Watch Now

Ana Jalandoni recalls how Kit Thompson took issue with her sexy films, followed ex-suitors on Instagram

by James Patrick Anarcon
Apr 3, 2022
Ana Jalandoni and Kit Thompson
Ana Jalandoni recalls how Kit Thompson questioned her latest sexy project: “So, ano? Papalamas ka na naman ng suso? Gusto mo ba talaga yung ginaganyan ka? Mga lalaki, hinahawakan suso mo, hinahalikan ka, buong katawan mo?”
PHOTO/S: Boy Abunda YouTube Channel / @kitthompson on Instagram

TRIGGER WARNING: VERBAL ABUSE

Sa unang pagkakataon ay inilahad ni Ana Jalandoni ang buong detalye ng nangyaring malaking away nila ng kanyang estranged boyfriend na si Kit Thompson noong March 17, 2022.

Pumutok ang balitang ni-rescue ng Tagaytay Police si Ana noong umaga ng March 18 mula sa isang hotel sa Tagaytay City pagkatapos ng pananakit na ginawa umano sa kanya ni Kit.

Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

Sa unang pagharap niya sa media noong March 28, 2022, isinalaysay ni Ana ang pananakit sa kanya ni Kit at ang umano’y pagbabanta sa kanyang papatayin siya ng nobyo kapag iniwan niya ito.

Read: Ana Jalandoni, pinagbantaan umano ni Kit Thompson: "Pag iniwan mo ako, patayin kita."

Sa Part 2 ng "The Ana Jalandoni Story," na mapapanood sa The Interviewer ng The Boy Abunda Talk channel sa YouTube, idinetalye ni Ana sa host na si Boy Abunda ang buong pangyayari ng March 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilabas ang interview nitong Linggo ng gabi, April 3, o labimpitong araw matapos ng masalimuot na pangyayari sa pagitan ng magkasintahan.

THE START OF ANA AND KIT'S MARCH 17 FIGHT

Sa umpisa ng pahayag ni Ana, Disyembre 2021 pa lang ay plano na nila ni Kit na magpunta sa isang wellness spa, na siyang magiging date nila.

Na-move lang daw ito nang na-move dahil naging abala ang dalawa sa trabaho.

Hanggang sa wakas, noong March 17, o halos tatlong buwan pagkatapos nilang planuhin ang kanilang Tagaytay wellness spa date, ay natuloy na ito.

Noong panahong iyon ay galing si Ana sa bakasyon habang kakalabas lang ni Kit galing sa lock-in taping ng Flower of Evil.

March 16 pa lang daw ay natulog na si Kit sa bahay ni Ana. Noong gabing iyon ay excited pa raw silang nagplano kung ano ang mangyayari sa Tagaytay date nila, tulad ng kung saan sila mag-i-stay at magdi-dinner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang sana’y masaya nilang araw kinabukasan, umpisa pa lang ay hindi na naging maganda.

Paglalarawan ni Ana dito, “On the way pa lang, hindi na kami okay.”

Sa excitement ni Ana ay maaga raw siyang nagising. Naka-schedule daw sila ng alas-dose ng tanghali para sa kanilang massage.

Subalit “iritable” raw si Kit paggising pa lang nito noong umaga.

Salaysay ni Ana, “Nasa bed kami, hinahalikan ko na siya na, ‘Good morning, mahal. Ano na, 8 na, coffee muna tayo on the way there. Starbucks tayo para maganda yung view.’

“Sabi niya, ‘Ano ba!’ Ganun talaga. Nilalambing ko siya. ‘Ano ba, puwedeng magpahinga, puwedeng matulog? Ngayon lang ako makakatulog nang maayos!’

“Ako, parang na-shock ako na, ‘Ha, okay sige, pahinga ka.’ Baba ako. Pagbukas ko ng pinto, ‘Saan ka pupunta?’ ‘Kukuha ako ng kape, magkakape ako.’”

Natuloy na bumaba si Ana para magkape, pero ang ikinagulat niya ay sumunod si Kit sa kanyang bumaba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong pa raw siya ni Kit kung anong ginagawa niya hanggang sa nanghingi rin ito ng kape.

“[Sabi niya], ‘Asan kape ko?’ ‘Ah, gagawan kita ng kape, wait lang. Pero, di ba, sabi mo, matutulog ka? Gusto mo magpahinga?’

“’Wala na, nagising na ako, e. Ginising mo ako, e.’”

Tinimplahan naman daw ni Ana si Kit ng kape, pero pinagsabihan niya ang nobyo tungkol sa pagsasalita nito dahil “naririndi ako sa kanya, ang aga-aga.”

Tumahimik lang daw si Kit hanggang sa nag-ready na sila para pumunta ng Tagaytay.

ANA DOING SEXY FILMS BECOMES AN ISSUE

Sa loob ng kotse papunta ng Tagaytay, nakipag-usap muna si Ana sa mga tao niya sa kanyang restaurant at production company.

Noon lang daw siya nagkaroon ng pagkakataong makahingi ng update sa mga proyekto niya dahil galing siya sa bakasyon.

Pagkatapos ayusin ang kanyang mga negosyo, tinawagan daw si Ana ng kanyang handler para magbigay ng update tungkol sa pelikulang gagawin niya kasama sina Aljur Abrenica at Jelai Andres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkababa ng telepono ay nagsimula na raw ang pang-uusisa ni Kit.

Tanong daw nito kay Ana: “Ano 'yan? Iyan ba yung project na sinabi mo sa akin?”

Sagot ni Ana: “Oo, di ba, ito yung sinabi ko sa ‘yo bago ako umalis?”

Tanong muli ni Kit: “So, anong kuwento niyan?”

At saka raw ipinaliwanag ni Ana na sexy-thriller ang pelikula, pero naging paulit-ulit daw ang pagtatanong ni Kit kung ano ang role niya at ang kuwento.

Sinabi ni Ana na katulad ng ibang naging pelikula niya ay mayroon din itong bed scenes. Pero hindi pa raw niya alam dahil wala pa sa kanya ang script at storyline.

Bigla na lang daw sinabi ni Kit: “So, ano? Papalamas ka na naman ng suso?”

Ang tanging naging reaksiyon daw ni Ana: “Ha?”

Patuloy ni Kit sa kanya: “Gusto mo ba talaga yung ginaganyan ka? Mga lalaki, hinahawakan suso mo, hinahalikan ka, buong katawan mo?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At saka raw siya hinawakan ni Kit sa katawan. Dito raw napamura si Ana at nainis kay Kit.

Lahad ni Ana kay Boy, “Yung kamay niya, ginanun niya. Sabi ko, ‘Teka muna, p*t*ng*na, huwag mo akong bastusin.’ Napamura talaga ako.

“’Huwag mo akong bastusin, kausapin mo ako nang maayos. Huwag mo akong murahin, huwag mo akong bastusin. Kung may problema ka sa trabaho ko, kausapin mo ako. Kausapin mo ako nang maayos.’”

Ayon kay Ana, ito ang unang pagkakataong nag-usap sila nang ganoon tungkol sa trabaho nila.

Hindi rin daw ito kailanman naging isyu kay Ana dahil gumagawa rin naman si Kit ng sexy movies at bed scenes sa mga proyekto nito.

Sabi pa ni Ana kay Kit, “Kit, trabaho natin ito. Walang malisya sa akin yung mga ganun. Nagpo-frontal ba ako? Di ba, hindi? May limit lang yung pagpapa-sexy ko at alam mo 'yan, Kit.”

Subalit hindi raw tumigil si Kit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Ana kay Boy, “Sabi niya, ‘Hindi, e. Parang gusto mo, gusto mo ba?’ Ginaganun niya ako.

“Sabi ko, ‘Gago ka ba? Anong gusto? Meron bang babaeng gustong maghawak-hawak ng ganun? Siyempre hindi, pero it’s part of my job, trabaho 'yan, e.’”

Para raw matapos na ang usapan, sinabi ni Ana na kakausapin niya ang direktor kung ayaw na ni Kit na gumagawa siya ng sexy scenes.

Dahilan naman ni Kit, hindi na rin siya tumatanggap ng sexy films simula nang magka-girlfriend siya dahil ayaw niyang may masabi si Ana.

Sagot ni Ana dito, “Aba, thank you. Pero tinanong mo ba, sinabi ko sa ‘yo na ‘Kit, bawal ka magganyan, ha. Kit, bawal ganyan-ganyan.’

“Kit, wala kang narinig sa aking ganun. Sa akin, trabaho, trabaho. Trabaho mo 'yan, irespeto ko 'yan.”

Pero para matapos na ang pagtatalo nila, sinabi raw ni Ana kay Kit na kakausapin niya ang kanyang direktor na hindi na siya puwedeng magpa-sexy sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito ay kumalma naman na raw silang dalawa.

Dito na raw nag-apologize si Kit sa kanya.

Sabi raw ni Kit kay Ana: “Siyempre, gusto kong mabago na, alam ko naman na sexy yung image mo, alam kong ganyan mga role mo.

“Pero gusto ko, parang maging action star ka, gusto ko magkaroon ka ng series na iba.”

Sagot daw ni Ana: “Kit, ako rin naman gusto ko yun, gusto ko rin yun. Pangarap ko nga maging action star, idol ko nga si Angel Locsin, e.

“E, ito yung may trabaho, e, di grab ko. Kasi wala akong work, sayang. Wala naman yun sa akin, e. It’s part of the job lang naman, trabaho lang 'yan.”

Nag-sorry raw ulit si Kit sa kanya habang in-assure naman ni Ana ang nobyo na kakausapin niya ang direktor na “di ko gagawin yung mga ayaw mo.”

UNFOLLOWING SPREE WHILE AT THE JACUZZI

Pagkatapos nito ay naging masaya na ulit sina Ana at Kit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salaysay ni Ana kay Boy, “Ang happy namin, sobrang happy kami.

“Ito na, jacuzzi na, Taal view, yakapan kami diyan, anuhan kami diyan, kiss-kiss kami, usap-usap, kuwentuhan.”

Subalit bigla na naman daw nagbago ang ihip ng hangin kay Kit.

Patuloy ni Ana, “Suddenly, sabi niya, ‘Akala ko ba nag-unfollow ka na sa Instagram?’

“Social media naman. Tinira niya yung social media ko. Sabi ko, ‘Ano yun?’

“’Akala ko ba in-unfollow mo na yung mga nanliligaw sa ‘yo noon?’

“Sabi ko, ‘Sinabi ko bang ia-unfollow ko?’”

May nabanggit daw noon si Ana kay Kit na nagbabawas siya ng mga pina-follow sa Instagram, pero wala raw siyang nabanggit na ang ia-unfollow niya ay mga ex niya.

Ngunit ito raw ang akala ni Kit.

Paliwanag ni Ana kay Kit, “Oo, nagbabawas ako pero wala akong sinabi sa ‘yo, hindi ako nag-mention sa ‘yo ng kahit anong pangalan.

“Nagbabawas lang ako kasi mga hindi ko na nakakausap or wala na, wala kaming conversation, hindi na kami nagkikita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bigla raw kinuwestiyon ni Kit ang mga litratong nila-like ni Ana.

Tanong daw sa kanya ni Kit, “So, bakit nila-like mo pa rin yung picture niya?”

Napakamot daw ng ulo si Ana sa mga bini-bring up ni Kit sa kanilang usapan.

Hindi naman daw nagbanggit si Kit ng pangalan ng mga tinutukoy niya, pero ang sinabi lang nito ay maraming nanliligaw kay Ana sa showbiz.

Depensa ni Ana ay wala siyang kinausap na kahit sinuman sa mga nanligaw sa kanya.

Binalikan pa ni Ana na si Kit ang bukod-tanging nakilala niya sa Instagram na kanyang idinate. Naikuwento kasi ni Ana sa Part 1 ng kanyang interview kay Boy Abunda na sa Instagram nag-message at nakipagkilala si Kit sa kanya.

Pero patuloy pa rin daw siyang kinuwestiyon ni Kit dahil sa mga nila-like niyang posts.

Sagot ni Ana, lahat naman ng kanyang friends sa social media ay nila-like niya ang posts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katuwiran ni Kit dito, “Hindi e, parang nagpapakita ka pang may pag-asa pa sila sa 'yo.”

Maging ang dating ka-long-distance relationship ni Ana sa London na hindi na niya nakakausap ay pina-unfollow ni Kit.

Dahil daw sa kagustuhang mag-relax at i-enjoy ang kanilang Tagaytay date, in-unfollow na raw ni Ana ang mga ito sa Instagram.

Sabi ni Ana kay Boy, “Ini-ignore ko yung negativity kasi gusto ko happy kami.

“So, in-unfollow ko. Happy na naman kami, sa jacuzzi ito.”

Pagkatapos ng kanilang spa session, tumuloy na sina Ana at Kit sa hotel kung saan nangyari ang hindi inaasahang insidente sa pagitan ng dalawa.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Kit at ng mga tao na nabanggit sa artikulong ito.

Other related stories:

READ: Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police

READ: Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Kit Thompson in Tagaytay police custody; his girlfriend treated for injuries

READ: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident

READ: Gabriela, naglabas ng statement tungkol sa pananakit umano ni Kit Thompson kay Ana Jalandoni

READ: Kampo ni Ana Jalandoni, posible ring kasuhan si Kit Thompson ng serious illegal detention at frustrated homicide

READ: Ana Jalandoni opens up about ex-husband who was once linked to Kris Aquino

READ: Ana Jalandoni claims Kit Thompson pointed a knife at her during one of his outbursts

READ: Ana Jalandoni, nawalan ng kumpiyansa sa sarili dahil sa dinanas kay Kit Thompson

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ana Jalandoni recalls how Kit Thompson questioned her latest sexy project: “So, ano? Papalamas ka na naman ng suso? Gusto mo ba talaga yung ginaganyan ka? Mga lalaki, hinahawakan suso mo, hinahalikan ka, buong katawan mo?”
PHOTO/S: Boy Abunda YouTube Channel / @kitthompson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results