Watch Now

Senator Bato dela Rosa denies Gretchen Barretto's talpak accusation; Gretchen threatens to show evidence

by Arniel C. Serato
Mar 30, 2022
Gretchen Barretto dares Bato Dela Rosa to let her show the evidence of her accusations
Gretchen Barretto: "I am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato Dela Rosa. In front of media. Time & place? Hurry pls."
PHOTO/S: Courtesy: @mac_igarta on Instagram / Senator Ronald "Bato" Dela Rosa on Facebook

Rumesbak si Gretchen Barretto kay Senator Ronald "Bato" dela Rosa matapos sagutin ng mambabatas ang mga akusasyon ng dating aktres.

Martes ng gabi, March 29, 2022, ibinahagi ni Gretchen ang screenshot ng balita tungkol sa mga banat sa kanya ni Dela Rosa sa interview nito sa SMNI News, ang news program ng pag-aaring network ni Pastor Apollo Quiboloy.

Matapang na hamon ni Gretchen kay Dela Rosa: "I am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato dela rosa. In front of media [praying hands emoji] Time & place? Hurry pls [praying hands pls]"

Sa panayam niya sa SMNI, isa-isang sinagot ni Dela Rosa ang mga patutsada sa kanya ni Gretchen kaugnay ng isinagawang pagdinig sa Senado ukol sa kontrobersiyal na e-sabong.

Si Dela Rosa ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nagsisiyasat sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Read: Gretchen Barretto to Senator Bato dela Rosa: "Ilabas natin yung mga talpak mo kaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"MAHAL TALAGA YUN PARA SA AKIN"

Sa nasabing hearing, maririnig sa Instagram Story ni Gretchen ang mga salitang: "Get down to business, Bato. Stop grandstanding. Just get down to the investigation."

Sinasabi ito ng dating aktres habang nakapokus ang camera sa mukha ni Dela Rosa sa livestreaming ng Senate hearing.

Patutsada pa ni Gretchen: "Ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling? My God! A senator has that much! Oh my gosh."

Sa panayam ng SMNI News, iginiit ni Dela Rosa na may karapatan din siyang magmay-ari ng mamahaling relo.

Aniya, “Yung unang-una sabi niya mahal daw yung relo ko. Bakit siya lang ba may karapatan na magsuot ng P85K na halaga ng Tag Heuer na relo?

“Bakit hindi pala ako puwede? Mahal talaga yun para sa akin, pero sa kanila, ewan ko kung talagang totoong mahal sa kanila.”

"CHARACTER ASSASSINATION"

Hindi rin pinalampas ni Dela Rosa ang patutsada ni Gretchen tungkol sa kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Gretchen na hindi karapat-dapat si Bato na manguna sa imbestigasyon sa kontrobersiyal na e-sabong.

Si Atong Ang ay isa sa resource person na ipinatawag ng komite ni Dela Rosa sa Senado dahil sa alegasyong sa sabong arena ng negosyante huling nakita ang ilan sa diumano'y missing sabungeros.

Pag-aari ni Atong ang Lucky 8 Star Quest Inc., ang gaming firm ng e-sabong operations na kumikita ng gross bets na "PHP1B to PHP2B" kada araw o "PHP60 billion" kada buwan.

Si Gretchen ay sinasabing miyembro ng Team Alpha ng Pitmaster group, na isa sa sabong brand ng Lucky 8 Star Quest Inc.

Matalik na magkaibigan at business partner sina Barretto at Ang.

Birada ni Gretchen, "How did Bato ever become a senator? Tignan mo ang line of questioning niya. Kailangan talaga lawyer ang mga nakaupo.

"People, vote wisely. Don't vote a Bato! My gosh! Dapat sa 'yo game show."

Ayon kay Dela Rosa, "character assassination" ang ginawa ni Gretchen laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “You cannot attack a person through issues, you attack him through his character, so character assassination yung ginagawa nila.

“Character assassination ang ginagawa nila sa akin, para lang to get back with me.

“Dahil hirap sila lumusot sa issues na kinaroonan nila.”

"NEVER IN MY LIFE"

Pinabulaanan din Dela Rosa na tumatalpak siya o tumataya sa sabong.

Akusasyon pa ni Gretchen, "Tumatalpak kasi si Bato na ito, e.

"Bato, ilabas natin yung mga talpak mo kaya."

Nabanggit din ni Gretchen na may "balance" diumano si Bato isang personalidad, na may ugnayan sa World Pitmasters Cup.

Aniya, "The truth will come out, Bato."

Sagot ng mambabatas, “Tapos sabi niya meron daw akong utang sa… sabi niya may balance daw ako? Papano ako magkaka-balance? Never man akong nagsugal.

"Never man akong nagsasabong. Never in my life. Kahit once na, nag-bet ako sa sabong, never nangyari sa buhay ko."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto: "I am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato Dela Rosa. In front of media. Time & place? Hurry pls."
PHOTO/S: Courtesy: @mac_igarta on Instagram / Senator Ronald "Bato" Dela Rosa on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results