Watch Now

Judy Ann Santos recounts being snubbed by a "bagets love team"

by Bernie V. Franco
Apr 4, 2022
judy ann santos
Judy Ann Santos opens up about unpleasant experience about a young love team who snubbed her and other senior co-stars: “Ako, hindi na nga yung respeto sa status, yung respeto lang sa nakakatanda.”
PHOTO/S: @officialjuday on Instagram / PEP.PH

Naibahagi ni Judy Ann Santos, 43, ang tungkol sa naranasang pang-iisnab sa kanya ng isang young love team.

Na-experience daw ni Judy Ann na dinaanan lang siya at hindi binati ng love team na di niya pinangalanan.

Iginiit ni Judy Ann ang kahalagahan ng pagbibigay-respeto sa mga nakatatandang artista.

“Masarap magtrabaho kapag mahal mo lahat ng kasama. Ang hirap pag may banas,” makahulugang pahayag ng aktres sa usapan nila ni Meryll Soriano sa YouTube video na in-upload nitong April 3, 2022.

Napag-usapan ng dalawang aktres sa previous video ni Meryll ang tungkol sa karanasan nila sa mga "entitled at previleged" young stars.

Read: Judy Ann Santos, Meryll Soriano weigh in on "entitled, privileged" young stars

Nagdetalye si Judy Ann sa hindi magandang karanasan niya sa young showbiz teamup sa recent vlog ni Meryll.

Simula ni Judy Ann, “Ako, isa sa mga na-experience ko yung bagets, love team ito, ganyan. Medyo kilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung dumaan lang.”

Ani Judy Ann, hindi niya hinihingi ang bigyang-pugay siya bilang kilalang artista, kundi respeto.

“Hindi ka naman naghahanap ng atensiyon na ‘Hiiiii!’ pero yung respeto lang na…

“Kasi hindi lang naman ako yung nandoon. Parang marami din namang mga artista nung time na yun, na di hamak na mas matanda sa kanila."

Giit ni Judy Ann, “Ako, hindi na nga yung respeto sa status, yung respeto lang sa nakakatanda.”

Paliwanag pa ni Judy Ann, noong kabataan nila, hindi itinuro ang pagbibigay-respeto sa mga kasamahan sa trabaho. Pero likas daw sa kanila ito.

“Sa atin nga instinct na natin iyon. Instinct na lang iyon na respetuhin mo lahat ng kasama mo sa trabaho,” sabi ng aktres.

Pagsang-ayon ni Meryll, ang pagbati ay hindi lang sa kapwa artista, kundi sa lahat ng miyembro ng staff and crew.

Binigyang-diin ni Judy Ann ang importansiya ng pakikisama bilang artista.

“Kailangan mong makisama hindi dahil kailangan lang, kailangan mong makisama,” diin ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad pa niya, maraming pribilehiyo ang artista na hindi nararanasan ng ibang miyembro ng production team.

“Sa mga kabataan, kumbaga, yung gratitude ba na eto yung trabaho natin, naka-aircon tent tayo...

“Very privileged ang mga artista…

“Di hamak naman na mas malaki ang kinikita ng mga artista sa mga gaffers, staff, and crew, but yet ang trabaho nila ay times ten sa ginagawa natin.”

Ito raw ang dahilan kung bakit malaking respeto ang dapat ibigay sa mga bumubuo ng produksiyon, gaya ng mga cameramen.

“So, kailangan alagaan mo rin sila. Kasi wala kang karapatang magreklamo,” katuwiran ng actress-entrepreneur.

“So, I hope, at some point, kung may mga magiging artista man, sa mga nanonood sa atin, please remember to value the people around you.

“It’s very, very important to value the [people around you].”

MERYLL’S EXPERIENCE WITH A NEWBIE

Naibahagi rin ni Meryll kung ano ang ginawa niya nang magkaroon ng parehong experience sa isang nakababatang nakatrabaho noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam mo, hindi ko talaga siya pinansin. Ilang taping na hindi ko talaga pinansin,” sabi ni Meryll.

“’Tapos, yun, naturuan na mag-introduce yung, ano lang… ‘Hello, Ate Meryll, ako po si ganito.’

“Malay ko ba kasing artista siya, ano, di ba?

“Nakikita ko na lang kasama sa eksena. ‘Tapos pag naglu-look ka, parang deadma lang. Ayoko yun, e.

“Tayo kasi tinuruan na kahit na pagdating mo pa lang, ‘Hello po, ako po si Meryll.’”

Nabanggit din ni Judy Ann na proud siya sa sarili na nananatiling grounded sa kabila ng kanyang narating sa industriya.

Aniya, “Grounded ako. Kaya kong sabihin iyon na nakataas ang noo.

“Kasi sumasama ang loob ko sa sarili ko pagka, halimbawa, hindi ko nabati or di ko nasagot agad.

“Parang feeling ko I’m not doing enough.”

Hirit pa ni Judy Ann, ang simpleng pagbati ay nakapagbibigay-kasiyahan sa ibang tao kahit hindi niya baguhin ang kanyang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos opens up about unpleasant experience about a young love team who snubbed her and other senior co-stars: “Ako, hindi na nga yung respeto sa status, yung respeto lang sa nakakatanda.”
PHOTO/S: @officialjuday on Instagram / PEP.PH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results