Ikinasal na ang content creators na sina Marlon Velasquez, o mas kilala bilang Junnie Boy, at ang fiancée nitong si Vien Iligan.
Sina Junnie Boy at Vien ay parehong miyembro ng content creator collective group na Team Payaman, na sinimulan ni Lincoln Velasquez o mas kilala bilang Cong TV.
Ginanap ang kasal nitong Lunes ng umaga, March 28, 2022, sa Divine Mercy Parish Biluso sa Silang, Cavite.
Sina Junnie Boy at Vien ay may malaki ring social media following. Ang personal YouTube channel ni Junnie Boy ay may mahigit 4.3 million subscribers.
Ang kanyang Facebook account naman ay may 2.6 million followers, habang ang Instagram account niya ay may 760,000 followers.
Si Vien naman ay may 1.1 million Instagram followers, 2.8 million subscribers sa YouTube, at 1.8 million followers sa Facebook.
Matapos ang kasal, nagbahagi agad si Vien ng kanilang litrato ni Junnie Boy sa kanyang Instagram account.

Sa sumunod na post, ipinakita nina Junnie Boy at Vien ang kanilang wedding rings.
"JUST GOT MARRIED! [ring and church emoji]," caption ni Vien sa kanyang Instagram post na may hashtag na #lifetimeadVIENturewithJUNNIE.

Ibinahagi rin ni Vien sa kanyang Facebook followers ang mga litratong ito.
Agad-agad namang bumuhos ang congratulatory messages mula sa kanilang mga fans. Sa kasalukuyan, meron na itong 398,000 reactions at 150,000 shares.
Present sa kasal ang kapatid ni Junnie na si Cong TV at longtime partner nitong si Viy Cortez.
Naroon din si Patricia Velasquez at ang asawa nito na si Boss Keng.

Ilan pang social media content creators na nakapunta sa kasal nina Junnie Boy at Vien ay sina Alodia Gosiengfiao ng Tier One Entertainment, Tita Krissy Achino, Inah Evans aka Ate Dick, Agassi Ching at ang girlfriend nitong si Jai Asuncion.
READ MORE:
