Imbes na pumalag, sinagot nang mahinahon ni Sunshine Cruz ang dalawang bashers sa kanyang Facebook account kung saan mukhang inatake nito ang edad ng aktres.
Ngayong araw ng Martes, April 5, 2022 ibinahagi ni Sunshine ang screenshots ng panglalait sa kanya ng bashers.
Ang isa rito ay tinawag siyang “lola.”
Komento ng kritiko sa isang post ni Sunshine, “Lola yung buto mo ingat din baka mabalian ka.”
Magalang naman siyang sinagot ng singer-actress.
Ani Sunshine, ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili sa edad na apatnapu’t-apat (44).
Pinayuhan din niya ang basher na kumain ng marami dahil mukha daw itong nanghihina at nagugutom.
Buong tugon ni Sunshine, “Are you trying to insult me by calling me lola?
"Proud of my age! I am 44, healthy and happy.
"Tbh, I’d rather be a lola than be you. Kumain ka para magkaroon ng nutrition ang katawan at pag-iisip mo. You look frail and hungry. Take care and stay healthy.”

Ang isa namang basher ay tinawag ang kanyang nakakatandang kapatid na babae na si Maritess Cruz na “tigulang,” salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay matanda na.
Komento ng basher, “Tigulang na gyod”
Para kay Sunshine, hindi halatang limampu’t-apat (54) na taong gulang na ang kanyang ate. Katulad niya, ang pagkakaedad ay isang pribilehiyo ng isang tao dahil hindi lahat ay umabot sa edad nila.
Aniya, "My sis is 54 and she obviously looks good for her age. Ageing happens to everyone po.
"Let’s not make it seem na ang pagtanda ay dapat ikalungkot at ikahiya. Blessing po ang mabigyan ng pagkakataong maging 'tigulang.'"

May isa namang tinawag siyang "kwaknit" o paniki ngunit hindi na ito sinagot ni Sunshine.
Pero kasama ito sa mga screenshots na kanyang ibinahagi sa kanyang post.
Ayon sa netizen, "Still stunning look the outside… ang loob kaya ng sa panty baka matandang kwaknit."

SUNSHINE: "TO AGE IS A BLESSING DENIED TO MANY"
Sa caption ng post ni Sunshine, pinaalalahanan niya ang kanyang mga followers na ang pagtanda ay hindi dapat ginagamit ng ilan para mang-insulto o manakit ng kapwa.
Ang importante lang daw ay may pinagkataandaan ang isang tao na hindi naman nanapak at nanakit sa iba.
Buong post niya, "Guys! Hello! Paalala lang po and to educate others sa maling pagiisip about ageing.
"Being a lola or having the privilege to age is a blessing denied to many. Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang ‘matanda’ to hurt, insult or describe a person.
"I am proud of my age. At 44, I am healthy and happy.
"Ang mahalaga ay meron tayong pinagkatandaan. At higit sa lahat wala po tayong tinatapakan at sinasaktan just because nadadagdagan ang ating mga edad. Stay safe and healthy everyone.
"Magandang Hapon po."
