Watch Now

Devon Seron chooses to stay single after breakup with Kiko Estrada

by Jerry Olea
Apr 7, 2022
devon seron
Devon Seron: “Wala siyang space. Yung bitterness, walang space sa ano natin ngayon. We have to live life to the fullest. We have to be happy. Positive lang. Para maraming opportunities.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Masaya si Devon Seron sa nagawa niyang zombie thriller movie na Z Love para sa A&Q Films, kung saan leading man niya ang BidaMan finalist na si Kristof Garcia.

“Yun naman kasi ang trend ngayon, e,” nakangiting sambit ni Devon nang makatsikahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa AQ Prime office nitong Abril 6, Miyerkules ng hapon, sa Roces Avenue, Quezon City.

“Happy ako na nagagawa na talaga ng mga Pilipino ang ganitong klase ng zombie horror film, at may mga improvement.

“Sobrang nakakatuwa na kahit ngayon na may pandemic — medyo mahirap magtrabaho dahil kailangan mong maging careful because of the virus — happy ako na napu-push through pa rin, nagagawa pa rin natin.

“Tungkol sa pandemic yung movie, na nag-spread yung virus. Ipapakita dun yung life struggles, how to survive.

“Ipinapakita dun na yung mga moments na akala mo, napakaimportante sa ‘yo, yung mga problema na sa tingin mo ay importante…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos bigla na lang mawawala. Actually, hindi na siya magma-matter. Kasi nga, it’s a matter of life and death na.

“So, dun mo mapapakita na you have to cherish every moment talaga with your loved ones, with the people that you care about.”

IS DEVON REALLY HAPPY?

Happy ba talaga siya ngayon sa buhay niya?

“Yes!” mabilis na tugon ng 28-year-old actress.

“I’m very happy. Ha! Ha! Ha! Ha! Good vibes lang tayo!

“Kasi, nakakatanda yun. Ang goal natin, forever young! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Wala ni katiting na bitterness?

“Yes, I’m very happy!” pagdidiin pa ni Devon.

“Wala siyang space. Yung bitterness, walang space sa ano natin ngayon.

“We have to live life to the fullest. We have to be happy. Positive lang. Para maraming opportunities.”

Noong 2021 ay naging malaking balita ang breakup ni Devon at ng aktor na si Kiko Estrada.

Kasunod ito ng cryptic post ni Devon noong March 9, 2021 at pag-a-unfollow nila sa isa't isa sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Did Kiko Estrada, Devon Seron break up? Devon's followers accuse Heaven Peralejo of being the third party

Kumusta ang love sa buhay niya? Kumusta ang kanyang puso?

Natawa muli ang dalaga, “Happy naman! I am committed to myself. Committed ako sa growth ko talaga as an actress.

“And of course, bilang may chance pa tayo, andito pa tayo sa film industry, I wanna try different things.

“Dun ako naka-focus, sa trabaho ko talaga, at kung paano ko i-improve ang sarili ko.”

Na-trauma ba siya kaya ayaw muna niyang magkaroon ng bagong love?

“Trauma? Hindi naman, hindi naman. I choose to be single,” mabining wika ni Devon.

Mahigit isang taon nang single o walang kasintahan si Devon.

“For me kasi, hindi siya necessary. Matagal din akong single before ako nagka-boyfriend, di ba?” pagbuntong-hininga ng young actress.

“So ako naman, hindi ko naman idinidepende yung sarili ko, kung paano ko iaano yung sarili ko, paano ko iwo-work yung sarili ko just because wala akong dyowa, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, parang hindi naman ako nakadepende dun. You have to live yourself first before you love someone else.”

Posible bang balikan niya ang ex-boyfriend?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! May ganun? Oh, my gosh! Ha! Ha! Ha! Ahhm, happy na ako sa sitwasyon ko,” pagngiti ni Devon.

“Contented na ako kung nasaan man ako ngayon. I’m very happy. Ayokong magsalita ng masama and tapos na yun.

“Pero sa akin kasi, mas naka-focus kasi ako sa sarili ko at sa mga mahal ko sa buhay, sa family ko.

“And I wanna give them more, and you know, better future.”

Iisa ang manager nila ng kanyang ex-boyfriend, si Arnold L. Vegafria. Kung may offer na magsama sila ni Kiko sa isang project, OK ba sa kanya?

Napatango si Devon, “Oo naman po. Professional naman po… matagal na rin po kami sa industriya.

“And OK lang sa akin. Pag trabaho, trabaho talaga.”

Nagkita na sila ng kanyang ex-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“OK kami. Civil, of course. Pero we’re not that… masasabi mong friends…

“Pero masaya na kami. Masaya na kami. I’m happy for him, I’m happy for him. Masaya rin ako sa sarili ko ngayon,” pagdidiin ni Devon.

Pagkatapos makipag-break ni Kiko kay Heaven Peralejo, ang girlfriend ngayon ng aktor ay ang beauty queen na si Janelle Lewis.

Read: Janelle Lewis inaming sila na ni Kiko Estrada: "A few months pa lang po kami."

SURVIVING THE PANDEMIC

Noong mag-umpisang lumaganap ang pandemic, nakaranas ba siya ng anxiety or depression?

“Yes. Ahhhm, actually mahirap siyang tanggalin, sa totoo lang kasi, di ba?” pag-amin ni Devon.

“Yung depression, hindi naman siya… pag OK ka ngayon, forever ka nang OK. Bumabalik at bumabalik talaga siya, the anxiety, kung ano yung nakakapag-trigger dun.

“And siguro sa ngayon, dahil matagal-tagal na rin tayong nag-i-stay sa bahay… yung emotions natin, nag-e-expand talaga.

“And for me, natutunan ko kung paano mag-deal nun, kung paano ko kontrolin yung sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, hindi naman tayo puwedeng magpalamon lang. So, we have to fight talaga, to live our lives.”

Saan o kanino siya humugot ng lakas upang malampasan ang anxiety o depression? Sa iba kasi, nagli-linger yun kahit nasa Alert Level 1 na ang NCR at maluwag na ang safety protocols.

“Actually, ahhm, hindi siya madali, e. Ang ginawa ko, binalikan ko yung hobbies ko before,” salaysay ni Devon.

“Nagta-try din ako ng mga bago. Ako, hindi ako ma-exercise pero ginawa ko siya. And it really helps talaga, to make yourself busy lang talaga.

“Kasi, dun mo makikita na, ‘Ahh, gusto ko pala ‘to!’ Parang… mapi-feel mo na may mga bagay pa pala talaga na gusto mong gawin.

“Na you don’t have to stay in the dark place forever. You wanna experience life. You wanna experience new things.

“So, dun ko nahuhugot yun. When I feel sad, nagbabasa ako, I’m with my family. Nanonood kami sabay-sabay ng movies. And try new things.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT SHE DISCOVERED ABOUT HERSELF

Na-discover ni Devon last year na nakakapagsulat siya ng kanta.

“At binalikan ko yung love ko sa music,” sabi ni Devon, na isa sa mga bida ng critically-acclaimed musical drama film na Bakwit Boys (2018).

“Naggigitara ako. Matagal na rin kasi akong hindi naggigitara, so yun ang sinubukan ko, at nakakabuo naman ako.

“So ako, parang na-inspire ako, ‘Ay! Kaya ko pala ‘to!’ So, I wanna do this.”

Gusto rin ni Devon na mag-focus sa paggawa ng movies, na kung maaari ay makapag-aksyon siya.

“Na-experience ko na mag-action dito sa movie na Z Love!” bulalas ni Devon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Devon Seron: “Wala siyang space. Yung bitterness, walang space sa ano natin ngayon. We have to live life to the fullest. We have to be happy. Positive lang. Para maraming opportunities.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results