Watch Now

Catriona Gray unfazed by issues about her Madame Tussauds wax figure

by Nikko Tuazon
Apr 10, 2022
Catriona Gray, Jojo Bragais, Madame Tussauds Singapore, wax figure
In an interview last April 5, 2022, Miss Universe 2018 Catriona Gray says her Madame Tussauds wax figure is already on display in Singapore amid an issue with shoe designer Jojo Bragais: "I’m not aware of any other developments in that, but as far as I know, that wax figure is completed."
PHOTO/S: @catriona_gray on Instagram

Hindi nagpaapekto si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga isyung umiikot sa kanyang wax figure para sa Madame Tussauds Singapore.

Halaw sa kanyang winning moment sa Miss Universe na ginanap sa Thailand noong December 2018 ang kanyang wax figure.

Suot ng kanyang wax figure ang replica ng "Lava gown" na gawa ni Mak Tumang at ang "Alab and Dangal" ear cuff na gawa naman ng Tessera Jewelry.

Ayon naman sa mga ulat, "modified version" daw ng suot na heels ni Catriona nang siya ay manalong Miss Universe ang gamit ng kanyang wax figure.

READ: Catriona Gray unveils her wax figure at Madame Tussauds Singapore

Matatandaang nagpasaring ang shoe designer at dating miyembro ng "Team Catriona" na si Jojo Bragais nang hindi ito na-acknowledge na gumawa ng heels ni Catriona nang siya ay koronahan bilang Miss Universe 2018.

“You don’t have to like me, but at least give the respect…” sabi ng intriguing Facebook post ni Jojo noong March 31, 2022, na may hashtag na #waxIn #waxOut.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Shoe designer Jojo Bragais, may parinig sa di pag-acknowledge sa kanya sa wax figure ni Catriona Gray

Sa panayam ng press kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Catriona, sinabi nitong hindi na papalitan ang suot na heels ng kanyang wax figure.

"I think that wax figure is already done as she is," sabi ng 28-year-old beauty queen sa virtual press conference nito para sa Myra E #BeautyNgEmmunity nitong Martes, April 5, 2022.

Patuloy ni Catriona, "I’m not aware of any other developments in that, but as far as I know, that wax figure is completed."

Sa kabila ng isyu, masaya pa rin si Catriona para sa pageant fans na personal nang nakita ang naka-display niyang wax figure sa Madame Tussauds Singapore.

"She’s already on display at Madame Tussauds Singapore and there are members of the public who are able to tour and visit her...

"So I’ve been seeing some of the tagged photos which are really cool, seeing them enjoying the wax figure there."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ni Catriona, dadalhin din daw ang kanyang wax figure sa Hong Kong at Thailand kung saan mayroong branch ang Madame Tussauds Museum.

Umaasa naman si Catriona na makakarating din sa Pilipinas ang kanyang wax figure upang mabigyan din ng pagkakataon ang Pinoy pageant fans na hindi makakapunta sa Singapore na personal na makita ito.

"I wish I had a date talaga, but I’m really hoping soon. I know that she’s also potentially touring Hong Kong and Thailand.

"It could be a wonderful thing because that was actually the original plan nung 2020 na she would tour also to Manila, and then reside in Singapore.

"So let’s see, fingers crossed, I would love for her to visit Manila because it’s such a wonderful moment that has been immortalized.

"And I’m even wearing the Philippine sash and that would be so nice to celebrate that moment with the Filipinos in the Philippines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyang nasa Australia si Catriona ngayon upang samahan ang kanyang ama na si Ian Gray na nagpapagaling matapos ang heart surgery nito.

Sa pagbalik ni Catriona sa Pilipinas, sasalang naman siya bilang host ng upcoming reality-talent search ng TV5 at Cornerstone na Top Class: The Rise To P-Pop Stardom.

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an interview last April 5, 2022, Miss Universe 2018 Catriona Gray says her Madame Tussauds wax figure is already on display in Singapore amid an issue with shoe designer Jojo Bragais: "I’m not aware of any other developments in that, but as far as I know, that wax figure is completed."
PHOTO/S: @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results