Watch Now

Herbert Bautista replies to Kris Aquino's tirade against him: "Pagaling ka..."

by Bernie V. Franco
Apr 4, 2022
herbert bautista kris aquino
Senatorial candidate Herbert Bautista reacts to Kris Aquino's previous statement about an "unreliable ex." Herbert made his reaction in jest during a weekend campaign rally in Tarlac, Kris's hometown.
PHOTO/S: Facebook (Herbert Bautista, Leni Robredo)

Sinubukan ni senatorial candidate Herbert Bautista, 53, na idaan sa biro ang sagot niya sa patutsada sa kanya ng “ex” na si Kris Aquino, 51.

Ginawa ni Herbert ang reaksiyon niya sa lalawigan kung saan nagpatutsada si Kris sa kanya dalawang linggo na ang nakalilipas—sa Tarlac, na siya ring hometown ni Kris.

Noong March 23, 2022, sorpresang sumipot si Kris sa campaign rally ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa Tarlac City.

Umakyat ng entablado si Kris kasama si Angel Locsin para ikampanya si Robredo.

Sa diskurso nina Angel at Kris sa stage, napunta ang usapan sa unreliable na karelasyon.

Nakita ni Kris ang pagkakataong ito at binanggit ang kanyang “ex” na nasa partido ng UniTeam.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Kris, pero si fomer Quezon City Mayor Herbert Bautista ang tanging na-link sa kanya romantically na nasa UniTeam.

Tahasang sabi ni Kris: "O, wag niyo iboto yun, ha. Sayang ang boto dahil di marunong tumupad sa mga pinangako. Deadma please."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kris Aquino takes a swipe at ex-fiancé Herbert Bautista: "Di marunong tumupad sa mga pinangako."

HERBERT’S MESSAGE TO KRIS

Noong Sabado, April 2, 2022, ginanap ang proclamation rally ng UniTeam nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte sa Tarlac.

Dumalo rito si Herbert na kabilang sa senatorial slate ng partido.

Nang si Herbert na ang sumalang sa entablado, nakipagbiruan siya sa mga dumalong supporters.

Hinikayat niya ang mga tao na tandaan ang kanyang numero sa balota na nakalagay sa polo shirt niya.

Biro pa ni Herbert: "Balak ko ho sanang palitan ng ‘X.’"

Minuwestra ni Herbert ang “X” at naghiyawan nang malakas ang mga tao.

Mahihinuhang na-gets nila ang nais tumbuking pagbibiro ng actor-politician.

Umapela si Herbert na iboto siya at inisa-isa ang bilang ng mga taon na nanungkulan siya bilang councilor, vice mayor, at mayor ng Quezon City.

Kasunod niyon ay may hindi malinaw na isinigaw ang mga tao, pero dinig na dinig ang “Kris.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpatuloy si Herbert sa pakikipagbiruan sa mga dumalo.

Sabi niya, “Actually, natagpuan ko na ang babaeng pakakasalan ko dito sa Tarlac.”

Naghiyawan muli ang attendees.

Pagpapatuloy ni Herbert, “Kaya lang tinatakan niya ako ng ‘X.’ Pero di ko alam kung ako yun. Baka ibang tao naman ho ‘yon, di ho ba?”

At saka binanggit ni Herbert ang isinusulong na kasabihan ng kanilang grupo na “pag ikaw ay binato ng bato, batuhin mo ng burger.”

Kasunod nito, nagbigay ng seryosong pahayag si Herbert patungkol kay Kris.

“Pero seriously, mga kaibigan, ito na lang ang aking message sa kanya...

“Nanginginig yung tuhod ko, baka awayin ako,” biro ng natatawang si Herbert at nagmuwestra na tila nanginginig ang tuhod niya.

Pagseseryoso niya, “Malaki ang respeto ko sa pamilya mo at saka sa ‘yo.

“At ang aking pagmamahal sa 'yo… bilang kaibigan, ay hindi na mawawala.

“So, pagaling ka and kain ka ng marami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Kris ay nakikipaglaban ngayon sa isang auto-immune disease na dahilan ng pagbagsak ng kanyang katawan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senatorial candidate Herbert Bautista reacts to Kris Aquino's previous statement about an "unreliable ex." Herbert made his reaction in jest during a weekend campaign rally in Tarlac, Kris's hometown.
PHOTO/S: Facebook (Herbert Bautista, Leni Robredo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results