Watch Now

Donita Rose responds to criticisms about newfound relationship

by Rachelle Siazon
Apr 11, 2022
Donita Rose, Felson Palad
Felson Palad to girlfriend Donita Rose: "You are my unexpected blessing. I didn’t think you would ever come into my life, but here you are, the Apple of my eye."
PHOTO/S: @dashofdonita Instagram

Hindi nagpatinag si Donita Rose sa iilang bashers ng kanyang bagong pag-ibig.

Sa Instagram post ni Donita kahapon, April 10, sinabi nitong nakatanggap sila ng musician boyfriend niyang si Felson Palad ng kritisismo nang isapubliko nila ang kanilang relasyon.

Hindi malinaw kung ano mismo ang sinabi ng bashers, pero nasaktan daw si Donita sa pangungutya ng iba.

Ipinasa-Diyos na lang daw nila ni Felson ang mga ito.

"Although I’m currently a little overwhelmed with work deadlines & can’t answer all comments for now, I just want to thank everyone for their overwhelmingly touching messages.

"There have also been a ton of negative comments from netizens regarding articles written about us and our social media posts, some making memes and trolling on us.

"Yes, they have been painful for me, I’ll admit, but just know that @felsonpalad and I prayed blessings for them," bungad ni Donita.

Mabuti na lang at matibay raw ang loob ng kanyang nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Am so incredibly proud of how he and his family have handled this.

"Mind you, he has been unfazed & extremely amused to say the least about the negativity & we are excited now, more than ever to proclaim God’s faithfulness & goodness in our lives.

"May this journey we are on encourage many of God’s promise in Romans 8:28, “That He is able to turn everything around for the good of those who love Him and are called according to His purposes."

Sa huli, muling inihayag ni Donita na masaya siya sa estado ng kanyang buhay ngayon.

Diin pa niya, "I do not live for the approval or the praises of man but I do find encouragement from the love we are receiving.

"Much love back at everyone. There are so many wonderful stories and bellyaching hilarious moments of us to share but for now, this is what’s most on my heart."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANSWERED PRAYER

Pati ang boyfriend ni Donita na si Felson ay nagpapasalamat sa Diyos na natagpuan daw niya ang tamang babae para sa kanya.

Sabi ni Felson sa kanyang hiwalay na Instagram post kahapon: "You are my unexpected blessing.

"I didn’t think you would ever come into my life, but here you are, the Apple of my eye.

"God has already prepared the good works and adventure for us together. I am excited.

"Pinaghirapan natin yang eye bags natin hahaha!"

Donita Rose, Felson Palad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa naman si Donita dahil hindi raw maikakaila kung gaano siya napasasaya ni Felson.

"Pakibura naman ang kislap sa mga mata ko. Nakakahiya!!!" kuwelang komento ni Donita.

Sa naunang post ni Felson noong April 6, sabi niya, "We need to believe and know Jesus and fall in love with a person who loves more the Lord than you."

Donita Rose, Felson Palad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW DONITA OVERCOME HER FAILED MARRIAGE

February 2016 nang unang isinapubliko ni Donita na hiwalay na sila ng mister na si Eric Villarama matapos ang labindalawang (12) taong pagsasama.

Mahigit dalawang taon daw nilang pinilit ayusin ang kanilang marriage, pero sa huli ay bumitiw na sila.

At noon ngang February 2016 natuklasan ni Donita ang pagkakaroon ni Eric ng bagong karelasyon.

Read: Donita Rose admits separation from husband Eric Villarama after he posted photo with another girl

Umalma rin noon ang best friend ni Donita na si Mo Twister.

Read: Mo Twister hints at money issue in Donita Rose-Eric Villarama separation

February 13, 2018 nang tahasang inamin ni Donita sa isang TV interview na ang pangangaliwa ng mister ang sukdulan ng problema sa kanilang pagsasama.

Read: Donita Rose reveals how she discovered ex-husband was cheating on her

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2018, ikinuwento niyang nagkapatawaran sila ni Eric matapos ang kanyang TV interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Valentine's Day noon, February 14, 2018, nang mag-usap sila sa telepono kunsaan una niyang narinig na humingi ng sorry sa kanya ang ex-husband.

Tinawanan na lang daw nila ang kaalamang Valentine's Day din nang mahuli ni Donita na may ibang babae ito.

Una na ring nag-sorry si Donita kay Eric nang minsang sulatan niya ito bilang closure ng kanilang relasyon.

Ikinasal ang couple sa California noong June 9, 2003, at na-finalize ang kanilang divorce noong December 2016.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Felson Palad to girlfriend Donita Rose: "You are my unexpected blessing. I didn’t think you would ever come into my life, but here you are, the Apple of my eye."
PHOTO/S: @dashofdonita Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results