Watch Now

Judy Ann Santos, Meryll Soriano weigh in on "entitled, privileged" young stars

by Rachelle Siazon
Apr 2, 2022
Judy Ann Santos, Meryll Soriano
Judy Ann Santos (left) on why some newbie stars lack discipline at work: "Actually, may contribution dito yung mga taong nakapaligid sa mga batang ito kasi hinahayaan nila. Pero kung sa simula pa lang, itinuro mo na yung tamang paraan how to love and respect their job, yun ang dadalhin nila."
PHOTO/S: Anna Dasig via @officialjuday / @planetumeboshi Instagrami Instagram

Hindi maiwasang maikumpara nina Judy Ann Santos, 43, at Meryll Soriano, 39, ang kaibahan ng ugali ng mga baguhang artista ngayon sa karanasan nila noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz.

Eight years old si Judy Ann at nine years old si Merryl nang magsimula sila sa pag-aartista, at masasabi raw nilang hindi sila "entitled" at "privileged" noon.

"Ang laki ng difference ng discipline," komento ni Meryll.

Nagkatsikahan sina Merryl at Judy Ann sa YouTube vlog ni Merryl noong March 27, 2022.

Gulantang daw si Meryll nang maengkuwentro niya ang isang baguhang artista na hindi pinaghandaan ang linya sa araw ng taping.

"Di ba, nag-London ako, nag-aral ako. Ta's nag-show ako. Na-shock ako, e. Culture shocked ako sa sarili kong field.

"Kasi ngayon, pini-feed yung lines. Andun na ako, e. Grabe na yung paluha ko. Ba't parang stop-stop tayo?"

Ilang taon ding nanirahan sa London si Meryll nang mag-aral siya ng kursong Product Design sa Central Saint Martins College of Art and Design.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Meryll Soriano reveals Willie Revillame stopped financing her studies in London; clarifies, "I think, my father wants me to be here and deal with his businesses."

READ: PEP EXCLUSIVE. Willie Revillame firm about decision not to finance Meryll Soriano’s education in London

Kaya nanibago raw siya nang maka-meet ng mga baguhang artista sa proyektong di niya tinukoy kung ano.

Naloka raw si Meryll dahil lumalabas na hindi pa kabisado ng di pinangalanang artista ang dapat nitong gawin sa set.

Gulat na reaksiyon ni Judy Ann, "May stop-stop?"

Patuloy ni Meryll, "Buti na lang nare-request mo na tapusin mo side mo. Di ko kaya.

"So, ano yung napuputol-putol kayo? Sabi ko, 'Ano itong binalikan ko?'"

Sa puntong ito, sinabi ni Judy Ann na hindi dapat nai-spoil ang isang baguhang artista.

"Actually, may contribution dito yung mga taong nakapaligid sa mga batang ito kasi hinahayaan nila.

"Pero kung sa simula pa lang, itinuro mo na yung tamang paraan how to love and respect their job, yun ang dadalhin nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tukoy pa ni Judy Ann sa kanyang young adult years sa showbiz, "Gumigimik man tayo, we still show up on time sa set.

"Kahit gaano ka kangarag sa pagkagimik mo, on time, memorize lahat ng linya."

Meryll Soriano, Judy Ann Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JUDY ANN ON HUMBLE BEGINNINGS IN SHOWBIZ

Kahit si Judy Ann ay nakakarinig daw ng mga kuwento-kuwento tungkol sa ibang batang artista na may hindi magandang work ethics.

Aniya, "Gusto ko nga sila makatrabaho kasi ayoko naman maniwala lang sa sabi-sabi. Unfair naman yun sa kanila...

"Siguro marami lang mga bagets na very privileged sa panahon ngayon.

"Siguro kasi di nila napagdaanan yung journey—ako from being a talent to batang Maricel [Soriano], batang Snooky [Serna], impaktita...

"Lahat ng pagiging batang impakta nagawa ko."

Naranasan din niyang lumaki sa showbiz na "walang cellphone, walang sariling tents."

Diin ni Judy Ann, "Pero masaya siya."

Sang-ayon ni Meryll, "Iba talaga journey nun kasi tayo huling kinukunan.

"Wala pa kasing DOLE nun... 5 a.m, na, kailangan mo pa rin gawin. Wala naman cut-off nun."

Pero hindi raw iyon masyadong ininda nina Meryll at Judy Ann dahil na-enjoy rin nilang maglaro habang naghihintay ng kanilang turn sa camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON LOVE FOR THE CRAFT AND RESPECT FOR PEERS

Naniniwala si Judy Ann na dapat matutunan ng mga baguhang artista na hindi lang dapat pera ang isipin sa pagpasok sa showbiz.

"Malaking factor na kung may nakakapanood sa atin ngayon...

"Kasi marami nag-iisip na, 'Gusto ko mag-artista kasi malaki ang pera.' Yes, di naman tayo magsisinungaling sa part na iyan.

"Pero malaki rin ang responsibility sa social media. Responsibility mo sa followers mo at sa nai-inspire mo.

"It is something na kailangan mo isapuso. Kasi pag nag-pretend ka, hindi siya consistent."

Marunong din dapat ang mga baguhang artista na makisama sa mga staff at crew, ayon kay Judy Ann.

Payo niya, "Yung hindi ka namimili. Hindi lang yung director mo at EP [executive producer] mo ang tsitsikahin mo dahil ito lang yung importante. No.

"Lahat ng tao sa paligid mo pag nagtatrabaho ka or di ka man nagtatrabaho, you have to be very respectful."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos (left) on why some newbie stars lack discipline at work: "Actually, may contribution dito yung mga taong nakapaligid sa mga batang ito kasi hinahayaan nila. Pero kung sa simula pa lang, itinuro mo na yung tamang paraan how to love and respect their job, yun ang dadalhin nila."
PHOTO/S: Anna Dasig via @officialjuday / @planetumeboshi Instagrami Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results