PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diego Loyzaga agrees to do butt exposure in The Wife

Diego, di kasama si Barbie Imperial sa Amerika.
by Jojo Gabinete
Published Jan 21, 2022
diego loyzaga butt exposure
Si Diego Loyzaga ang bagong dagdag sa listahan ng mga aktor na pumayag maghubad sa pelikula ng Vivamax.
PHOTO/S: @diegoloyzaga

Hindi lamang ang mga artistang babae ang naghuhubad sa mga pelikulang napapanood sa Vivamax dahil nakikipagsabayan na rin sa kanila sa pagpapakita ng mga hubad na katawan ang mga aktor.

Kabilang sa kanila sina Sid Lucero (Silip Sa Apoy at Reroute), Paolo Gumabao (Silip Sa Apoy at Sisid), Sean de Guzman (Hugas, Mahjong Nights,Taya, at Nerisa), Marco Gomez (House Tour), at Marco Gumabao (My Husband, My Lover).

Si Diego Loyzaga ang karagdagan sa listahan ng mga aktor na pumayag magpakita ng katawan sa harap ng kamera.

May butt exposure siya sa love scene nila ni Cara Gonzales sa The Wife.

Si Denise O’Hara ang direktor ng The Wife na pinagbibidahan ni Louise delos Reyes. Bilang babae, pinagkatiwalaan ni Diego s Denise kaya nakumbinsi ang aktor na gawin ang maselang eksena.

Una namang nakatrabaho ni Diego si Louise sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Encounter na napanood sa TV5 noong 2021. Pero hindi sila nabigyan ng pagkakataong makilala nang husto ang isa’t isa dahil konti lamang ang kanilang mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagkasama kami sa Encounter pero I was happy to finally have a scene with her because in Encounter, hindi nga kami nagkaeksena masyado.

“If ever, very minimal lang and she’s a great actress. Ang galing niya talaga,” papuri ni Diego kay Louise.

Nagpaalam kaagad si Diego sa digital mediacon ng The Wife na nangyari nitong Biyernes ng hapon, January 21, 2022 dahil nagbabakasyon siya sa Amerika.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bago umalis, sinagot niya ang tanong kung bakit hindi niya kasama sa U.S. trip ang kanyang girlfriend na si Barbie Imperial.

“I came here all of a sudden. I booked my flight a day before I left. I don’t think even if she wanted to come here, she couldn’t come here,” bahagi ng paliwanag ni Diego.

Hindi kasama ni Diego si Barbie sa Amerika dahil walang U.S. visa ang kanyang girlfriend.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Diego Loyzaga ang bagong dagdag sa listahan ng mga aktor na pumayag maghubad sa pelikula ng Vivamax.
PHOTO/S: @diegoloyzaga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results