Tatlong Miss Universe winners ang magsisilbing host sa Miss Universe Philippines 2022 sa darating na April 30 sa Mall of Asia (MOA) Arena.
Ito ay sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow.
Ngayong Sabado, March 26, inanunsiyo ng Miss Universe Philippines Organization sa ang magandang balita sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.
Saad ng kanilang anunsiyo: “#UniquelyBeautiful meets #ConfidentlyBeautiful.
“You’re in for a phenomenal show, Universe! Introducing our hosts for the Miss Universe Philippines 2022 Finals, April 30, at the SM Mall of Asia Arena!
“More announcements about our special guests and ticket details soon!
“#MissUniversePhilippines2022 #MUPH2022 #UniquelyBeautiful #MUPHSisterhood”
Bukod pa dito, may balita ring dadalo sa finals night si Miss Universe 2021 na si Harnaaz Kaur Sandhu ng India.
Limampung kandidata mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang magtatagisan para sa coveted crown at titulo bilang Miss Universe Philippines 2022.
Simula ng hawakan ng ibang grupo ang franchise, dalawang edisyon na ng pageant ang matagumpay na idinaos: ang Miss Universe 2020 kunsaan si Rabiya Mateo ng Iloilo ang nag-uwi ng titulo, at ang Miss Universe 2021 na ipinanalo naman ni Beatrice Luigi Gomez ng Cebu.
Matagumpay din ang laban nina Mateo at Gomez sa international edition dahil parehong nakapasok ang dalawa sa Top 20 (Rabiya) at Top 5 (Beatrice).
Excited naman si Pia sa event. Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi niya ang screenshot ng announcement.
Sabi niya sa caption, "See you at the finals!"