Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police

by Bernie V. Franco
Mar 18, 2022
keith thompson ana jalandoni
Tagaytay Police Chief Lt. Col. Rolando Baula says police investigation shows that "jealousy" is the reason behind Kit Thompson's alleged physical assault of girlfriend Ana Jalandoni.
PHOTO/S: @realanajalandoni on Instagram

Selos ang posibleng dahilan ng panggugulpi umano ng aktor na si Kit Thompson sa girlfriend nito, ang sexy star na si Ana Jalandoni.

Ito ang lumalabas sa imbestigasyon ng Tagaytay City Police kaugnay ng kaso ng celebrity couple.

Sinaklolohan ng pulisya si Ana matapos makatanggap ng tawag mula sa 911 tungkol sa isang babaeng humihingi ng saklolo nitong Biyernes ng madaling-araw, March 18, 2022.

Nag-check-in ang magkasintahan sa Amega Hotel sa Silang Junction South, Tagaytay City.

Isinugod si Ana sa Tagaytay Medical Center para gamutin ang mga tinamong sugat.

Idinitena naman si Kit sa Tagaytay Police station para sa imbestigasyon.

Naglabas na rin si Ana ng matalinhagang mensahe hinggil sa karanasan niya sa nobyo.

Read: Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson

JEALOUSY IS THE REASON SAYS THE POLICE

Ayon kay Tagaytay Police Chief Lt. Col. Rolando Baula, sumailalim sa inquest si Kit bandang 5:00 p.m. nitong Biyernes, Marso 18, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinampahan siya ng reklamong paglabag sa Section 5A ng Republic Act 9262 o Anti-Violence against Women and their Children Act.

Nagdetalye rin si Baula ukol sa findings nila sa kanilang initial investigation.

“Pareho silang nakainom na. So, para bang nakakaramdam na yung babae ng di maayos, kaya tinawagan niya yung friend niya,” ani Baula sa interview ng media.

“Kaso nga lang, yung pagtawag niya sa friend niya ay poor signal. Kaya umakyat siya doon sa third level ng hallway ng hotel.”

Nakatulog umano si Ana sa hallway. Nang makita siya ni Kit doon, binuhat siya nito pabalik sa kanilang hotel room.

“Binuhat siya, dinala siya sa room nila. Dun na nag-start yung panggugulpi.”

Nabanggit ng opisyal na selos ang ugat ng pagtatalo nina Ana at Kit base sa kanilang imbestigasyon.

Inilarawan din niya ang ilan sa natamong sugat ni Ana.

“Base sa imbestigasyon meron siyang bruises sa mukha, tapos inuntog pa raw ang ulo niya seven times… nakakaramdam siya ng dizziness at times.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa alcohol, wala raw silang natagpuang substance sa pinangyarihan ng insidente.

Sa interview ng media kay Camp Brigadier General Vicente P. Lim, sinabi ng biktima na nagkaroon sila ng pagtatalo ng suspek na nauwi sa “physical violence.”

ANA’S SISTER: “BASAG TALAGA YUNG MUKHA NIYA…”

Sa kabilang banda, nagbigay ng pahayag ang kapatid ni Ana na si Marie Jalandoni.

Ibinunyag ng kapatid ng aktres na matinding pananakit ang tinamo ni Ana mula umano kay Kit.

“Grabe, as in grabe talaga. Iba yung mukha niya talaga, wala siyang mata… dalawa… kulay green, kulay black...

"Basag talaga yung mukha niya as in… buong katawan,” ani Marie sa panayam ng media.

Dagdag niya, “Sabi niya, sinampal muna daw siya, sampal… then sampal, suntok, suntok, sampal, sampal sa ulo.

“Kaya yung mukha niya ngayon... sobrang namamaga… as in sobra talaga…”

Hindi raw natapos ang pag-uusap nilang magkapatid kaya hindi nabanggit ng aktres kung ano ang dahilan ng pananakit umano sa kanya ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nais naman ni Marie na makasuhan si Kit sa ginawa raw nito kay Ana.

Ang tunay na pangalan ni Kit, 25, ay Keith San Esteban Thompson.

Siya ay ABS-CBN actor na unang nakilala bilang housemate sa Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4 noong 2012.

Si Ana ay baguhang aktres na naitampok sa sexy comedy film na Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar (2021) at bumida rin sa sexy film na Manipula (2021).

Napaulat ang relasyon nina Keith at Ana noon lamang December 2021.

Naglabas ng official statement ang management ni Keith na Cornerstone hinggil sa isyu.

Bahagi ng pahayag nila, “We have just been informed that one of our artists, Mr. Kit Thompson, was allegedly involved in an incident that transpired last night in Tagaytay City, Cavite.

“As we have yet to receive a formal report regarding the alleged incident, we could not give a response nor comment on the matter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-reach out din ang PEP.ph sa Cornerstone staff members para sa kanilang panig ngayong Biyernes, pero hindi pa kami nakakatanggap ng tugon.

Bukas ang PEP.ph sa panig ng mga taong sangkot sa isyu.

Other related stories:

READ: Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police

READ: Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson

READ: Kit Thompson in Tagaytay police custody; his girlfriend treated for injuries

READ: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident

READ: Gabriela, naglabas ng statement tungkol sa pananakit umano ni Kit Thompson kay Ana Jalandoni

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tagaytay Police Chief Lt. Col. Rolando Baula says police investigation shows that "jealousy" is the reason behind Kit Thompson's alleged physical assault of girlfriend Ana Jalandoni.
PHOTO/S: @realanajalandoni on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results