Watch Now

China Cojuangco & family of Charlie Cojuangco commemorate 40th day of his death

by Rommel Gonzales
Apr 6, 2022
Charlie Cojuangco, China Jocson
"I lost a husband, but I gained a brother, a sister, a sister-in-law, nieces and nephews, and I gained all of you aunts and cousins," says China Jocson in her message during the mass on the 40th day after death of Tarlac First District Representative Charlie Cojuangco.
PHOTO/S: Tarlac Press Corps / Chug Cadiogan YouTube

Isang misa ang idinaos para sa ika-apatnapung araw ng pagpanaw ni dating Tarlac Representative Carlos “Charlie” Cojuangco nitong Sabado, April 2, 2022.

Pumanaw si Charlie sanhi ng brain aneurysm noong February 28, 2022, sa edad na 58.

Read: Tarlac congressman Charlie Cojuangco dies at 58

Officiated by Father Jerry Orbos, ang imbitasyon at schedule ng mga misa via Zoom ay ibinahagi ni Michelle Barrera Juban sa kanyang Instagram account na @michellecbarrera. Si Michelle ay pamangkin at inaanak ni Charlie.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakibahagi sa ginanap na misa.

Dumalo sa misa nang araw na iyon ang kapatid na lalaki ni Charlie na si Mark Cojuangco at misis nitong si Kimi. Naroon din ang kapatid na babae ni Charlie na si Tina Cojuangco-Barrera at asawa nitong si Mike at ang mga pamangkin ng yumao.

Dumalo naman ang biyuda ni Charlie na si China Cojuangco, na nag-stream ng live na misa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumalo rin ang mga kaibigan ng pamilya tulad nina Ramon Ang, Francisco Tiu-Laurel, at mga kamag-anak ng pamilyang Cojuangco-Lagdameo at Cojuangco-Yulo.

Tungkol sa pagmamahal ang homily ni Father Orbos. Pinaalalahanan nito ang mga nakikinig na palaging gunitain si Charlie bilang isang masayang tao na palaging nakangiti.

Nagbigay naman ng mensahe para sa namayapa ang mga miyembro ng kanyang pamilya.

Dalawa sa kapatid ni Charlie ang nagpaabot ng magagandang salita sa biyuda ni Charlie na si China.

Sinuklian naman ito ni China ng mga salitang galing sa puso.

"I lost a husband, but I gained a brother, a sister, a sister-in-law, nieces and nephews, and I gained all of you aunts and cousins, thank you so much," saad ni China, na pinakahuling nagbigay ng mensahe para kay Charlie.

Patuloy niya, "It will be our first wedding anniversary on the 7th, so please do keep us in your thoughts.

"It will also be his birthday on the 14th. So with love and—would remember him during [those] days."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang December 29, 2022, ginanap ang betrothal ceremony nina Charlie at China sa Tarlac.

April 7, 2021 nang idaos ang kanilang civil wedding sa Paniqui, Tarlac. Sinundan iyon ng church wedding noong October 10, 2021.

Nang pumanaw si Charlie noong February 2022, naglabas ng pahayag si China na maiksi man ang panahong naging mag-asawa sila ni Charlie ay walang katumbas ang pagmamahal na naranasan niya sa piling nito.

Read: China Jocson says marriage to Charlie Cojuangco worth more than "my lifetime without him"

HOT STORIES

CHARLIE'S BROTHER MARK

Sa misa nitong April 2, 2022, pinasalamatan ni Mark Cojuangco si China sa kaligayahang ipinagkaloob nito kay Charlie noong nabubuhay pa ito.

Si Mark ay nakatatandang kapatid ni Charlie, at best man sa kasal nina Charlie at China.

Pahayag ni Mark: "Ako po ay nagpapasalamat sa Panginoon na nabigyan ng pagkakataon na muling magkaroon ng magandang samahan sa aking bunsong kapatid na si Charlie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakita ko po ang kanyang saya na matagal nang nawala sa kanya dahil naging biyudo nga.

"Ako po ay nagpapasalamat kay China dahil nandoon po nagmula ang kanyang kasiyahan.

"Thank you for that China."

Sabi naman ni Mark patungkol kay Charlie, "Maraming salamat sa pagiging isang napaka-nagmamahal na kapatid. Mahal kita, Charlie. You did well, Bro.”

Charlie Cojuangco

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CHARLIE'S NIECE AND GODDAUGHTER MICHELLE

Ibinahagi naman ni Michelle Barrera Juban ang "constant presence" ng kanyang tiyuhin na si Charlie sa kanyang buhay—ang generosity raw nito hindi sa materyal na bagay kundi sa pagmamahal.

"He’s also my ninong, and Tito Charlie was the perfect ninong. He didn’t give in material goods but he gives in prayer.

"He never smothered us but was always there when it matters most. He never killed the fun but joined in. And he never forced us one way or another, but instead offered guidance and advocated for our good.

"He was a person who showed love through action and not just words and gifts.

"As a Tito, he was someone we had fun with as kids. He was the person we were terrified of as teenagers when we would get into trouble.

"You know, experiment, go out with friends. Or, for the girls, I guess when we had boys making ligaw, he was the one we were terrified of.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He was also the one who became our best friend, barkada, and our eating buddy as we became adults."

Sa dami ng pinagsamahan nila ng tiyuhin, kasama ng iba pang mga pinsan ni Michelle, lubos daw silang nahirapang magpaalam kay Charlie.

Patuloy ni Michelle, "I’m thankful for the life I had with my Ninong in it. I am thankful that my parents chose him to be my ninong because he was the perfect ninong. And I am thankful that I was a witness to his love and care firsthand.

"Although it’s been tough to let him go, and it’s been a very sad time for us in our family, a part of me is also happy for him. Because I know now there’s no suffering, no frustration or sadness or pain.

"I know that he will continue to live on in our hearts and memories forever.

"I would like to take this opportunity to thank those who showed Tito Charlie the kind of love he so readily gave us through his short and full life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I know how much he appreciated each and every one of you, and he will continue to pray for you in heaven."

Charlie Cojuangco

CHARLIE'S SISTER TINA

Hinikayat naman ang lahat ni Tina, ang kapatid ni Charlie, na patuloy na ipamahagi ang mga alaala at kuwento ng buhay at kabutihan ng kapatid upang manatili itong buhay sa isip at puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpahayag din si Tina ng pasasalamat at patuloy na pagmamahal sa nabiyudang misis ni Charlie.

"China, just a quick word from Kimi and myself. You will always have us as a sister.

"We would go through this journey together. It doesn’t end here, it just begins.

"We love you and thank you," saad ni Tina.

Charlie Cojuangco

Tumatakbo si Charlie para sa ikatlong termino niya bilang congressman ng 1st district ng Tarlac para sa eleksyon sa Mayo ng taong ito. Ang kanyang anak na si Jaime Cojuangco ang humalili sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I lost a husband, but I gained a brother, a sister, a sister-in-law, nieces and nephews, and I gained all of you aunts and cousins," says China Jocson in her message during the mass on the 40th day after death of Tarlac First District Representative Charlie Cojuangco.
PHOTO/S: Tarlac Press Corps / Chug Cadiogan YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results