Watch Now

Bela Padilla not living with BF in London: "I am navigating life alone."

by Rose Garcia
Apr 10, 2022
Bela Padilla and boyfriend Norman Bay
Bela Padilla clarifies she and her boyfriend Norman Bay are not living together in London, where the actress is currently based.
PHOTO/S: @bela on Instagram

Nagulat ang karamihan nang umalis ng bansa si Bela Padilla noong nakaraang taon.

Kahit na nasa gitna pa rin ng pandemya ang mundo, lumipad ang aktres patungong London, kung saan naroon umano ang kanyang boyfriend na si Norman Bay.

Ilan sa balitang lumabas noon ay tila "for good" na si Bela na maninirahan doon, at magpapakasal na siya.

Pero sa ginanap na online mediacon ng pelikulang 366, na mapapanood na sa Vivamax simula sa April 15, 2022, binigyang-linaw ng aktres na hindi sila magkasama ng boyfriend.

Ayon kay Bela, “Mag-isa po ako right now, I mean, hindi po kami magkasama or anything like that in London.”

Sabi pa niya, “I’m also navigating my life alone. But siyempre, malaking tulong sa akin na nakatira kami in the same continent, hindi man in the same country.

“At least, alam ko na kapag may problema ako, puwede akong lumipad nang isang oras, alam kong nandoon siya or nasa malapit lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang Instagram Story na pinost ni Bela nitong March, sinabi niya sa isang follower na ang Swiss-Italian beau ay kasalukuyang nakabase sa Zurich, Switzerland.

LIVING IN LONDON

Noong July 2021 pa umalis ng bansa si Bela.

At isa sa mga natutunan niya sa pananatili sa ibang bansa ay ang mamuhay nang simple.

Malaking bagay na hindi artista kundi pribadong tao lamang ang karelasyon.

“I think it’s very simple dahil hindi siya artista and very private person. Very simple yung understanding niya sa life, which I love. Parang noong una akong lumipad, hindi naman ako dumiretso agad ng London. Very simple lang yung ginagawa namin.

“Uupo lang kami sa park, may dala lang kaming...magpi-picnic lang kami, magsu-swimming lang kami araw-araw. Alam mo yung pag-alis mo ng bahay, suot mo na ang swimsuit mo sa ilalim.”

Bela Padilla at Hyde Park in London

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bela Padilla at Hyde Park in London

Bela Padilla at Hyde Park in London

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro pa niya, “Maliliit na bagay, yun po ang sobrang na-e-enjoy ko right now. Mahirap po kasing mag-swimming sa Pasig River, wala po tayong ma-swimmingan. So ngayon po, ine-enjoy ko po araw-araw kung ano ang mga puwede kong gawin, mina-maximize ko.

“So he helped me, I guess, calm down.”

Sa Europe pa rin daw muna si Bela kaya hindi pa niya masabi kung kailan niya planong bumalik ng Pilipinas.

Ayon sa aktres, “Parang for now, ito muna ang home base ko.

“Kung may movies man na i-assign sa akin ang VIVA, saka po ako uuwi. Pero, right now, it feels like home to me po.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla clarifies she and her boyfriend Norman Bay are not living together in London, where the actress is currently based.
PHOTO/S: @bela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results