PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Preggy Angelica Panganiban takes a leave from showbiz

"Balato niyo na sakin ang buhay ko ngayon. 30 years naman na ko sa inyo!”
by Arniel C. Serato
Published Apr 1, 2022
Angelica Panganiban appeals for understanding from fans for her showbiz leave
Angelica Panganiban pokes fun about her pregnancy in her March 20 Instagram post: "Magiging ganap na INA na po ako. Opo, may matres ako mga baklaaah!"
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram

Hinihinging balato ni Angelica Panganiban mula sa kanyang mga tagahanga ang pansamantala niyang paglisan sa limelight dahil sa pagbubuntis ng aktres.

Ayon sa 35-year-old Kapamilya actress, tatlumpong (30) taon na siyang nagtatrabaho sa showbiz bilang artista kaya sana ay pagbigyan naman siya na makapagpahinga.

Sa kanyang Twitter account nitong March 29, 2022, sinagot ni Angelica ang isang tagahanga na nasisenti raw dahil magpapahinga na ang aktres sa showbiz.

Nagtanong din ang netizen kung ano ang paboritong role ni Angelica na kanyang ginampanan. Ang nakakatawa lang dito, ang netizen na rin ang sumagot sa sariling tanong.

Saad ng netizens, “mami huhu nasesenti ako sa pagpapahinga mo sa showbiz to reminisce po, ano po ang favorite role na nakuha niyo? ako po, fave ko po yung rubi niyo suoer iconic (ako ung sumagot? hahahh)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa rin si Angelica sa katanungan ng kanyang follower.

Ayon sa aktres, marami naman siyang nagawang proyekto lalo na ang mga pelikulang maaaring panoorin muli ng mga tagahanga niya.

Kaya ibalato na raw sana sa kanya ang bagong yugto na ito ng buhay niya.

Tugon ng Kapamilya star: “Hahahaha. Okay lang yan. Mabuti nga at marami naman akong nagawang projects. Marami kayong pwede balikbalikan. balato niyo na sakin ang buhay ko ngayon :) 30 years naman na ko sa inyo!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“MAGIGING GANAP NA INA NA PO AKO.”

Noong March 20, inanunsiyo ni Angelica sa kanyang Instagram na siya ay nagdadalantao sa first child nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan.

Saad niya sa kanyang caption: “Ay! Na post!! [pregnant emoji] Sa wakas!!!

"Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako."

Biro pa niya: "Opo, may matres ako mga baklaaah!

"Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu [crying emoji] may pamilya na ko [laughing emoji] kaiyaq pramis [lauging with tears emoji]"

Ipagdiriwang nina Angelica at Gregg ang kanilang second anniversary sa July 11, 2022.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban pokes fun about her pregnancy in her March 20 Instagram post: "Magiging ganap na INA na po ako. Opo, may matres ako mga baklaaah!"
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results