

“Una kaming nagkita niyan sa PDEA office dahil inihatid niya ang anak ko.

"Dun ko siya unang nakausap at tatlong bagay lang ang itinanong ko sa kanya.

"Una, nanliligaw ba siya sa anak ko? He answered me, ‘Yes po.’

“Second, kung 'ikaw ba ay hiwalay na?'

“Third, 'Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo [Robin Padilla] kung aksidenteng magkita kami?'"

Ipinaliwanag ni Jeric kung bakit niya tinanong si Aljur ng mga bagay na iyon.

Saad niya, “Kaya ko tinanong ‘yon dahil, unang-una, alam ko na anak ni Robin ang asawa niya.

“Pangalawa, magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party, e, ang anak ko.

Continue reading below ↓

“Sabi ko pa sa kanya, 'I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat.'

“Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan."

Hindi raw sila nagkausap nang matagal ni Aljur dahil may presscon noon si Jeric sa PDEA kasama si Director General Wilkins Villanueva.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Raval to Aljur Abrenica: "I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results