PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janelle Lewis admits relationship with Kiko Estrada

Janelle, nilinaw na hindi siya ang third party sa Kiko-Heaven breakup.
by PEP Troika
Published Feb 1, 2022
janelle lewis kiko estrada
Janelle Lewis on relationship with Kiko Estrada: “A few months pa lang po kami. I won’t say how many na lang, para wala na pong isyu na lumabas na baka sabihing third party ako or anything.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / TikTok

GORGY RULA

Hindi nakaiwas ang beauty queen-actress na si Janelle Lewis sa tanong ng reporters tungkol sa kanila ni Kiko Estrada nang dumalo siya sa press preview ng pelikulang Takas sa Cinema ‘76 sa Aurora Blvd., Quezon City, noong Lunes, January 31. 2022 .

Napangiti ang 1st runner-up ng Miss World Philippines nang tinanong siya kung may boyfriend ba siya ngayon.

“Patay tayo diyan. Yes po,” parang nahihiya niyang sagot.

Alam niyang si Kiko ang tinutukoy namin.

Sinundan namin ng tanong kung gaano na sila katagal bilang magkasintahan.

“Na-caught off guard ako dun, a!” natatawa pa niyang pahayag.

“A few months pa lang po kami. I won’t say how many na lang, para wala na pong isyu na lumabas na baka sabihing third party ako or anything.”

Gusto lang linawin ni Janelle na walang overlap dahil matagal na raw break sina Kiko at Heaven Peralejo bago sila nagkakilala.

“They were finished a few months before I came in to the picture,” sabi pa ni Janelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Is beauty queen Janelle Lewis the new girlfriend of Kiko Estrada?

Nagkakilala sila dahil pareho silang under sa management team ni Arnold Vegafria. Ayaw lang magbigay ng detalye ni Janelle tungkol sa kanila ni Kiko dahil mas gusto raw nilang pribado sana ang kanilang relasyon.

Nagulat na lang daw sila nang na-pick up sa TikTok ang post nilang dalawa nang sinilebreyt nila ni Kiko ang kanyang kaarawan kamakailan.

Siyanga pala, itong Takas ang maiden venture ng bagong movie production na Handheld Entertainment Productions na pag-aari ng negosyanteng si Kate Javier.

Ang indie actor na si Ray An Dulay ang nagdirek ng pelikula na isinulat ng asawa niyang si Joyzell Regalario Dulay.

Kasama ni Janelle dito sina Teejay Marquez, David Chua, Rob Sy, Marvin Yap, at John Lapus.

Naka-schedule ang streaming nito sa Pebrero 15 hanggang 19 sa KTX at RAD sa halagang P249 ang ticket.

JERRY OLEA

Si Kiko raw ang unang artista na naging boyfriend ni Janelle. Nandiyan daw ang suporta ni Kiko sa pagpasok niya sa pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan po it’s very intimidating, kasi siyempre he’s been in the industry about 10 years now,” sabi ni Janelle.

“But he would also help somehow when it comes to the character. He would explain to me how you do this, how you do that, and how you would look more natural.

“I think, it’s kinda both. It’s very intimidating but at the same time it’s very helpful. Kasi he makes sure I get the character where I’m supposed to go.”

Teka! Bago nagkamabutihan sina Kiko at Heaven sa lock-in taping ng Kapamilya teleseryeng Bagong Umaga, matagal na naging kasintahan ni Kiko si Devon Seron na nasa ilalim na rin ng pangangalaga ni Arnold L. Vegafria (ALV).

Paano kaya sakaling magkasama-sama sina Janelle, Kiko, at Devon sa pangangampanya para kay ALV na kandidato para mayor ng Olongapo City?

NOEL FERRER

Maraming puwedeng lumabas na balita for publicity at para mahikayat ang mga taong manood ng pelikula… pero maganda ba ang pelikula?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang pinakamabisang pam-promote niyan ay kung masasabi ng mga tao na maganda at maayos ang pelikula, at may epekto sa kanilang buhay.

Meron ba, Tito Gorgy?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janelle Lewis on relationship with Kiko Estrada: “A few months pa lang po kami. I won’t say how many na lang, para wala na pong isyu na lumabas na baka sabihing third party ako or anything.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results