Watch Now

Zeinab Harake suffers miscarriage; mourns passing of Baby Moon

by Nikko Tuazon
Apr 13, 2022
Zeinab Harake
Content creator Zeinab Harake takes to social media to reveal that she recently suffered a miscarriage and that her baby boy named Moon didn't survive.
PHOTO/S: Zeinab Harake / Twitter

Ikinalungkot ng netizens lang latest post ng content creator na si Zeinab Harake sa Twitter nitong Miyerkules, April 13, 2022.

Sa kanyang Twitter post, ibinahagi ni Zeinab na siya ay nakunan noong Lunes, April 11, at hindi nag-survive ang kanyang second baby.

Makikita rin sa kanyang tweet ang litrato kung saan kasama niya ang panganay na anak na si Baby Bia habang tinitingnan ang mga labi ng baby boy niya na pinangalanan nitong Moon.

Ang buong tweet ni Zeinab: "04-11-22

"My baby boy rest kana mahal na mahal ka namin ni ate bia mo bantayan at palakasin mo kami palagi di ka mawawala sa puso namin moon.

"be our forever angel mommy loves you so much. [emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang araw nang nag-aalala ang fans ni Zeinab matapos siyang isugod ito sa ospital.

Hindi ibinahagi ni Zeinab sa kanyang social media followers ang pingdaraanan niya ng mga panahong yun, ngunit unti-unti nagkaroon ng linaw ang mga huling post nito sa kanyang Twitter.

Noong Lunes, April 11, bandang 10:43 a.m., ay nakapag-tweet si Zeinab ng kanyang dasal. Sabi nito, "Lord inaalay ko na sa inyo lahat [emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang araw matapos ito, ibinahagi naman ni Zeinab ang kalungkutan matapos nitong makunan. Tweet niya, "Yung luha ko papunta ng dugo potaena wala nakong maiyak."

Wala pang announcement si Zeinab tungkol sa kanyang ikalawang pagbubuntis ngunit nagpahiwatig na rin siya sa social media noong January 25, 2022.

"moon," simpleng tweet nito na may smiling emoji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinarating naman ng fans ni Zeinab ang kanilang pakikiramay sa Twitter at comments section ng post nito sa Instagram.

Hiniling din ng fans na huwag munang usisain si Zeinab ng mga katanungan lalo't nagdadalamhati pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Content creator Zeinab Harake takes to social media to reveal that she recently suffered a miscarriage and that her baby boy named Moon didn't survive.
PHOTO/S: Zeinab Harake / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results