Watch Now

Ana Jalandoni claims Kit Thompson pointed a knife at her during one of his outbursts

by James Patrick Anarcon
Apr 3, 2022
Ana Jalandoni and Kit Thompson
Ana Jalandoni reveals big fight with Kit Thompson during his birthday in Palawan where he allegedly slapped her to wake her up.
PHOTO/S: The Interviewer on YouTube / @realanajalandoni on Instagram

TRIGGER WARNING: VIOLENCE

Inamin ni Ana Jalandoni na ilang beses na silang nagkaroon ng malalaking away ng estranged boyfriend na si Kit Thompson bago ang insidente na naganap noong March 17, 2022.

Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

Sa Part 1 ng "The Ana Jalandoni Story," na mapapanood sa The Interviewer ng The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube, inilahad ni Ana ang ilang pagkakataong nag-away sila ni Kit na umabot umano sa murahan at sakitan.

Ang unang away raw nila ay nang magkabiruan sila tungkol sa kanilang mga dating kasintahan.

Hindi binanggit ni Ana ang buong pangalan ng lalaki sa interview, subalit naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portral) na si Renan Morales, pulitiko mula sa Nueva Ecija, ang kanyang dating asawa.

Read: Ana Jalandoni opens up about ex-husband who was once linked to Kris Aquino

Pauwi raw sila ng Pampanga nang mangyari ang kanilang unang away bandang November 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Pampanga ang family home ni Kit. Dinala na rin ni Kit si Ana dito noon nang ipakilala bf aktor ang girlfriend sa kanyang mga magulang.

Kuwento ni Ana, “Kasi papunta kami ng Pampanga, naglolokohan kami ng about ex, nabanggit ko na yung ex ko is from Nueva Ecija.”

Nagbiro raw si Ana na ihatid na lang daw siya ni Kit sa Nueva Ecija. Nakapagbiro raw si Ana nang ganito dahil masaya ang takbo ng usapan nila kaya ang akala niya, okay kay Kit ang biruan.

Subalit iba raw ang nangyari.

Patuloy ni Ana, “Nagalit na sa akin. Doon ko nakita na may pagkaagresibo, na isang ganun, kapag hindi niya nagustuhan yung sinabi mo, nagagalit siya nang mabilis.

“Ako naman, hindi ko inaano na galit siya kasi nagdyu-joke joke kami. Siya, dyinu-joke niya ako sa ex niya, hindi naman ako nagagalit, kasi nagdyu-joke nga tayo. Kumbaga, naglalaro tayo.

“Tapos noong pinaulit niya sa akin, sabi ko, 'Ihatid mo ako sa Nueva Ecija,' parang ganun. Tapos sabi niya, ‘Ah, gusto mong bumalik doon?’ Nag-iba na yung look niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Relax.’ Sabi ko, 'Nag-aano lang tayo, nagdyu-joke lang tayo, huwag kang seryoso.'”

Nakatanggap daw ng mura at masasakit na salita si Ana mula kay Kit habang nagda-drive sila papunta sa bahay nila Kit. Hindi na rin daw napigilan ni Ana na maiyak dahil dito.

Ani Ana, “Nagagalit na siya hanggang sa malapit na kami sa bahay, dire-diretso siyang magsalita nang masasakit.

“Umiyak na ako tapos na-shock na ako, tapos binuksan niya yung gate.

“Kasi gamit namin yung car ko, binuksan niya yung gate ng bahay niya, bumaba ako ng car, umikot ako, pumunta ako sa drive seat na uuwi na dapat ako.”

Pero napigilan daw ni Kit si Ana na umuwi.

“Pinigilan niya ako, sabi ko, ‘Kit, natatakot na ako. Bakit ka ganyan?’

“Sabi niya, ‘Hindi, pag-usapan natin ito sa loob. Huwag kang umalis.’

“Sabi ko, ‘Bakit ka nagmumura?’ Kasi minumura niya ako sa car, e. Mga bad words na ganyan.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaliwanagan daw ni Ana si Kit na hindi kailangang umabot sa murahan at awayan ang kanilang pinag-uusapan dahil nagbibiruan lang naman sila.

“Nag-usap kami, sinabi ko sa kanya na, ‘Ayoko ng ganun, we always talk na nagdyu-joke tayo, lagi tayo nag-uusap, lagi tayo nagbibiruan.

“'Kung di mo nagustuhan yung sinabi ko, kausapin mo ako nang maayos, huwag mo akong murahin.'

“Nag-sorry siya, ‘Sorry, mainit lang yung ulo ko kasi alam ko, ex mo iyon, e.’

“Sabi ko ‘Okay, sorry, mali ako…’ kasi nabanggit ko nga raw yung Nueva Ecija.”

Pagkatapos nito ay hindi na raw sila nag-usap tungkol sa kanilang mga ex.

Ito raw ang first na “major away” nina Ana at Kit, pero hindi naman daw umabot sa pisikal na sakitan.

Sabi ni Ana kay Boy, “Hindi pa niya ako nasasaktan noon, wala pang touch, mura pa lang yun.

“Natatakot na ako sa kanya, pero kinakalma ko siya sa ganitong usap. ‘Dapat di ganyan, dapat ganito tayo, we’re not young anymore. Huwag kang masyadong childish.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito ay bumalik sina Kit at Ana sa masaya nilang pagsasama bilang magkasintahan.

THE KNIFE INCIDENT

Nasundan pa ng isang malaking away ang Pampanga incident.

Ang sumunod na insidente ay nangyari sa bahay ni Ana.

Nagsimula ito nang mapag-usapan nina Kit at Ana ang tungkol sa isang kaibigan ni Kit na matagal nang may crush kay Ana.

Pero sa puntong ito, nagpapatulong daw ang kaibigan ni Kit na manligaw sa isang kaibigan ni Ana.

Kuwento ni Ana, “May pinag-uusapan kami sa kaibigan naman niya, may friend kasi siya na dati pa may gusto sa akin, may crush, as in years na, alam niya yun.

“Parang sabi niya sa akin na, ‘Love, naalala mo si yung may crush sa 'yo?’ ‘O, ano, bakit?’

“Kasi crush niya yung friend ko. ‘Ah, oo, e, may asawa na si ano.’

“[Sabi niya], ‘Ihanap mo na lang ng date.’ ‘Tapos sabi ko, ‘Sige, hanap natin ng date.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakukuwento nga rin daw ng kaibigan ni Ana na mabait ang lalaking tinutukoy ni Kit.

Hanggang sa umabot na naman daw ulit sila sa biruan na si Kit ang nag-umpisa.

Ani Ana, “Tapos parang nagbibiruan ulit kami na, ‘Sinong type mo sa mga kaibigan ko?’ Ganun-ganun. Tinanong niya ako.

“Sabi ko, ‘Wala, siyempre ikaw lang, ano ka ba.’”

Hindi raw nagustuhan ni Kit ang sumunod na sinabi ni Ana.

Patuloy ni Ana, “Ewan ko, biglang suddenly, sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, yung kaibigan mong yun…’ Yung may gusto sa akin, sabi ko, ‘Kung hindi lang kita boyfriend, ide-date ko yun. Sabihin mo, i-date ko siya.’

“It’s a joke, di ba? For me, it’s a joke, kasi nagdyu-joke na nga kaming dalawa, e.”

Dito na raw muling sumabog si Kit.

Nasaktuhan naman daw na may hawak na kutsilyo si Kit dahil may ginagawa ito sa banyo ni Ana.

Sabi ni Ana, “Nagalit na naman siya, tapos may hawak siyang knife that moment, ginanun niya sa leeg ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang ikinukuwento ni Ana ay iminuwestra niya ang ginawa ni Kit, kung saan tinutok daw nito ang kutsilyo malapit sa leeg ni Ana.

Patuloy niya, “As in nagtatawanan kami nito, ha. Nagtatawanan kami, Tito Boy. Nagtatawanan kami.

“May hawak siyang knife kasi may ginagawa siya sa CR ko, e, parang bidet.

“Ginanun niya sa leeg ko, ginanun niya. ‘Anong sabi mo? Anong sabi mo?’

“Sabi ko, ‘Kit, anong ginagawa mo?’ Nagulat talaga ako. ‘Ibaba mo 'yan. Ibaba mo 'yan.’

“'Hindi, anong sinabi mo?’ ‘Kit, joke lang yun. Ibaba mo 'yan,’ sabi ko.

“'Tapos binitawan niya, siyempre natakot ako. Sobrang natakot ako.

“Pinagpawisan na ako, umiiyak ako na pinipigilan ko kasi baka mag-freak out siya, di ba, kasi mainitin nga ulo niya, e.”

Nagpatuloy raw si Kit sa pag-aayos ng bidet ni Ana na umabot sa nabasag ng aktor ang tiles sa bathroom dahil sa kakapukpok nito. Pero hindi na raw sila nagpansinan nito hanggang sa umakyat na si Ana sa kuwarto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Ana, “Umiiyak ako kasi natakot ako, e. 'Oh my God, bakit ganun, bakit ganun?'

“Tapos umakyat siya, ‘Anong problema?’ Sabi ko, ‘Kit, umuwi ka muna.’

“Sabi niya, ‘Sorry, sorry.’ ‘Hindi, umuwi ka muna. Tawagan na lang kita kapag okay na ako.’”

Hanggang sa kinumpronta na ni Ana si Kit tungkol sa ginawa niya habang nagbibiruan sila.

“Sabi ko, ‘Kit, kapag ako binibiro mo ako, may ganito ka, may ganito, gusto mong i-date si ganito, Kit! Nagagalit ba ako sa 'yo?’

“Sabi ko sa kanya, ‘Minumura ba kita? Inaano ba kita? Nagbibiruan lang tayo. E, di kung ganun, huwag mo ako biruin. E, di rin kita bibiruin, nagdyu-joke lang tayong dalawa.’

“Sabi niya, ‘Sorry, sorry. Sorry.’ ‘Tapos pinaliwanagan ko siya.”

Nagkaroon daw ng trauma si Ana sa mga ganitong insidente dahil sa toxic niyang relasyon, na ipinaliwanag niya kay Kit.

“Kasi sabi ko, may phobia kasi ako sa mga ganyan kaya ayaw ko ng away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayaw ko ng kapag nag-aaway, nagmumurahan. Kasi yung sa ex ko nga, ganyan, napaka-toxic. Nakakatakot kasi nangyari na sa akin, ayoko na.”

Hindi raw umalis si Kit sa bahay ni Ana hangga’t hindi siya napapatawad ng kasintahan.

Sabi ni Ana kay Boy, “Umiiyak siya. ‘Please don’t leave me,’ ganun siya palagi.”

Pero pinatawad daw ni Ana ang nobyo dahil nakikita naman daw niya ang sinseridad nito at dahil mahal niya si Kit.

KIT’S BIRTHDAY IN PALAWAN

Subalit muling naulit ang pagkakaroon nila ng malaking away na umabot na sa sakitan.

Nangyari raw ito noong i-celebrate nilang magkasintahan ang birthday ni Kit sa Palawan noong February 2022.

Panimula ni Ana, “Pagod kami. The whole day, nag-activity kami sa beach.

"As in pagod ako, tapos nag-dinner kami, nag-inuman kaming dalawa, pero mga cocktail drinks lang. Pero pagod kami the whole day.

“So, pagpasok namin sa room, gabi na, dumiretso siya sa toilet para mag-shower. Tapos ako, nasa bed ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre pagod ako. Hindi naman higang-higa, as in nakaganyan lang ako, tapos naidlip ako.”

Paglabas daw ni Kit ng banyo pagkatapos maligo nag-umpisa ang matindi nilang away kung saan sinaktan ni Kit si Ana.

Kuwento ni Ana, “Matapos siyang maligo, pumunta siya sa akin. Sinampal niya rin ako ng gising.

“Sabi niya, ‘P*t*ng*na, tutulugan mo lang ako? Birthday ko, tutulugan mo lang ako?’

“Ako naman, ‘Ha? Bakit mo ako sinampal, Kit? Malamang pagod ako, pagod tayo, nakaidlip lang ako.

“’Hindi ako matutulog, nakaidlip lang ako. Bakit mo ako sinampal?’”

Gusto raw ni Kit na makipag-sex kay Ana noong gabing iyon. Gusto rin naman daw ni Ana.

Kuwento ni Ana, “Of course, I want to, di ba? Pagod ako, pagod lang talaga ako.

“Gusto ko magpahinga. Sabi niya, ‘Ah, ayaw mo makipag-sex sa akin?’”

Sa puntong ito ay parang maiiyak na si Ana habang sinasalaysay ang nangyari.

Patuloy ni Ana, “Sabi ko, ‘Hindi sa ayaw ko, Kit. Pagod lang ako, ang dami nating ginawa the whole day. Pero bakit mo ako sinampal?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tina-try ko lumabas ng pinto, hindi niya ako pinapalabas.

“‘Saan ka pupunta, bakit ka lalabas?’ ‘Papahangin ako, Kit, di ako makahinga.‘Di ko alam kung anong problema mo.’

“Sabi niya, ‘Lagi kang ganyan, lagi kang ganyan. Dito ka lang, hindi ka puwedeng lumabas.’

“Sabi ko, ‘Please, please, please. Ayokong makipag-away, may mga ibang guest dito.’

“Nagsisigawan na kami, e. Ayaw niya akong palabasin talaga, e. Hindi pa rin ako nakalabas.”

Noong gabing iyon, hindi na sila nakapag-usap at natulog silang hindi naaayos ang kanilang problema.

Pero humingi raw si Kit ng tawad sa kanya at aminado itong may anger management problems siya.

Aware din daw si Ana tungkol dito.

“Umiiyak siya, sabi niya, ‘Sorry, sorry. Ana, sorry, problema ko talaga itong anger ko.’

“Actually, sinabi niya na sa akin yun dati pa. Kaya hindi nga siya masyadong umiinom kasi pag nakainom siya, parang iba 'yan siya, iba yung mood niya.”

Hindi na rin naman daw siya pinilit ni Kit na makipagtalik sa kanya noong gabing iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“After noong nagsagutan na kami, wala namang ganun, natulog na lang kami.”

RED FLAGS

Sa puntong ito, sinabi ni Boy na marami na raw red flags sa kanilang relasyon ni Kit.

Kaya naman tinanong ng host si Ana kung hindi ba siya natakot at bakit hindi siya umatras sa relasyon.

Sagot ni Ana, “Mahal ko, Tito Boy, e. At saka tina-try ko, e. Tina-try ko siyang tulungan.

“Not to be, like, fixed na, na ayusin ko siya, di ba? Gusto ko ipaintindi sa kanya na may tiwala siya sa akin, na wala akong sasabihing masama sa kanya.

“Papangaralan ko siya, ‘Kit, huwag ganyan. Kit, tigilan mo 'yan.’”

Nakikinig naman daw si Kit sa kanya at akala raw niya ay magbabago ito.

Pero kung siya raw ba ay naniniwalang magbabago si Kit, tapat na sagot ni Ana: “Yung totoo, hindi. Pero sinasabihan ko siya na 'you need help.'

“Yung last dito sa Palawan, sabi ko sa kanya, ‘Kit, kailangan mo ng help.’ Sabi niya, ‘Yes, yes, kailangan ko na talaga.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito, marami rin naman daw silang pinagsamahang masasaya.

Natanong din kasi ni Boy kung ano ang “best things about Kit” kaya patuloy itong minahal ni Ana sa kabila ng mga pangyayari.

Paliwanag ni Ana, “Honest siya sa akin, lahat sinasabi niya. Tina-try ko kasi siyang mag-open, e.

“Siya yung taong ikini-keep niya lahat 'yan, sa pagkakilala ko sa kanya. Hindi lahat ng tao, marunong mag-express ng feeling. Kung bad man 'yan, sad, or mad, happy, di kaya i-express ng ibang tao.

“So, kapag kinakausap ko siya, 'Kit, alam mo, puwede kang mag-open sa akin, lahat puwede mong sabihin sa akin.'

“Yung first na first na ginanun ko siya, umiyak lang siya sa akin, hindi siya nagsalita.

“Sabi ko, meron ito sa loob na itinatago. May mga times na nakakapag-open siya sa akin kasi gusto ko siyang intindihin, e, ano ang pinanggagalingan niya bakit ganun siya.”

Mapapanood ngayong April 3, Linggo, ang Part 2 ng The Ana Jalandoni Story sa The Boy Abunda Talk Channel, kung saan detalyado at uncensored na ikinuwento ni Ana ang pisikal na pananakit sa kanya ni Kit na nangyari noong March 17, 2022 sa Tagaytay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maseselan ang mga eksena at salitang mapapanood kaya may babala sa manonood ang The Interviewer: “Content in this video contains information and discussions on anger, harsh languages, and violence against women which some viewers may find triggering.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Kit at ng mga tao na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ana Jalandoni reveals big fight with Kit Thompson during his birthday in Palawan where he allegedly slapped her to wake her up.
PHOTO/S: The Interviewer on YouTube / @realanajalandoni on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results