Watch Now

Barbie Imperial admits she waited one week for Diego Loyzaga to win her back

by Bernie V. Franco
Apr 2, 2022
Barbie Imperial
Barbie Imperial says she has moved on three months after breakup with Diego Loyzaga: "Ngayon po, siyempre, sobrang happy na talaga ako."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) /@diegoloyzaga on Instagram

Kinumpirma ni Barbie Imperial na tatlong buwan na silang hiwalay ni Diego Loyzaga.

Ibig sabihin nito, may basehan nang mapaulat noong January 2022 na may pinagdadaanan ang relasyon former showbiz couple.

Nag-celebrate pa ang dalawa ng kanilang first anniversary noong December 2021.

Matapos nilang maghiwalay, inamin Barbie na umasa siyang babalikan pa siya ni Diego.

Inusisa si Barbie kung kaagad ba siyang nagsabi sa kanyang ina nang mag-break sila ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Sabi ng aktres sa live episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, April 1, 2022, “Ako po, parang hinintay ko ng one week. Sinolo ko talaga yung breakup.

"As in, nasa kuwarto lang ako. Sobrang lungkot ko talaga.

“Alam ko po kasi kapag nasasaktan ako, mas doble talaga yung sakit para sa nanay ko. So, kinimkim ko muna na mag-isa.

“’Tapos nung medyo kaya ko na nang konti, doon ko sinabi kay Mama, ‘tsaka nung sigurado na break na talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sundot na tanong ng host na si Jolina Magdangal, hindi pa ba sigurado si Barbie kaya naghintay pa siya ng isang linggo?

Sagot ni Barbie, “May mga ganoon po kasi, di ba, yung…”

Sabat ni Melai Cantiveros, “Umaasa pa tayo na baka habulin.”

Pagsang-ayon ni Barbie, “Habulin. Oo. Yeah.”

Pero hindi siya hinabol ni Diego.

“Pero nung sure na parang [break na], sinabi ko na talaga kay Mama,” ani Barbie.

BARBIE HAS MOVED ON

Kumpiyansang sinabi ni Barbie na naka-move on na siya sa paghihiwalay nila ni Diego.

“Ngayon po, siyempre, sobrang happy na talaga ako. Finally, after three months ng breakup namin.

“I’m okay na. Happy,” paniniyak ng Kapamilya actress.

Dinaanan daw niya ang tamang proseso ng pagmu-move on.

“Naniniwala ako sa power ng time. Hindi mo siya dapat madaliin. Patience lang talaga.”

Tiniyak pa ni Barbie na nananatili silang magkaibigan ni Diego.

Ito ang dahilan kung bakit noon lamang March 19 ay nagkapalitan pa sila ng mensahe ni Diego sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post si Barbie sa Instagram ng larawan niya ng bagong hair color.

Nagkomento ni Diego ng, “Poison Ivy?”

Sagot naman ni Barbie: “Ako nga pala ang sinayang mo HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA.”

May mga tagahangang tinukso ang dating magkasintahan at sinabing nangangamoy balikan. Pero sa Magandang Buhay, ipinaliwanag ni Barbie na may komunikasyon sila ni Diego.

Kulitan lamang ang nangyari, pero walang nangyaring balikan.

Ani Barbie, “Okay po kasi kami. Hindi naman po kami magkaaway, pero hindi po kami nagbalikan. Friends lang.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial says she has moved on three months after breakup with Diego Loyzaga: "Ngayon po, siyempre, sobrang happy na talaga ako."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) /@diegoloyzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results