PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pia Wurtzbach on having "attack dogs" targetting Catriona Gray

Pia to basher: "Bakit pag ganito laging AKO unang nyong naiisip na pasimuno?"
by Nikko Tuazon
Published Apr 1, 2022
Pia Wurtzbach, Catriona Gray
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach to her basher: "Sana maging masaya ka narin at tanggaling mo na yang pait sa puso mo. The pageant world has become toxic enough, do you really want to add to that? You have the power to choose what kind of Queen you want to be."
PHOTO/S: @piawurtzbach / @catriona_gray Instagram

Hindi napigilan ng beauty queen-actress na si Pia Wurtzbach na sagutin ang isang basher na tila gumagawa ng isyu sa pagitan nila ng kapwa Miss Universe titleholder na si Catriona Gray.

Nitong Biyernes ng umaga, April 1, 2022, ibinahagi ng pageant fan page na The Philippine Pageantry sa kanilang Facebook account ang screenshots ng pagsagot ni Pia sa basher nito.

Hindi nabanggit ng The Philippine Pageantry sa kanilang Facebook post kung saan sinagot ni Pia ang basher. Ngunit base sa screenshots, ang comments ay galing sa isang post sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa screenshots, mababasang inakusahan ng netizen si Pia at ang "team" nito na siya umanong nasa likod ng pambabatikos na natatanggap ni Catriona mula sa ibang pageant fans.

Buong komento ng netizen: "I think pia and her team are attacking @catriona_gray behind hmmm that makes me realize na sobrang galing ng performance ni @gutierrezary hmm i think she deserve the blue crown."

Pia Wurtzbach answers basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng netizen, "give back the crown to @gutierrezary."

Sa sumunod pang komento, sabi nito, "@gutierrezary @catriona_gray 2 miss universe queens we failed to protect. Best MU tandem we never had."

Pia Wurtzbach answers basher

Ang "@gutierrezary" na tinutukoy ng netizen ay si Ariadna Gutierrez, ang kandidata ng Colombia at first runner-up sa Miss Universe 2015.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Ariadna ang unang in-announce na winner ng host na si Steve Harvey, bago ito itinama at ianunisyong si Pia ang tunay na nagwaging Miss Universe.

Si Catriona naman ang itinanghal na Miss Universe noong 2018.

PIA FIGHTS BACK

Hindi pinalampas ni Pia ang pagkakataong buweltahan ang basher.

Aniya, "Hi E*****! May tanong ako, bakit pag ganito laging AKO unang nyong naiisip na pasimuno? Bakit ako?"

Pia Wurtzbach answers basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa man nailalagay ni Pia ang mga susunod nitong sasabihin ay nakapagbura na agad ng comment sa Instagram ang basher.

Comment ni Pia, "Nawala yung comment ni @K***E***** nakaready na sana yung mahaba kong reply sa kanya [emoji]"

Nabura man ang nasabing comment, itinuloy pa rin ni Pia ang pagbabahagi ng kanyang sagot sa mga akusasyon ng basher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling tinag ni Pia ang basher, at mariin nitong pinabulaanan ang isyung may "team" siya o "attack dogs" na pumupuntriya kay Catriona.

Paglilinaw ni Pia: "Hi E***** Wala po akong 'team.' Glam team siguro meron. Personal na team ko that handles my schedules & anything business related, meron.

"Pero wala akong ''team' or attack dogs tulad ng iniinsinuate mo. At along wala akong intention ever na mang 'attack' ng ibang tao."

Ayon pa sa komento ni Pia, pinili niyang sagutin na ang isyu lalo't paulit-ulit itong ipinupukol sa kanya ng bashers.

"Usually I just ignore messages like this kasi di naman totoo but years na ito paulit ulit nalang. And if other people are not gonna defend you or speak on your behalf, you have to speak up and defend yourself.

"I dont know why people really believe that I have a 'team' and that I actually aim to attack and tear other people down. Saan galing ito?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I always try my best to be good with everyone. I never want to have beef with anyone. That makes me so uncomfortable.

"Im just not that type of person and Im a big believer in karma. At kahit sa mga taong ayaw sakin, hindi ako gumaganti or nang 'attack' tulad ng sinasabi mo.

"Lagi lang akong tahimik."

Pia Wurtzbach answers basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CELEBRATE ALL QUEENS

Sa isa pang mahabang komento, sinabi ni Pia na palaisipan pa rin sa kanya kung bakit nakukuha ng ilang pageant fans na magkaroon ng "imaginary scenarios" sa pagitan niya at ibang beauty queens, lalo't pitong taon na ang nakalilipas nang manalo siya bilang Miss Universe at iba na ang tinatahak nitong career ngayon.

Pahayag ni Pia, "@E***** I get messages like these all the time. And honestly nakakapagod na. Why cant we just celebrate ALL WOMEN? ALL Queens? Bakit kailangan may 'team' nila, 'team' ko?

"Tapos may mga imaginary scenarios pa in your head that were all at war? Is it really hard to believe that women in the same industry can get along & thrive?

"Ako I competed 7 years ago. Hindi na ko aces&queens, matagal na akong graduate sa pageants. I handle my own life & career now.

"I dip my feet in pageants once in a while cos I get invited and enjoy doing hosting gigs/ being invited to judge or giving pep talks. Sa pageants naman kasi ang roots ko e so I enjoy it... but thats it!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling paglilinaw ni Pia, walang namumuong hindi pagkakaintindihan o awayan sa pagitan niya at iba pang beauty queens.

"Walang away away dito or hidden agendas. Sa sarili ko sigurado ako na wala. Masaya lang ako at very grateful na nagagawa ko parin lahat ng ito years after."

Pia Wurtzbach answers basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabiro namang sabi ni Pia sa hiwalay na comment kung bakit nito pinatulan ang basher, "Tsaka OO na patolera ako at ang dami kong sinabi haha. Sobra na e. Tsaka paulit ulit nalang."

Sinabi rin ni Pia na masaya siya sa kapwa niya beauty queens lalo't pare-pareho silang "may ganap" sa kani-kanilang mga career.

Aniya, "Ako, honestly I just wanna have fun, meet people I can collaborate with in business and advocacies, do the work that I need to do and live my life!

"And I'm really genuinely happy that were all thriving in our careers. Lahat ng PH queens may ganap. Like look around, ang saya diba? Lahat busy!"

Sa huli, may mensahe si Pia sa kanyang basher.

"Sana maging masaya ka narin at tanggaling mo na yang pait sa puso mo. The pageant world has become toxic enough, do you really want to add to that?

"You have the power to choose what kind of Queen you want to be, E*****.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pia Wurtzbach answers basher

Request naman ni Pia sa iba pang pageant fans na huwag nang gamitin ang mga katagang "the most popular," "the most loved," and "the best" sa kanya lalo't may anggulong pagkukumpara pa rin ito sa ibang beauty queens.

Komento ng netizen, "YOU ARE THE BEST AND THE MOST POPULAR MISS UNIVERSE EVER, QUEEN P!!!! WE LOVE YOU"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Pia, "helloooo I appreciate the love pero next time tama narin itong 'the most popular' 'the most loved' 'the best' kasi parang may angle parin ng pagcocompare….. [emoji] I love you nalang po masaya na ko hahaha"

Pia Wurtzbach answers basher

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach to her basher: "Sana maging masaya ka narin at tanggaling mo na yang pait sa puso mo. The pageant world has become toxic enough, do you really want to add to that? You have the power to choose what kind of Queen you want to be."
PHOTO/S: @piawurtzbach / @catriona_gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results