Watch Now

Ana Jalandoni in tears as she tells how Kit Thompson hurt her badly in March 17 fight: “Mamamatay ako dito kapag di ako tumakas."

by James Patrick Anarcon
Apr 4, 2022
Ana Jalandoni Kit Thomspon
Ana Jalandoni (left) says Kit Thompson (right, with Ana) kept apologizing and professing love for her after the alleged assault. Turning her black-and-blue face to Kit, Ana told him: "Tignan mo yung mukha ko, Kit. Tignan mo yung mukha ko. Mahal mo ba ako? Mahal mo ba ‘to?"
PHOTO/S: Boy Abunda YouTube Channel / @kitthompson on Instagram

TRIGGER WARNING: VIOLENCE AND VERBAL ABUSE

Akala raw ni Ana Jalandoni, mamamatay na siya noong gabing umano’y sinaktan siya ni Kit Thompson habang sila ay nasa isang hotel sa Tagaytay City.

Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

Noong March 17, 2022, ang sana’y masayang date ng magkasintahan matapos hindi magkita ng ilang linggo ay naging malaking away na nauwi sa sakitan.

Umabot pa sa rescue ni Ana ng Tagaytay City Police mula sa kanilang tinutuluyan noong madaling-araw ng March 18, 2022, at makikitang bugbog at puno ng pasa ang kanyang mukha.

Sa Part 2 ng "The Ana Jalandoni Story," na mapapanood sa The Interviewer ng The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube, inilahad ni Ana ang buong kuwento nila ni Kit.

Inilabas ang interview Linggo ng gabi, April 3, o labimpitong araw mula nang nagkasigalot sa relasyon ng magkasintahan.

Naikuwento ni Anna na hindi na naging maganda ang umpisa ng araw nila noong March 17, papunta pa lang ng kanilang bakasyon sa Tagaytay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga isyu silang napag-usapan, kasama na ang pagtanggap ni Ana ng mga pelikulang sexy at ang pagpa-follow nito sa Instagram ng ilang dating manliligaw.

Read: Ana Jalandoni recalls how Kit Thompson took issue with her sexy films, followed ex-suitors on Instagram

Sa puntong ito, inumpisahan na ring ikuwento ni Ana ang mga pangyayari nang mag-check in sila sa hotel, na nauwi sa umano’y pisikal na pananakit sa kanya ni Kit.

TAGAYTAY PLANS

Pagkatapos ng umiinit na diskusyon nina Ana at Kit habang nasa jacuzzi tungkol sa mga Instagram accounts na pina-follow ni Ana, muling naging masaya ang dalawa sa kanilang date.

Dito na nga raw sila naghanap ng hotel na tutuluyan dahil may mga lalakarin pa sila sa Tagaytay, na bahagi ng plano nila para sa kanilang future.

Paliwanag ni Ana, “May lupa kasi ako sa Tagaytay, isa sa reason bakit kami nandoon. Kasi ang plano namin, i-build ng bahay yung lupa ko dun sa Rodeo Hills. Gusto niyang makita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“[Sabi ko], ‘Ipapakita ko sa ‘yo, pero kain muna tayo sa Antonio’s, ganyan.”

Tinanong daw siya ni Kit kung iinom ba sila mamayang gabi sa hotel.

Nag-okay raw si Ana na mag-wine pero umayaw raw si Kit dahil tinutulugan lang daw siya ni Anna.

Nagtawanan pa raw ang dalawa dahil totoo namang nakakatulog lang si Ana pag nalalasing sa wine. Kung hindi wine ay tequila lang daw ang iniinom ni Ana.

Natuloy na bumili ng alak si Kit pero hindi raw alam ni Ana kung tequila ba o wine ang binili ng nobyo.

Dapat sana ay sa ibang hotel magtse-check in ang dalawa, pero dahil puno na ito, napunta sila sa Amega Hotel.

Sabi ni Ana kay Boy, “Pumunta kami doon sa hotel na nakita namin. Nag-tour pa kami, pumili kami ng room.

“Happy kami, ang happy namin, ‘tapos ang ganda ng view, may Taal na naman.”

Nang nag-aayos na sila ng gamit, nakita ni Ana na bumili si Kit ng dalawang bote ng tequila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtaka raw si Ana dahil hindi naman umiinom si Kit.

Naikuwento ni Ana sa unang bahagi ng interview ni Boy Abunda na bihirang uminom nang marami si Kit dahil nakaka-trigger ito ng anger-management problems niya.

Sabi naman daw ni Kit kay Ana, hindi naman nila kailangang ubusin ang dalawang bote.

KIT WANTS TO MARRY ANA

Pagkatapos nito ay kumain muna si Kit ng kanyang dinner. Si Ana ay hindi raw talaga nagdi-dinner kaya habang kumakain si Kit ay nakipag-video call muna siya sa kanyang film editor na si “Felix.”

Isa sa mga negosyo ni Ana ay ang kanyang sariling film outfit, kung saan isa sa kanyang mga pelikula ay nasa post-production.

Habang nasa call si Ana ay nag-umpisa na itong mag-take ng shots ng tequila.

Ani Ana, mga bandang alas-nuwebe ng gabi ay naglalambing na si Kit para tumigil na si Ana sa pagtatrabaho.

Sabi ni Ana, “Nakita niyang nagtatrabaho pa rin ako, ginaganoon na niya yung buhok ko, parang nagpaparamdam na, ‘Uy, tama na ‘yan, baby time na 'yan.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At saka raw ibinaba ni Ana ang telepono at nagpaalam sa kanyang editor.

Sa pag-umpisa ng kanilang “baby time,” nagkuwentuhan daw ang dalawa tungkol sa mga plano nila sa hinaharap.

Salaysay ni Ana kay Boy, “So, ayun na, nag-spend time na kami, usap-usap kaming dalawa ng mga gusto namin, pangarap sa buhay, gusto naming design ng bahay kasi nga Tagaytay, ganyan.

“Sasakyan, negosyo, kung ano pa. Travel. Ako, ma-travel kasi ako, dami naming gustong puntahan.

“Ang saya namin, nag-iiyakan pa kami, ganoun. Plans, lahat pinag-usapan namin.”

Dito na raw nagbitiw si Kit na gusto niyang pakasalan si Ana.

Pagpapatuloy ni Ana, “’Tapos sabi niya sa akin, ‘Gusto kitang pakasalan talaga, Ana. Seryoso ako sa ‘yo, mahal na mahal kita. Ikaw lang yung babaeng minahal ko nang ganito.

“’Alam kong bago pa lang tayo, pero iba yung nararamdaman ko sa ‘yo, ngayon ko lang naramdaman ito.’

“Siyempre, na-touch ako, di ba? [Sabi ko], ‘Ako rin, gusto ko. Mahal na mahal kita, Kit.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“PAG INIWAN MO AKO, PAPATAYIN KITA.”

Pagkatapos ng usapan nilang ito ay naubos na raw nila ang isang bote ng tequila.

Nagutom naman si Kit kaya ipinaghanda raw ito ni Ana ng pagkain, at masaya pa rin silang nagkukulitan dala na rin ng kalasingan.

Subalit habang kumakain ay biglang inungkat daw muli ni Kit ang isang maselang topic.

Saad ni Ana," ‘Biglang nagtanong siya sa akin nang, ‘Di ba, iniwan mo yung ex mo? Di ba, nakipaghiwalay ka sa kanya, di ba iniwan mo siya?’”

Walang pangalang binanggit si Ana, subalit naikuwento niya sa unang interview kay Boy Abunda na nakipaghiwalay siya sa dating asawang si Renan Morales, isang politician mula Nueva Ecija.

Nagulat daw si Ana sa tanong ni Kit.

“Nasa bed lang ako, nakasandal, parang patulog na rin ako, e. Nagulat ako na parang nagising ako, na bakit ganun ang tanong, di ba?

“Sabi ko, ‘Love, ang tagal na niyan, 2018 pa 'yan. ’Di ba, alam mo reason kung bakit ko iniwan 'yan?’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito umano nagbitiw si Kit ng mga salitang ikinagulat nang husto ni Ana.

“Sabi niya, ‘Ikaw, kapag iniwan mo ako, papatayin kita. Akin ka lang, hindi ka puwedeng mapunta sa iba.’

“Ganyan sinabi niya sa akin. Na-shock ako! Nakatingin lang ako sa kanya.”

Hindi raw bago na magsabihan sila ng “akin ka lang,” pero ito raw ang unang pagkakataong sinabi umano ni Kit na papatayin siya nito.

Ani Ana, "Yung papatayin kita, first time niya sinabi iyon. Lagi niyang sinasabi iyon sa akin na, ‘Akin ka lang, hindi ka puwedeng mapunta sa iba.’

“Ako rin naman, sinasabi ko sa kanya yun, e. ‘You’re mine, akin ka lang.’ Pero may salitang papatayin kita, ngayon lang niya sinabi yun, kaya na-bother ako.

“Kaya sinagot ko siya ng ganito na, ‘Kit, alam mong mahal na mahal kita at alam mong hindi hindi kita iiwan. I’m yours, I’m only yours, di ba?’

“And then, lumapit ako sa kanya, kiniss ko siya sa head niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito ay nagpunta sa bathroom si Ana na hawak ang kanyang private phone.

Bigla niya raw naramdamang kailangan niyang tawagan ang best friend niyang si “Victoria” para ipaalam kung nasaan sila ni Kit at sabihing nakainom sila.

Sabi ni Ana tungkol dito, “Tipsy na ako nito, pero may naramdaman ako, e.”

Subalit wala raw signal ang kanyang telepono kaya bigla raw siyang naglakad palabas at umakyat ng third floor para makahanap ng signal.

Sa tagal ng signal, nakaidlip na nga raw si Ana sa sahig ng third floor. Hindi niya alam, hinahanap pala siya ng nobyo.

“Hindi kasi ako nagpaalam sa kanya, e. Pagkalabas ko ng C.R., labas na ako ng pinto.

“Hindi ako nagpaalam sa kanya, lumabas lang ako, ‘tapos nakita ako ng guard sa third floor, nakaidlip na naman ako sa floor. ‘Tapos yung phone ko, nakaganyan lang din.

“Sabi niya, ‘Kit, nandito si Ma’am Ana.’ Umakyat si Kit, tumakbo agad, binuhat ako ni Kit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbalik nila ng kuwarto, dito na nangyari ang umano’y pambubugbog ni Kit kay Ana.

THE PHYSICAL FIGHT

Galing sa pagkakabuhat ni Kit kay Ana ay ibinato raw siya ng kanyang nobyo sa kama at saka siya minura at sinampal.

“[Sabi niya,] ‘P*t*ng*na mo! Saan ka galing?’ Pak! ‘Bakit ka umalis, bakit mo ako iniwan?!’

“Naano ako, ‘Bakit mo ako sinampal, Kit? Bakit mo ako sinampal?’

“’T*ng*na, bakit mo ako iniwan?’ sabi niya. ‘Kit, hindi kita iniwan, tingnan mo yung cellphone ko, tinatawagan ko si Victoria, ipapaalam ko na nandito tayo, nakainom tayo!’”

Hindi na raw nagawang makita ni Kit ang phone dahil itinapon daw niya ito. At saka nagpatuloy ang umano’y pananampal sa kanya habang pinagsasalitaan siya ng masasakit.

Bukod pa rito ay inumpog din daw ni Kit ang ulo niya sa sahig nang sinubukan niyang tumakas.

Salaysay ni Ana, “'Sinungaling ka, iniwan mo ako!’ Tuluy-tuloy siya, tuluy-tuloy. Sampal sa mukha, dalawang kamay siya, pak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakalaban ako sa kanya, palabas ako ng room, nahatak niya pa rin ako papunta sa bed. Tatakbo ako pero nahabol niya ako.

“Noong nahabol niya ako, nakaladkad niya pa ako sa floor, ginanun-ganon niya pa yung ulo ko sa floor, ‘tapos binuhat niya ako papunta sa kama.”

Wala na raw nagawa si Ana kung hindi umiyak at awatin si Kit habang siya ay in shock: “Kit, tama na, tama na, tama na, Kit.”

Dahil madaling-araw na ng March 18 nang mangyari ang insidente, wala raw sumaklolo kay Ana sa kabila ng pagsisisigaw nito.

“Nagsisigaw ako, nagtataka ako walang kumakatok, ginaganoon niya na yung mukha ko, e.

“Tulog ang tao, yes, pero maingay kami sa room, ang ingay namin. Tuluy-tuloy ang ginagawa niya, nakapatong na siya sa akin, e.

“Yung legs niya andito [sa shoulders ko], so hindi na talaga ako makapalag. Ang laki ni Kit.

“Tintira niya yung mata ko, tinitira niya yung mata ko. Sampal, suntok ang ginawa niya sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang subukan daw niyang sumigaw, tinakpan daw ni Kit ang bibig niya at sinabihang “Huwag kang sisigaw, huwag kang sumigaw.”

Pagkatapos nito ay huminto na si Kit sa pananakit sa kanya.

ANA PLEADS TO KIT TO BRING HER TO THE DOCTOR

Ayon kay Ana, una pa lang daw ito sa paghinto ni Kit.

Dito na raw sinubukan ni Ana na magmakaawa kay Kit na dalhin na siya sa doktor dahil iba na ang pakiramdam niya.

Lahad ni Ana, “Ewan ko, bigla siyang huminto, ‘tapos umano na ako sa pinaka-headboard ng bed, [nakasandal] na ako.

“Sabi ko lang, ‘Kit, dalhin mo na ako sa doktor.’ Nagsabi na ako sa kanya doon pa lang, ang sakit na ng ulo ko.

“’Tapos lumapit siya sa akin na parang siya yung Kit na nakilala ko, ganun yung dating ng mukha niya, sobrang parang siya yung Kit na kilala ko. Hinawakan niya yung mukha ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dumugo yung ilong ko. Puro siya pasa, Tito Boy, e. ‘Tapos ito yung wala na, nakapikit na talaga ako. Hinahawakan niya yung mukha ko, umiiyak siya.

“Sabi niya, ‘T*ng*na sh*t, nasaktan kita. Sorry, sorry, sorry. Asawa ko, sorry, mahal na mahal kita.’

“’Tapos lalo akong umiyak. ‘Dalhin mo na ako sa doktor, Kit.’

“Tumayo siya, parang galit na galit siya, sigaw siya nang sigaw. Umiiyak siya, 'sorry,' ganyan siya. ‘Tapos lumapit siya sa akin, humiga siya sa bed, tumingin siya sa akin.

“’T*ng*na, nasaktan kita, Ana, sorry. Ta’s nagwawala siya. ‘Bakit ganito nangyari sa akin?’

“Sabi ko, ‘Kit, please dalhin mo na ako sa doktor, ang sakit na ng mata ko, hindi na kita makita.’”

Tila ayaw dalhin ni Kit si Ana sa doktor kaya ito na ang kumuha ng ice at nilagay sa mukha ni Ana.

Pero sa kalagitnaan ng ginagawa ni Kit ay bigla na naman daw itong na-trigger para saktan siya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Ana, “Kumuha siya ng ice, nilagay niya sa towel, ‘tapos nilagay niya sa mukha ko, ‘tapos nagso-sorry siya.

“Sorry siya nang sorry, ‘tapos mamaya-maya, ‘T*ng*na, iniwan mo kasi ako, e.' ‘Tapos diniin niya pa sa mukha ko, diniin niya yung ice dito sa mata ko.

“Sabi ko, ‘Ahhh! Sobrang sakit!’ Binitawan niya yung ice, continue na naman!

“’T*ng*na, iiwan mo ako!’ Pak! Pak! ‘Tapos ako, ‘Kit, tama na, tama na, Kit!’”

Kahit daw inaawat na ni Ana si Kit ay tuluy-tuloy raw ito sa pananakit sa kanya. Sinakal pa raw siya nito at tinakpan ng unan.

Hanggang sa nawalan na raw ng lakas si Ana na lumaban, at sinabi na lang niya kay Kit: “Papatayin mo ba ako? Patayin mo na ako. Ready na ako, huwag mo na akong pahirapan.”

Nang huminto si Kit ay sinubukan muli ni Ana na magmakaawang dalhin siya ng nobyo sa doktor.

Sagot lang daw ni Kit sa kanya, “Hindi, dito ka lang, ako gagamot sa ‘yo. Dito ka lang, dito lang tayo hanggang sa gumaling ka, dito na tayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa nahimatay na lang daw si Ana.

ANA WAKES UP THINKING SHE’S DEAD

Pagkatapos mahimatay ay nagising daw si Ana ng bandang alas singko ng madaling-araw.

Nakayakap daw si Kit sa kanya ng sobrang higpit at nakadantay sa kanya.

Sabi ni Ana, “Yung gising ko, iba. Akala ko, patay na ako talaga, kasi nahimatay na ako e, ‘tapos wala pa akong makita pagkagising ko na, as in ganun yung hangin ko na napaupo ako.

“Parang may humila sa akin, parang si God na, ‘Uy, tumayo ka diyan, lumaban ka.’”

Umabot pa raw si Ana sa pagkagat ng kamay niya para maramdaman ang sarili, dahil akala nga niya'y patay na siya.

Dito na rin daw niya nalamang hindi siya dinala ni Kit sa ospital.

Dahan-dahan daw umalis si Ana sa pagkakayakap sa kanya ni Kit at sinubukang maglakad papunta sa banyo kahit masakit ang ulo at natutumba sa sahig dala ng nangyari sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Ana, “Pagkita ko sa C.R., pagkita ko noong mukha ko, doon na ako umiyak nang sobra.

“Nakita ko na sira na yung mukha ko, wala na talaga. Gumaganun na ako sa salamin, ‘Ako ba ito, ako ba ito?’

“Sabi ko, sino yung kasama ko? Umaano sa isip ko, sino yun? Hindi si Kit yun, sino yung kasama ko kagabi? Bakit ganun siya, bakit bigla siyang naging ganoon?”

Nang magising daw siya ay talagang iniisip na lang niyang makatakas kay Kit.

“Mamamatay ako dito kapag di ako tumakas,” nasabi raw ni Ana sa sarili.

Pero hindi raw siya makalabas dahil baka magising si Kit sa pagbukas niya ng pintong may kaingayan.

Dito na raw niya naisip na tumawag ng tulong sa pamamagitan ng Messenger.

“Kasi nga, ang plano ko is to run para humingi ng tulong, kaso di ako makakatakbo, bumabagsak ako, mahahabol niya ako. Magigising siya, maingay yung pinto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ginawa ko, kailangan kong humingi ng tulong, kumuha ako ng cellphone. So, nag-selfie ako.

“Iyong last na kausap ko, si Felix, kasi nag-a-update sa akin 'yan hanggang madaling-araw. Online pa siya sa Messenger. Siya yung unang-unang message na nandun sa Messenger ko.”

Kahit wala na raw makita ay sinikap ni Ana makapag-send ng mensahe kay Felix sa pag-asang mailigtas siya mula kay Kit.

Pagka-send niya ng message kay Felix, nahiga muli si Ana, at nagdasal na sana may dumating para iligtas siya. Muli siyang nakatulog.

LAST CONFRONTATION BEFORE THE RESCUE

Sabay na nagising sina Ana at Kit.

Dito sinabi ni Ana na kailangan na talaga niyang madala sa doktor dahil sa sakit ng ulo niya at hindi na talaga niya makita si Kit.

Subalit tumanggi pa rin si Kit.

Sabi raw ni Kit: “Ha? Hindi, dito lang tayo. Gagamutin kita.”

Tanong ni Ana: “Paano ako magagamot?”

Pain reliever daw ang solusyon, sabi ni Kit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin ni Ana, “Kailangan ko nga ng pain reliver pero kailangan ko ng doktor.”

Tugon ni Kit: “Meron, merong pain reliever dito.”

Tumawag pa raw si Kit sa reception para humingi ng Biogesic.

Pagbaba ni Kit, nagdasal daw si Ana na sana ay may pulis o doktor na nasa ibaba para masalba siya.

Dito raw may sumilip sa kanyang kwarto na mukhang lady guard.

Kinamusta raw nito si Ana at nangakong ililigtas siya at nandoon na raw ang mga pulis.

Pagbalik ni Kit, pinainom niya si Ana ng gamot at saka nag-sorry muli sa kanyang nagawa.

Ani Ana, “’Sorry,’ sabi niya. Umiiyak siya, tinitingnan niya ako sa mukha.

“[Sabi niya], ‘Mahal, sorry sorry sorry sorry. I was f*ck*d up kagabi, lasing ako, di ko na-control.”

Nang isalaysay ni Ana ang naging sagot niya kay Kit, nag-umpisa siyang umiyak muli.

“Sabi ko, ‘Kit, bakit mo ginawa sa akin ito? Anong kasalanan ko sa ‘yo? May pinag-awayan ba tayo? Saan ka nagalit?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, ‘Wala, hindi ko mini-mean.’ Sorry lang siya nang sorry sa akin.

“'Tapos ako naman, parang, ‘Tingnan mo yung mukha ko, Kit. Tingnan mo yung mukha ko. Mahal mo ba ako? Mahal mo ba ‘to?’

“Sabi niya, ‘Mahal na mahal kita, papakasalan kita, di ba? Mahal na mahal kita.’

“'Hindi mo ako mahal, kung mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan. Anong kasalanan ko sa ‘yo?’”

Bumalik na naman daw si Kit sa pagsabing iiwan siya ni Ana.

Tugon daw ni Ana dito, “P*t*ng*na, Kit! Bakit kita iiwan? Ako nga nag-set nito, gusto ko masaya tayo dito. Ang saya-saya natin kagabi, bakit kita iiwan, Kit?”

THE POLICE RESCUE ANA

Hanggang sa umakyat na ang mga pulis para i-rescue si Ana.

Nang kumakatok na raw ang mga pulis ay nag-iba ang hitsura ni Kit.

“Nagbago hitsura niya. Kumakatok mga pulis, ‘May Ana Jalandoni ba diyan na nabugbog kagabi?’

“Sabi niya, ‘Girlfriend ko.’ ‘Baka puwedeng makita?’ ‘Sir, wait lang. Wait lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“’Tapos balik sa akin si Kit, ang amo ng mukha niya, ‘Love, papakulong mo ba ako?’

“Sabi ko, ‘Bakit?’

"[Sabi niya], ‘Tumawag ka raw ng pulis?’

“Sabi ko, ‘Kit, kailangan ko ng tulong, kailangan ko ng doktor.’

"[Tanong niya uli], ‘Ipapakulong mo ba ako?’

Nagmakaawa raw si Kit at umiiyak na huwag siyang ipasama sa mga pulis.

Nang posasan na si Kit ay nakatingin lang si Ana sa kanya. Nakatingin lang din daw si Kit sa kanya habang umiiyak.

Torn daw si Ana sa kung ano gagawin noong oras na iyon.

“Parang gusto ko siyang habulin kasi mahal ko, e. Pero sinaktan niya ako, ang hirap.

“Parang gusto ko siyang yakapin na parang ayoko siyang isama na gusto ko.

“Nahihirapan ako ng time na ito pero inisip ko yung sarili ko, sinaktan niya ako, bakit niya ako ginanito? Anong kasalanan ko, wala akong kasalanan, bakit niya ako ginanito?”

Iyon na raw ang huling pagkakataong nagkita sila ni Kit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay hindi pa nakakapag-usap sina Ana at Kit. Nag-message daw si Kit sa Instagram para mag-sorry kay Ana.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga tao na nabanggit sa artikulong ito.

Maseselan ang mga eksena at salitang mapapanood kaya may babala sa manonood ang The Interviewer: “Content in this video contains information and discussions on anger, harsh languages, and violence against women which some viewers may find triggering.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ana Jalandoni (left) says Kit Thompson (right, with Ana) kept apologizing and professing love for her after the alleged assault. Turning her black-and-blue face to Kit, Ana told him: "Tignan mo yung mukha ko, Kit. Tignan mo yung mukha ko. Mahal mo ba ako? Mahal mo ba ‘to?"
PHOTO/S: Boy Abunda YouTube Channel / @kitthompson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results