Hinahanap ngayon ni Melai Cantiveros ang isang basher na labis ang pagmumura at pagbabanta sa kanya at sa kanyang pamilya.
Ngayong Sabado ng hapon, March 26, ipinost ni Melai sa Instagram ang larawan ng isang babaeng isinumpa ang kanyang mga anak at pamilya sa social media account mismo ni Melai.
Si Melai ay may dalawang anak na babae sa asawang si Jason Francisco: si Mela at Stela Francisco.
Sa mga screenshot na ibinahagi ni Melai, walang dudang masasamang salita ang pinag-iiwan ng babae sa vlog nilang pamilya ukol sa isang panimpla.
Sabi ng basher sa una niyang komento (published as is): “SARAP KUMAIN NG GALING SA NAKAW… SUMPAIN MGA ANAK MO GAGA…
“BOYCOTT PRODUCTS ENDORSE NI MELAI. ISA ITONG MAGNANAKAW. ISA ITONG PUTA NG LIPUNAN.
“ANO PANGIT??? NAGMAMAIINIS KANG HAYOP KA… NANAY MO MAGNANAKAW GAGA pinalaki ka SA pagnanakaw Ng INA mo.
“ANO? MAGNANAKAW SI MARCOS PA MORE… MAKITA LANG NAMIN KAYO SA LAVAS LALIT KASAMA MO MGA ANAK MO P@T*NG Ina KANG PANGIT KA. Mamatay Sana MGA anak mo… isusumpa ko yan.”

Sa isa pang screenshot, mababasa rito ang mga ganitong salita mula sa netizen: “MAMAMATAY BATANG ITO PINALAKI SA PAGNANAKAW… HAHAHA SUMPAIN PAMILYA MOPANGIT.
“MAGNANAKAW SI MARCOS??? NANAY MO ANG MAGNANAKAW GAGA.”

Sa caption, umapela si Melai sa netizens na tulungan siyang mahanap ang nasabing tao. Nanawagan din siya sa mga abugado para tulungan siya.
Buong caption ni Melai: “Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun, Paki PM po ako Maraming Salamat Matigil na ang mga pamg haharass na tu At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN
“Nananawagan dn ako sa mga #LawyersForLeni @lawyersforleni”
View this post on Instagram
Halatang tagasuporta ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang basher.
Isa namang certified Kakampink si Melai, na aminadong tagasuporta ni presidential aspirant at Vice-President Leni Robredo.
