Watch Now

Ana Jalandoni updates Instagram; Kit Thompson deactivates IG

by Bernie V. Franco
Apr 9, 2022
ana jalandoni
Almost a month after the incident that left her battered, Ana Jalandoni is seen again on Instagram. Meanwhile, her ex-boyfriend Kit Thompson becomes scarce on IG.
PHOTO/S: @realanajalandoni on Instagram / YouTube (The Boy Abunda Talk Channel)

Matapos ang tatlong linggo mula nang last post niya sa Instagram, nagbigay ng update ang aktres na si Ana Jalandoni.

Tila ipinapahiwatig ni Ana ang kanyang patuloy na paghilom matapos ang masalimuot na pinagdaanan sa dating kasintahang si Kit Thompson.

READ: Ana Jalandoni, nakalabas na ng ospital; sinampahan ng paglabag sa VAWC si Kit Thompson

Nitong Biyernes, April 8, 2022, nag-post ng mga update si Ana ukol sa bakasyon niya sa beach.

May kuha si Ana na nakasuot ng puti at napapaligiran ng mga halaman na tila kuha sa isang resort.

Ipinost din niya ang sunset by the beach.

Tanging white heart emoji ang caption niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa rito, ibinahagi rin niya sa Instagram Story ang isang Bible verse na Psalm 37:4: “Take delight in the Lord and he will give you the desires of your heart.”

ana jalandoni

Una nang nag-delete ng maraming photos si Ana sa kanyang Instagram account, kabilang na ang mga larawan nila ni Kit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabilang banda, hindi na makita ang Instagram account ni Kit.

May notice na “page isn’t available” kapag pumunta sa IG account ng aktor.

Lumalabas na ilang araw na itong deactivated.

Gayunpaman, active pa rin ang kanyang verified Facebook page.

READ: Ana Jalandoni in tears as she tells how Kit Thompson hurt her badly in March 17 fight: “Mamamatay ako dito kapag di ako tumakas."

READ: Ex-husband ni Ana Jalandoni, tumatakbong vice mayor sa Nueva Ecija; ex-gf ni Kit Thompson, may komento tungkol sa ugali ng aktor

READ: Ana Jalandoni recalls how Kit Thompson took issue with her sexy films, followed ex-suitors on Instagram

THE ANA-KIT ISSUE

Matatandaang nauwi sa hindi magandang pangyayari ang dapat sana’y bakasyon nina Ana at Kit sa isang hotel sa Tagaytay noong March 17, 2022.

Kinabukasan, March 18, sinaklolohan sa hotel ang sugatang si Ana ng Tagaytay police.

Diumano, sinaktan at binugbog ni Kit ang sexy actress dahil sa selos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang insidente, humarap si Ana sa media kasama ang kanyang mga abogado noong March 28.

Dito unang binasag ni Ana ang kanyang pananahimik hinggil sa diumano'y pananakit na sinapit niya kay Kit noong March 17.

Naibahagi rito ni Ana na binantaan umano siya ni Kit na huwag siyang hihiwalay rito.

Inusisa pa raw siya ni Kit tungkol sa pag-iwan ni Ana sa dating karelasyon noong 2018.

Banta raw ni Kit kay Ana: "Tapos, sabi niya, 'Ako, pag iniwan mo ako, patayin kita.' 'Tapos, sabi niya, 'Akin ka lang, hindi ka puwedeng mapunta sa iba.’”

Nagkuwento si Ana sa mga pangyayari sa kanila ni Kit sa The Interviewer ng The Boy Abunda Talk channel sa YouTube noong April 3, 2022.

Natalakay rito ang ukol sa “anger” management daw ni Kit at mga red flag na nakita ni Ana bago ang pananakit umano sa kanya noong March 17 ng dating boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naidetalye rito ni Ana na ang pagiging seloso ni Kit ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya sinaktan siya diumano ng aktor.

READ: Ana Jalandoni claims Kit Thompson pointed a knife at her during one of his outbursts

READ: Direk Neal “Buboy” Tan, naka-relate sa naranasan ni Ana Jalandoni kay Kit Thompson

READ: Kit Thompson out on bail after allegedly assaulting girlfriend Ana Jalandoni

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Almost a month after the incident that left her battered, Ana Jalandoni is seen again on Instagram. Meanwhile, her ex-boyfriend Kit Thompson becomes scarce on IG.
PHOTO/S: @realanajalandoni on Instagram / YouTube (The Boy Abunda Talk Channel)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results