Watch Now

Regine Velasquez teases Rayver Cruz about rumored romance with Julie Anne San Jose

by Rachelle Siazon
Apr 11, 2022
Regine Velasquez, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz
Hinting at the duo's rumored romance, Regine Velasquez tells Rayver Cruz to take good care of Julie Anne San Jose.
PHOTO/S: @reginevalcasid Instagram / @RAYVERCRUZ20 Twitter

Hindi nakaligtas kay Regine Velasquez ang sweet photo nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Nakahalata na rin ang Asia's Songbird na tila higit sa pagkakaibigan ang relasyon ng dalawang Kapuso stars.

Read: Julie Anne San Jose has kilig answer to question about real score with Rayver Cruz

Nag-ugat ito sa tweet ni Rayver kunsaan ipinagmalaki niya si Julie Anne na katatapos ng three-part concert na Limitless.

"Kaka proud naman powssss hehe the one and only als," saad ni Rayver.

Regine Velasquez, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"ALS" ang madalas itawag ni Rayver kay Julie Anne na tinagurian ng GMA Network na Asia's Limitless Star.

Sinamahan niya ito ng spider at pumpkin emojis na ginagamit nila ni Julie Anne na pantukoy sa isa't isa.

Read: Rayver Cruz, Julie Anne San Jose trade sweet messages on IG; are they an item?

Nagkomento si Regine sa tweet ni Rayver.

"Alagaan mo yan ha special sa amin yan si Chuli by the way parang kailangan natin mag usap," panunukso ni Regine kina Rayver at Julie Anne na tinawag niya sa palayaw ng dalaga na Chuli.

Nagpahabol pa si Regine ng laughing emojis dahil sa panunukso niya sa dalawa.

Agad namang sinagot ni Rayver si Regine.

Tweet ni Rayver (published as is), "ate reg!!! wahahaha hello po!!! cge po Godbless po hahaha!"

Regine Velasquez, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nagkasama sina Regine at Julie Anne sa mga Kapuso musical-variety programs noong nasa bakuran pa ng GMA-7 ang Asia's Songbird. Kabilang dito ang SOP (2007-2010), Party Pilipinas (2010-2013), at Sunday All Stars (2013-2015).

Sina Regine at Julie Anne ay nagkasama rin sa concert series na 3 Stars and 1 Heart, isa sa mga huling proyekto ni Regine sa Kapuso Network bago siya lumipat ng ABS-CBN noong 2018.

Incidentally, sina Julie Anne at Rayver ang pumalit kay Regine bilang hosts ng singing competition na The Clash.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hinting at the duo's rumored romance, Regine Velasquez tells Rayver Cruz to take good care of Julie Anne San Jose.
PHOTO/S: @reginevalcasid Instagram / @RAYVERCRUZ20 Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results