PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang dares non-Kakampinks to unfollow her

Pokwang: "Takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan."
by Arniel C. Serato
Published Mar 25, 2022
Pokwang unbothered with bashers
Pokwang encourages supporters of other candidates to show support for their chosen bets instead of bashing celebrities who are Kakampinks.
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram

Ngayong malapit na ang eleksyon, mas lalong umiinit ang balitaktakan at batuhan ng batikos ng mga tagasuporta ng mga tumatakbong kandidato partikular na sa pinakamataas na posisyon—ang pagka-Pangulo ng Pilipinas.

Kaugnay nito, damay rin sa pamba-bash ang mga artistang naghahayag ng kanilang suporta sa mga kandidatong napupusuan nila.

Isa na rito ang Kapuso artist na si Pokwang na hayagan ang suporta kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Upang ipakita ang kanyang suporta ay naglagay pa si Pokwang ng tarpaulin ni Robredo at ng ka-tandem nitong si vice presidential aspirant at Senator Kiko Pangilinan ang gate ng kanyang bahay sa Antipolo.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram:

Sa Twitter naman noong Miyerkules, March 23, 2022, nanawagan si Pokwang sa mga tagasuporta ng ibang kandidato na imbes kutyain silang Kakampinks—bansag sa mga tagasuporta ni Robredo—dapat daw ibaling na lang ng mga ito ang pagtulong sa kanilang kandidato at ang mga artistang sumusuporta rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Pokwang: “bakit kapag kaming mga #Kakampink na artista nag post ng suporta kay #LeniKiko sa IG, FB at Twitter ang daming mga nag mamaasim na suporter ng kabila? bakit di nyo nalang suportahan mga kapwa ko artista na kaalyado nyo kesa i bash nyo kami? They need your support too!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Pokwang, dahil sa kanyang pagiging Kakampink ay may mga nagbantang followers niya ia-unfollow siya sa kanyang social media accounts.

Pero wala raw siyang pakialam kung mawalan man siya ng followers dahgil ang mas mahalaga ay buo pa rin ang kanyang dignidad at pagkatao.

Saad niya sa kanyang tweet kahapon, March 24: “Goodmorning…. gusto ko lang malaman nyong mga nag babanta mag unfollow sakin hahahaa Go ahead di po ako takot mawalan ng followers! takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para saking mga anak at magiging apo #PinkAngPokienyongLahat #Lenikiko

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Masaya namang ibinalita ni Pokwang na nadagdagan pa siya ng halos 100,000 followers sa Twitter, pero hindi umuusad ang kanyang followers sa Instagram.

Balita pa niya sa kanyang mga tagahanga, “Goodmorning…. from 2.5M sa twitter 2.6M thank you #kakampink sa follow at yung mga di nang iwan na iba ang sinusuportahan at may malawak na pang unawa salamat so far 2,8M parin sa IG hahahahahhaha thank you! #Pinkangapokienyonglahat #LeniKiko2022

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang encourages supporters of other candidates to show support for their chosen bets instead of bashing celebrities who are Kakampinks.
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results