Watch Now

Ethel Booba says she discouraged live-in partner from proposing to her

by Melba R. Llanera
Apr 6, 2022
Ethel Booba
Ethel Booba on her fear of settling down: "Siguro sa background na rin ng family ko. Broken family ako, natatakot din ako sa attachment na pagka naghiwalay kami, di ko kayanin."
PHOTO/S: @ethelbooba Instagram

Sa kabila ng pagkakaroon ng anak sa live-in partner na si Jessie Salazar, hindi pa handang magpakasal ang sexy comedienne na si Ethel Booba.

Si Jessie ay isang executive chef. Taong 2017 nang umusbong ang relasyon ng couple. February 2020 nang ipanganak ang supling nilang si Michaela.

Sa presscon proper ng upcoming reality travel talk show na Lakwatsika kahapon, April 5, 2022, ikinuwento ni Ethel na nabuko niya ang muntikan nang pagpo-propose sana sa kanya ni Jessie.

Sa solong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa komedyana, itinuloy ni Ethel kung paano siya pasimpleng sinukatan ng singsing ng partner.

Read: Ethel Booba grows vegetables, fruits in living and dining areas of her home

Lahad ni Ethel: "Nabukayo. Actually, pinapasukat niya. 'Kasya ba sa iyo ito?' Alam ko yun, e.

"Sabi ko, 'Ano ito? Bakit may ganito?' 'Binili ko,' ganun. Bukelya ko na. 'Sukat mo na kung kasya sa iyo.'

"Alam ko kasi magbibitaw ng, 'Will you marry me?' Ayoko. Pangatlo na ito if ever," bungad ni Ethel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang pumipigil sa kanyang magpakasal?

Sagot ng 45-year-old comedienne-singer, "Fear? Di ko alam. Siguro sa background na rin ng family ko.

"Broken family ako, natatakot din ako sa attachment na pagka naghiwalay kami, di ko kayanin. Parang ganun."

Hindi pa masabi ni Ethel kung nakita na niya sa ama ng anak ang lalakeng makakasama habambuhay.

"Ewan ko, ayokong mag-comment, parang hindi. Hahaha!" kuwelang hirit ni Ethel.

"Hindi ko alam. Hindi rin ako puwedeng magsabi ng tapos. Kung siya na talaga, siya na.

"Nagka-baby kami, e. Hindi ko alam na sa kanya ako magkaka-anak."

Natanong din ng PEP.ph si Ethel kung anu-ano ang mga nabago sa kanya ngayong ganap na siyang ina sa dalawang taon nilang anak na lalake ni Jesse.

"Iba, una hindi na ako umiinom," sagot niya.

"Yes, iyan ang pinaka-problem ko talaga noon, saka yosi hindi na. Marami akong pinagbago, in-adjust para sa anak ko.

"Pasensiya. Actually, pasensiya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pikunin ako, e. Madali akong mairita, pero sa kanya iba ang pasensiya ko. Yung kulit niya.

"Ganun pala talaga, mapagbabago ka ng bata. Nag-mature ako na hindi ko akalain na mangyayari sa akin dahil sa bata."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba on her fear of settling down: "Siguro sa background na rin ng family ko. Broken family ako, natatakot din ako sa attachment na pagka naghiwalay kami, di ko kayanin."
PHOTO/S: @ethelbooba Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results