Watch Now

Bunny Paras so proud of daughter Moira for rising above her disability

by Jojo Gabinete
Apr 15, 2022
moira greenway, bunny paras, tom greenway
Bunny Paras on daughter Moira's Friedreich Ataxia condition: "Nalulungkot lang ako sa nangyari kay Moira dahil napakabait niya. Iniisip ko bakit si Moira pa ang nagkaganoon. Pero as years go by, I just trust in God’s plan sa buhay namin. I pray na kayanin namin ang mga pagsubok na 'to." Right photo shows Moira with her adoptive father Tom Greenway.
PHOTO/S: Courtesy of Bunny Paras

Ang mga karanasan ni Moira Francesca Greenway ay posibleng magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga taong pinanghihinaan ng loob dahil sa mga pagsubok at problemang dumarating sa kanilang buhay.

Si Moira ang 23-year-old daughter ng former actress na si Bunny Paras sa ex-boyfriend nito, ang TV host at DJ na si Mohan “DJ Mo” Gumatay.

Sampung taon ang edad ni Moira nang matuklasan ng mga doktor ang sakit niyang Friedreich Ataxia, isang karamdamang nakakaapekto sa nerves ng katawan dahil may depekto sa genes ng kanyang mga magulang.

Nag-uumpisa ang sintomas ng Friedreich Ataxia sa huling bahagi ng pagkabata, nahihirapan sa paglalakad at nawawalan ng pakiramdam ang mga binti, na pawang naranasan noon ni Moira.

moira greenway bunny paras

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang hirap, carrier kami ni Mo ng gene, na-pass on namin sa kanya, 1 out of 4 chances magkakasakit ang bata and sadly kay Moira nangyari yun. Complicated talaga and rare.

“Hindi niya kasalanan. Kawawa lang talaga na napunta sa kanya.

"Yung hindi siya makatakbo. Hindi siya normal na nakaka-travel.

"Yung limited siya pero kinakaya niya. Malakas ang loob niya," kuwento ni Bunny sa exclusive interview sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Biyernes Santo, April 15, 2022.

Hindi kaagad nalaman ni Bunny ang tunay na karamdaman ni Moira dahil, diumano, tatlong taong hindi natukoy ng mga doktor ang tunay na sakit ng kanyang anak.

“Ang dami-daming pagsubok, sobra. Kapag naaalaala ko, ang hirap," sambit ng dating aktres.

"Yung wala kang ginawa kundi ang maghanap ng paraan para malaman kung ano ba talaga yung sakit niya?

“Na-misdiagnose siya for three years until when I met my husband, Tom Greenway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Finally, when he legally adopted Moira, he was able to bring her to a specialist and get genetically tested.

"Once we knew yung tamang diagnosis, she was ten years old na.

“Sabi nila sa amin na in ten years, Moira will be full time in a wheelchair at hindi na makakalakad dahil sa muscular weakness called Friedreich Ataxia.

"Nakakatakot ang Friedreich Ataxia."

Read: Bunny Paras explains neurological condition of her daughter

THE DAY THEY TOLD MOIRA ABOUT HER ILLNESS

Napaluha si Bunny nang muli nitong balikan ang nakaraan, ang araw na ipinagtapat nila kay Moira ang karamdaman nito sa murang edad na sampu at ang magiging epekto sa kanyang kalusugan ng Friedreich Ataxia.

Lahad niya, “Moira is a make-a-wish child, meaning she has a life-threatening sickness.

“Seven years old pa lang siya, mahina na ang katawan niya. Nagkukulang na ang protein sa kanyang katawan.

“Nalaman namin ang sakit ni Moira because of the clinical trials na nasalihan ng asawa ko for her para makahanap ng cure, pero wala nang nagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-fundraiser pa ako noon para sa Friedreich Ataxia Foundation.

"Sobrang sakit nang ipagtapat namin sa kanya ang sakit niya kasi she was only 10 years old then.

“Sinabi niya na takot na takot siya at nandoon kaming lahat nang sabihin namin sa kanya ang sakit niya. Umiiyak kaming lahat.

“Naalaala ko ang mga iyak niya noon at depression. Natakot siya para sa kanyang future.

"Parang lasing na siyang maglakad. Nawawalan na siya ng balance kaya naka-walker na siya."

bunny paras moira greenway

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Courtesy of Bunny Paras

Dagdag ni Bunny, “I’m happy that she overcome [her depression] sa tulong namin ni Tom.

“Iba ang nagagawa ng fatherly love ni Tom sa kanya. Yung pagpapahalaga sa kanya na hindi namin siya pababayaan, pati ni God.”

Isang taon bago ipagdiwang ni Moira ang kanyang 18th birthday, tuluyan nang nawalan ng pakiramdam ang kanyang mga binti. Hindi na rin siya makalakad na nangangahulugang habampanahon na ang paggamit niya ng wheelchair.

Ayon kay Moira, “When she was 17, hindi na niya magawang gumamit ng walker.

"Nag-full time wheelchair na siya dahil bumigay na talaga ang legs niya. Nawala na pati ang sensation ng legs niya.

"My husband carries her to the car kasi hindi na makagalaw ang legs niya. She will slip and fall. She has to be very very careful."

moira greenway

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW MOIRA OVERCAME HER DISABILITY

Sa kabila ng kapansanan ni Moira, hindi ito pinanghinaan ng loob dahil ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Nagtapos si Moira ng four-year course na Bachelor of Science in Hospitality Management sa California State Polytechnic University Pomona noong December 2021.

moira greenway diploma

Nagtatrabaho siya ngayon bilang front desk officer sa All Music Hotel ng Disney World sa Florida, USA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakatakot isipin ang future ni Moira pero she is a strong girl,” pagpapatuloy ng kuwento ni Bunny tungkol sa kanyang anak.

“My husband paid for her college. Sa tulong ng asawa ko, who supported her all the way, she can experience a college normal life that she deserves.

“Hindi nagdalawang isip si Tom to help Moira.

"We are so proud of her. Taas-kamay ako kay Moira.

“She applied for the Disney College Graduate Program na may handicapped housing.

“When she applied, yung hindi mo alam if papayagan mo ba or hindi kasi ang layo ng Florida sa Los Angeles.

“Paano niya makakaya? Ang dami naming tanong, pero since she said ‘Mom, gusto ko talaga i-try if kaya ko,’ naawa naman kami.

“Now is the time to make her explore life and see kung hanggang saan kakayanin ng katawan niya. She is a brave girl.”

moira greenway

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta ang pamumuhay ngayon ni Moira sa Florida?

“May housing program ang Disney World, binabawas na lang sa suweldo ni Moira. Kinakaya niya to try being independent kahit mahirap,” sagot ni Bunny.

“May dalawang roommates siya na naka-wheelchair din. She has made some friends na mabait sa kanya.

“She tries her best to go to work and prepare what she needs herself, kahit I know mahirap minsan.

"Wala kasi kaming masyadong kilala sa Florida kaya it’s new to us that she is there.

“Pero so far, okay naman. Doble ingat siya sa work and housing nila."

Kuwento pa ni Bunny, "Maganda ang Disney housing dahil may heavy-duty wheelchair siya for inside the house.

“Nagbibihis si Moira ng kanyang uniform na isang kamay lang gamit kasi arms lang niya ang nakakagalaw.

“She gets food to microwave tapos pasok na siya sa work. Mabait at masipag si Moira na bata.

“She loves being able to do something for her life. Kahit na hirap ang katawan niya, kapag may days off siya, she explores Disney World for free to enter all the parks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Disney makes her happy.

“She is happy and excited meeting people. She is a wonderful girl.

“Nakakaiyak na minsan sa likod ng mga ngiti niya, iba ang istorya.”

moira greenway

Malayo man sila sa isa’t isa dahil naninirahan sina Bunny, Tom, at ang kanilang mga kamag-anak sa Los Angeles, araw-araw ang pakikipag-usap nila kay Moira sa pamamagitan ng FaceTime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Bunny, “Nag-uusap kami palagi sa FaceTime. I get updated sa daily schedule niya. Kung hindi ba siya nadudulas or paano siya naglaba?

“Kinukumusta ko ang 8-hour shift work niya sa front desk hotel at yung shuttle niya sa pag-uwi. Bilib ako sa batang ‘yan.

“Ngayon na lang ako nakakalabas dahil wala si Moira. I am her caregiver.

“May extra time na ako kaya nakakapasyal ako. Nasa Florida siya for one year.

“Kapag wala nang housing program ang Disney, uuwi na si Moira sa Los Angeles.

"My husband had a handicapped room built for her sa bahay namin. May handicapped room and bathroom sa first floor."

Maluwag sa kalooban na tinanggap ni Bunny ang kapalaran ni Moira at may pagkakataong nalulungkot siya, pero ipinauubaya niya sa Panginoong Diyos ang lahat.

“Nalulungkot lang ako sa nangyari kay Moira dahil napakabait niya. Iniisip ko bakit si Moira pa ang nagkaganoon.

"Pero as years go by, I just trust in God’s plan sa buhay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I pray na kayanin namin ang mga pagsubok na 'to. Takot kami sa future, pero this is all we can do, to live day by day with God’s grace and blessings.

“Nagpapasalamat ako kay God na binigyan Niya ako ng asawa na maalaga.

"Na binigyan Niya ng ama si Moira at binigyan ako ni God ng ibang mga healthy na anak to help Moira someday."

Asam pa ni Bunny, “Sana ma-touch ang mga tao sa kuwento ko at huwag silang mag-give up sa buhay.

"Kahit marami tayong pagsubok na dumarating, hindi tayo pababayaan ng Diyos."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bunny Paras on daughter Moira's Friedreich Ataxia condition: "Nalulungkot lang ako sa nangyari kay Moira dahil napakabait niya. Iniisip ko bakit si Moira pa ang nagkaganoon. Pero as years go by, I just trust in God’s plan sa buhay namin. I pray na kayanin namin ang mga pagsubok na 'to." Right photo shows Moira with her adoptive father Tom Greenway.
PHOTO/S: Courtesy of Bunny Paras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results