Watch Now

Ana Jalandoni opens up about ex-husband who was once linked to Kris Aquino

by Jojo Gabinete
Apr 3, 2022
ana jalandoni renan morales
In a press conference last week, sexy star Ana Jalandoni (left) revealed that she married in 2017 but broke up with the fellow in 2018. In her latest interview with Boy Abunda, Ana mentioned the name of her ex-husband as Renan. PEP.ph has discovered that the "Renan" she referred to is Renan Morales (right, with Ana), who was linked to TV host-actress Kris Aquino in 2017.
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Ana Jalandoni tungkol sa kanyang ex-husband na pinagselosan ni Kit Thompson at siyang dahilan ng pananakit umano ng aktor sa sexy star.

Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

Bago nangyari ang insidente, tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas nang aminin nina Kit at Ana ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng social media.

Kaya nagulat ang marami nang kumalat ang balitang humantong sa pisikal na sakitan ang relasyon ng dalawa.

Read: Kit Thompson reveals relationship with Ana Jalandoni

Sa Part 1 ng "The Ana Jalandoni Story," na mapapanood sa The Interviewer ng The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube, inilahad ng sexy star ang pag-uumpisa ng relasyon nila ng estranged boyfriend niyang si Kit.

Ayon kay Ana, si Kit ang unang nagpadala ng mensahe sa Instagram account niya noong October 2021, pero hindi raw siya agad sumagot dahil hindi sila personal na magkakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ng sexy star kay Boy Abunda, “Akala ko he’s gay so tsinek ko muna bago ko siya i-follow back thru my friend.

"And then, sabi nung friend ko nga na, 'Straight ‘yan.' So finollow back ko na siya.

"And then, nung nag-[Instagram] Story na ako, siya yung pinakaunang nag-comment ng emoji heart sa picture ko."

Makalipas ang ilang linggo, nagkasundo sina Ana at Kit na magkita. Pinapunta ni Ana sa kanyang bahay sa Cavite ang 25-year-old actor dahil hindi natuloy ang unang plano nilang magbakasyon sa Siargao.

Paglalarawan ni Ana, “Madaldal siya, makuwento siya.

"Na-shock siya sa akin, akala niya isnabera ako or maarte. Nagulat siya, cowboy ako, makuwento din.

"Yun ang first met [sic] namin."

Ayon kay Ana, malalim ang naging kuwentuhan nila ni Kit dahil ang mga dating karelasyon ang kanilang napag-usapan sa loob ng anim na oras.

WHO IS ANA JALANDONI'S EX-HUSBAND?

Sa press conference ni Ana, kasama ang kanyang mga abugado, noong March 28, 2022, lumalabas na ang naging mitsa ng pananakit ni Kit kay Ana ay selos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa salaysay ng sexy star, binantaan umano siya ni Kit na papatayin siya nito sa oras na iwanan niya ang aktor tulad ng pakikipaghiwalay ni Ana sa kanyang husband.

Inamin din ni Ana na nagpakasal siya noon sa di pinangalanang lalaki.

Read: Ana Jalandoni, pinagbantaan umano ni Kit Thompson: "Pag iniwan mo ako, patayin kita."

Sa panayam niya kay Boy, tinanong si Ana kung inamin ba nito kay Kit na nagpakasal siya noong 2017 at nakipaghiwalay noong 2018.

Saad ni Ana (recorded as is), “He know me pa before and he know my ex din. Kasi yung ex [girlfriend] niya, nakakasama yung ex-husband ko before. They’re going out, lumalabas sila.

"So, parang small world. Ako, hindi ko sila kilala, pero sila kilala nila ako.”

Kasunod nito ay inilahad ni Ana ang insidente kung saan una niyang nakitaaan ng kakaibang temper si Kit.

Aniya, “Meron akong naalaala na on the way to Pampanga, sa bahay nila [Kit], nakainom din kami. Mahilig kaming mag-play role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-aano lang kami ng play role ng iba-ibang karakter, kasi parang yun ang bonding namin...

"Kasi papunta kami ng Pampanga, naglolokohan kami about ex, ganyan-ganyan.

"Nabanggit ko yung ex ko is from Nueva Ecija. Sabi ko, 'Sige na nga, ihatid mo na lang ako sa Nueva Ecija.' Pero, masaya kami nito, ha?

“Nagalit siya sa akin. Dun ko na nakita na may pagka-agresibo siya.

"Kapag hindi niya nagustuhan ang sinabi mo, nagagalit siya nang mabilis."

Pinagmumura raw siya ni Kit dahil sa kanyang ex-husband.

Ang tinutukoy ni Ana na "ex-husband" ay ang pulitiko mula sa Nueva Ecija na si Renan Morales, na pinakasalan niya sa Amerika noong 2017.

Ang mga litrato at video nina Renan at Ana na kuha sa Philippine Independence Day Celebration sa Rizal Park noong June 12, 2017, na nahanap ng writer na ito, ang ilan sa ebidensiya ng pagmamahalan ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon kay Ana, “2018 January naghiwalay na kami. Ako yung nang-iwan.

“Hindi talaga siya sinet na kasal sa Amerika. It’s a surprise wedding.

"Nandoon kami for vacation, and then sabi niya, ‘Pakakasalan na kita.’ Kinabukasan, ikinasal na kami.

"Nung kinasal kami, mahal ko siya, pero kasi meron na kaming issues, e.

"Gusto ko nang umalis sa kanya. Gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya, and he knows that," bahagi ng salaysay ni Ana tungkol sa pagpapakasal niya kay Renan noong 25 years old siya.

WHO IS RENAN MORALES?

Pamilyar ang pangalan ni Renan sa mga taga-showbiz.

Anak siya ni Rhodora "Doray" Morales, ang producer ng Trip Ni Kris, ang TV special ni Kris Aquino na ipinalabas sa GMA-7 noong April 9, 2017.

Read: Kris Aquino's new mystery guy revealed

Naging kontrobersiyal si Renan dahil pinaratangan siya ni Kris na manggagamit noong panahong pinaniniwalaang karelasyon na ni Renan si Ana.

“Okay, super nagamit ako because the son wants to be vice governor of Nueva Ecija. Super use-me-in-a-sentence talaga ang nangyari,” bahagi ng pahayag ni Kris kay Jo-Ann Maglipon, editor in chief ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong Abril 7, 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PEP EXCLUSIVE. Kris Aquino on rumored romance with councilor: "Super use-me-in-a-sentence talaga ang nangyari."

Itinanggi ni Renan ang akusasyon ni Kris gamit ang video message sa kanyang Facebook page.

Pahayag nito: “Actually po, siyempre, nagulat lang po kami na merong ganoong isyu na ‘super-use-me-in-a-sentence.’

“Hindi ko po… kasi po, hindi ko alam kung talagang siya ang nagsabi nito.

“Nagtataka po ako kung nasabi ito ni Miss Kris kasi napakaganda po ng relationship ng mom ko and ni Kris.

“I believe, siguro sinabi niya yun because of the fact na may mga tsismis na lumabas na nali-link kaming dalawa,” paliwanag ni Renan.

Nakarelasyon din noon ni Renan ang sexy stars na sina Andrea del Rosario, Juliana Palermo, at Jeni Hernandez.

Read: Renan Morales reacts to "super-use-me-in-a-sentence" statement by Kris Aquino

Mapapanood ngayong April 3, Linggo, ang Part 2 ng The Ana Jalandoni Story sa The Boy Abunda Talk Channel, kung saan detalyado at uncensored na ikinuwento ni Ana ang pisikal na pananakit sa kanya ni Kit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maseselan ang mga eksena at salitang mapapanood kaya may babala sa manonood ang The Interviewer: “Content in this video contains information and discussions on anger, harsh languages, and violence against women which some viewers may find triggering.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga tao na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a press conference last week, sexy star Ana Jalandoni (left) revealed that she married in 2017 but broke up with the fellow in 2018. In her latest interview with Boy Abunda, Ana mentioned the name of her ex-husband as Renan. PEP.ph has discovered that the "Renan" she referred to is Renan Morales (right, with Ana), who was linked to TV host-actress Kris Aquino in 2017.
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results