Watch Now

Seth Fedelin defends Andrea Brillantes's relationship with Ricci Rivero from bashers

by Arniel C. Serato
Apr 11, 2022
Seth Fedelin appeals to netizens to stop bashing Andrea Brillantes
Seth Fedelin (left), Andrea Brillantes's loveteam partner, appeals to netizens to stop bashing the actress after she said "yes" to basketball star Ricci Rivero (right): “Yun po, guys, hindi na po tama yun dahil ako po mismo, ako po mismo suportado ko silang dalawa. Suportado ko po silang dalawa."
PHOTO/S: Courtesy: @imsethfedelin on Instagram / Twitter

Nanawagan si Seth Fedelin na respetuhin ang kanyang ka-love team na si Andrea Brillantes sa bagong kabanata ng buhay nito pagkatapos sagutin ng young actress ang basketball star na si Ricci Rivero.

Read: Andrea Brillantes, first time sa UAAP, nagka-boyfriend pa!

Ilan sa batikos kay Andrea ay “scripted” diumano ang lahat ng pangyayari sa Mall of Asia (MOA) Arena noong gabi ng April 9, 2022 sa laban ng UP Maroons at ng FEU Tamaraws.

Matapos kasi ang laban, umalingawngaw sa loob ng arena ang tanong ni Ricci na, “I just wanna ask Blythe to be my girlfriend?”

Anndrew Blythe Daguio Gorostiza ang tunay na pangalan ni Andrea.

Hindi nabigo si Ricci dahil pinili at niyakap ni Andrea ang black T-shirt na may tatak na "YES" na hawak ng isang lalakeng nasa likod niya sa audience gallery ng arena.

Sa kanyang Instagram Live nitong gabi ng Linggo, April 10, ipinagtanggol ni Seth si Andrea sa mga bumabatikos dito dahil sa tila pagtalikod nito sa love team nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Seth, alam niya ang pangyayaring ito sa buhay ng kapareha.

Panimula niya, “Kaya naman ako nandito dahil gusto ko nang magsalita. Gusto ko na, hindi ko na... ngayon ako magsasalita kasi hindi na po magaganda yung mga nababasa ko.

“At hindi ako magsasalita para po sa sarili ko, okay. Magsasalita po ako para din sa kaibigan ko, okay.”

Ayon sa binata, hindi na maganda ang kanyang nababasang komento ng netizens ukol kay Andrea kaya, bilang kaibigan, kailangan na niya itong ipagtanggol.

“Guys, kasi yung mga nababasa ko, alam mo yun, na parang unfair po. Napaka-unfair dahil wala po kayong alam, wala po kayong alam.

“Unfair po para sa kaibigan ko na makabasa at makarinig ng mga salita na wala po tayong karapatan para banggitin.

"Kahit po ako, wala pong karapatan magbanggit ng mga ganung salita," saad ni Seth.

“HINDI NIYA PO DESERVE”

Saad pa ng Kapamilya young actor, walang alam ang netizens sa pribadong buhay nila kaya walang karapatan ang mga itong husgahan kaagad si Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin daw deserve ni Andrea ang mga pambabatikos na natatanggap nito ngayon.

Pahayag ni Seth, “At ako mismo, para din lang alam niyo, guys, alam ko po kung ano talagang nangyari.

"Alam ko po, alam po namin kung anong nangyari. Alam po nung mga kaibigan namin kung anong nangyari.

“And ito, hindi ko na natiis talaga kasi sobra na po, guys, nawawalan na tayo ng respeto, di ba? Hindi na po tama yun.

"Hindi po deserve ng kabigan ko na makarinig ng mga ganung salita, mga ganung pekeng balita, hindi niya po deserve.

"Kaya tama na, guys. Tama na po, please lang tama na.”

Sabi pa ni Seth, deserve ni Andrea na ipagsigawan ni Ricci sa publiko ang totoo nitong nararamdaman para sa young actress.

“Ako po, wala po akong galit, wala po akong galit," pakli niya.

"Ang meron po ako, tuwa, dahil alam niyo yun, deserve ng kaibigan ko na may gumawa sa kanya ng ganung bagay. Ipagsigawan siya sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Happy po ako, wala po akong anything na negative na nararamdaman, dahil alam ko po ang totoo guys, kami po ang nakakaalam ng totoo.”

Sa puntong ito ay may gigil na ang pananalita ni Seth.

Mariin niyang sabi: “Kaya kayo magsitigil na kayo kakabanggit ng mga… Tama na ho guys, yun lang naman kaya lang naman ako nandito para sabihin ‘to, a, alam niyo na, para tumigil na at hindi na madugtungan ng kung ano pa.

“Dahil so far, sa mga nababasa ko po, sa mga naka-tag sa akin, sa mga nakikita ko sa social media pag nagbubukas ako, hindi na po ano, e, hindi na po tama, saka may mga bagay na walang kuwenta, walang kuwenta, guys.”

“SUPORTADO KO PO SILANG DALAWA”

Maraming fans nina Seth at Andrea—na kilala sa uniname na SethDrea—ang umaasang maging totohanan ang love team nila. Pero dahil sa bagong kaganapang ito, tila hindi na ito mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon kay Seth, suportado niya ang love life ni Andrea.

Pahayag niya, “Hindi ko buburahin ‘tong live na to guys para may makapanood pa rin, suportahan na lang natin, huwag na po tayong sumira.

“Yun po, guys, hindi na po tama yun dahil ako po mismo, ako po mismo suportado ko silang dalawa. Suportado ko po silang dalawa.

“Yun lang, walang dapat madehado dito guys, walang dapat madehado. Kasi alam naming yung totoo, kaming dalawa yung nakakaalam kung ano yung totoo, guys.

“Kayo, wala kayong alam. Wala kayong idea, kaya huwag po tayo magbanggit ng ano, guys, yung tama na, kasi di po tama lalo na po’t babae.

“Parang wala naman tayo, guys, respeto sa mga magulang natin, sa mga nanay natin.

“Yun lang, hindi po ako magsasalita para sa sarili ko, magsasalita po ako para rin sa kaibigan ko.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seth Fedelin (left), Andrea Brillantes's loveteam partner, appeals to netizens to stop bashing the actress after she said "yes" to basketball star Ricci Rivero (right): “Yun po, guys, hindi na po tama yun dahil ako po mismo, ako po mismo suportado ko silang dalawa. Suportado ko po silang dalawa."
PHOTO/S: Courtesy: @imsethfedelin on Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results