Watch Now

Baron Geisler's wife Jamie Evangelista speaks up about video of them fighting at home

by Rachelle Siazon
Apr 11, 2022
Baron Geisler, Jaime Evangelista
Jamie Evangelista on video of her furiously throwing a jug of water at husband Baron Geisler: "I've been very patient and forgiving for how many years so napuno na siguro ako."
PHOTO/S: Baron Geisler Facebook

Inamin ng misis ni Baron Geisler na si Jamie Evangelista na dumadaan sa pagsubok ang kanilang buhay mag-asawa.

Si Jamie ay isang psychologist na nakilala ni Baron sa rehab center sa Cebu na pinasukan ng aktor noong 2018.

Read: Baron Geisler says he was blessed with wife Jamie Evangelista when he started fixing his life

Nito lamang unang linggo ng Abril 2022, kumalat sa social media ang video ng pag-aaway nila ni Baron.

Si Baron ang naglabas ng video kunsaan sinumbatan Jamie ang aktor na tawagan ang "sugar mommy" nito para doon magsumbong.

Baron Geisler, Jaime Evangelista

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman sumisigaw si Jamie pero waring tinatalakan nito ang aktor sa salitang Bisaya.

Maya-maya ay hinagis ni Jamie ang isang water jug kay Baron na nakahiga noon sa kama.

Natapon ang tubig sa kama, at maririnig na hirit ni Baron sa asawa, "Sino ang kailangan i-rehab?"

Baron Geisler, Jaime Evangelista

Deleted na ang video ni Baron, pero kumalat iyon sa social media at naiulat sa YouTube ni Ogie Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JAMIE reveals baron's alcohol relapse

Ngayong Lunes, April 11, 2022, inihayag ni Ogie sa kanyang follow-up report na nakatanggap siya ng mensahe mula sa misis ni Baron.

Dito ay inamin ni Jamie na nagkakaproblema sila ni Baron dahil sa "relapse" ng aktor sa bisyong pag-inom ng alak.

Nagalit daw siya dahil sa insidenteng naabutan niya si Baron na lasing sa araw na dapat sana'y lilipad ito ng Manila para sa trabaho.

Nangyari raw ang insidente noong Sabado, April 2, 2022.

"Last Saturday, uminom siya knowing may trabaho siya sa Manila on Monday. We were scheduled to leave Sunday morning, pero obviously we missed the flight kasi nga umiinom siya.

"May friend siya, yung tinatawag kong 'Sugar Mommy,' kasi she picks him up and kinukunsinti pag-inom niya and dinala siya sa hotel.

"He messaged me na he was ready to fly na Sunday night, pero when I went to the hotel umiinom pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya nagalit na ako kasi ilang ticket na ang nasayang.

"I've been very patient and forgiving for how many years so napuno na siguro ako," paliwanag ni Jamie.

Ayon pa kay Jamie, ang payo niya kay Baron na sumailalim ng "detox" sa rehab ang naging mitsa ng kanilang away na nasa video na ipinost ni Baron sa Facebook nito.

Apektado si Jamie dahil "grabe ang pag-relapse niya lately."

Tatlong araw raw iinom si Baron, at pagkatapos ay makakaramdam ito ng depression.

Nabanggit din ni Jamie na noong December 2021 ay may insidenteng "medyo traumatic for the kids" kaya sinabihan daw niya si Baron na iwasang uminom sa kanilang bahay sa Cebu.

JAIME TELLS BARON TO "DETOX" AT REHAB

Salaysay pa rin ni Jamie sa mensahe niya kay Ogie: "Tumawag ako ng taga-Rehab para maka-detox siya doon a few days and ma-resched ang dubbing sa Manila. But he got so paranoid. Nag-video siya, I guess, to seek sympathy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Anyway, I apologize for my inappropriate behavior dun sa video.

"I'm still hoping and praying na ma-overcome niya talaga ang addiction niya sa alcohol in God's perfect timing."

Kasalukuyang nasa Bulacan daw si Baron kasama ang kaibigan nitong Amerikano na "tumutulong din sa mga alcoholic."

Siniguro naman ni Jamie na sa kabila ng insidente ay nag-uusap pa rin sila ni Baron.

Tinawagan pa raw siya ng mister at sinabing hindi nito kayang kumilos nang wala sa tabi ni Jamie.

Pero idiniin daw ni Jamie na kailangan matuto ni Baron maging "independent" lalo pa't matanda na ito.

Nangako raw si Baron na sasailalim ito ng rehab, at umaasa siyang gagawin ito ng mister.

Pakiusap ni Jamie: "Intindihin na lang natin kasi may chemical imbalance na talaga siya.

"Pero he also has to help himself."

BARON SAYS "I'M SORRY"

Sa parte ni Baron, noon ngang April 4, 2022 ay may cryptic post siya sa Facebook kunsaan humingi siya ng tawad at inamin niyang siya ay isang "terrible person."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baron Geisler

Pinalakas naman ang loob niya ng netizens na nagpaalalang huwag siyang susuko sa pagtuwid ng kanyang mga pagkakamali.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph kay Baron noong October 2021, ibinahagi nito na bukod sa pagsailalim sa rehab ay nakatulong sa kanyang pagbabagong buhay ang kanyang pananampalataya sa Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero inamin din niyang hindi ibig sabihin ay walang posibilidad na siya ay mag-relapse.

Kaya sinisikap daw niyang sundin ang kanyang daily routine na itinuro sa rehab para masigurong hindi siya bumalik sa kanyang bisyo.

Read: Baron Geisler details how alcohol and drugs almost destroyed his life: "Wala ako sa tama kasi laging may tama."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jamie Evangelista on video of her furiously throwing a jug of water at husband Baron Geisler: "I've been very patient and forgiving for how many years so napuno na siguro ako."
PHOTO/S: Baron Geisler Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results