Watch Now

Ruffa Gutierrez denies she's pregnant with Herbert Bautista's child

by Arniel C. Serato
Apr 7, 2022
ruffa gutierrez, herbert bautista
Ruffa Gutierrez quashes pregnancy rumors with senatorial aspirant and rumored boyfriend Herbert Bautista's child: "I am not pregnant with twins. I never got married. I did not have a miscarriage."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Mariing pinabulaanan ni Ruffa Gutierrez na buntis siya sa anak nila diumano ng rumored boyfriend niyang si Herbert Bautista.

Sa Instagram kagabi, April 6, 2022, ni-repost ni Ruffa ang iba’t ibang malisyosong posts ng ilang netizens sa YouTube kung saan bukod sa diumano’y pagbubuntis niya, nanganak at nagpakasal na raw sila ni Herbert.

May nagsabi ring kambal daw ang anak nina Ruffa at Herbert, at nagkaroon na raw ng gender reveal.

May tsismis ding nakunan daw ang actress.

Sabi ni Ruffa sa caption, may mga tumawag sa kanyang mga "Marites"—bansag sa mga tsismoso at tsismosa ngayon—upang tanungin siya ukol dito.

Naging paboritong paksa na raw kasi siya sa mga pagtitipon at handaan.

Mensahe ni Ruffa, “Good afternoon to the Titas and Titos who have made me a favorite topic at parties and dinner tables.

“After the 75th call from a Marites, let me set the record straight.

“* I am not pregnant with twins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“* I never got married.

“* I did not have a miscarriage.

"* I did not admit to having a boyfriend.

“Everyone can now take a chill pill.”

Kasunod nito, ikinampanya niya ang napapabalitang nobyong si Herbert, na tumatakbong senador ngayong 2022 elections.

Ani Ruffa, "The only REAL NEWS is:

“#8 sa Senado ang iboboto ko dahil #1 siya sa puso... natin lahat!

“#BistekMatinik

“#MySenatorMadeItToTop12”

November 2021 nang pumutok ang usap-usapang may espesyal na ugnayan sina Ruffa at Herbert.

Isinama rin ni Ruffa si Herbert sa kanilang family gatherings noong kapaskuhan.

Nitong nakaraang March, naging “Instagram official” ang dalawa dahil sa post ni Ruffa kung saan inamin niyang "#1 sa puso ko" ang senatorial aspirant.

READ: Ruffa Gutierrez confirms Herbert Bautista "#1 sa puso ko"

Si Ruffa rin ang unang nagtanggol kay Herbert noong kinastigo ito ni Kris Aquino sa Tarlac City rally ng team ni Vice President Leni Robredo, kung saan sinabi ni Kris na huwag iboto ang kanyang “ex” na nasa UniTeam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw kasi ito marunong tumupad sa pangako.

Si Herbert ay kabilang sa senatorial lineup nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.

READ: Kris Aquino takes a swipe at ex-fiancé Herbert Bautista: "Di marunong tumupad sa mga pinangako."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez quashes pregnancy rumors with senatorial aspirant and rumored boyfriend Herbert Bautista's child: "I am not pregnant with twins. I never got married. I did not have a miscarriage."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results