Watch Now

Jason Hernandez denies breakup rumor with wife Moira dela Torre

by Arniel C. Serato
Apr 17, 2022
Jason Fernandez belies breakup rumor
Singer-songwriter Jason Hernandez debunks separation rumor with wife Moira dela Torre: "We’re still married."
PHOTO/S: Courtesy: @jasonmarvinph on Instagram

Pinabulaanan ng singer-songwriter na si Jason Hernandez na hiwalay na sila ng asawang si Moira dela Torre.

Kasunod ito ng hinala ng netizens na diumano ay may namumuong hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa pagbura ni Moira ng mga larawan nila ng asawa sa kanyang Instagram account noong Huwebes, April 14, 2022.

Ayon pa sa ilang fans, binura rin daw ni Moira ang kanilang mga TikTok videos, at tinanggal niya diumano sa Facebook ang "Hernandez" sa kanyang surname.

Pero noong araw ding iyon, nag-post si Moira sa Instagram Stories niya ng larawan kasama ang kaibigang si Mimiyuuuh habang kumakain sila sa isang restaurant sa Singapore.

Naka-tag sa Story si Jason, "Look @jasonmarvinph, [it’s your] favorite."

Sagot naman ni Jason, "I want."

Moira dela Torre and Mimiyuuuh in Singapore

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Twitter account ni Jason kahapon, April 16, pinasinungalingan ni Jason ang mga haka-haka ng netizens.

Ayon sa kanya, mag-asawa pa rin silang dalawa at hindi nangaliwa si Moira.

Pareho pa rin daw silang supporter sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-presidente.

Higit sa lahat wala raw nangyaring nakawan ng pera at mabait lang talaga ang Panginoon.

Buong tweet ni Jason, “1. We’re still married 2. Hindi nangaliwa si Moira 3. We both support Ms. Leni 4. Walang nag nakawan ng pera 5. God is good.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

January 14, 2019 nang ikinasal sina Moira at Jason sa isang garden wedding sa Tagaytay.

Sa isang panayam sa morning show na Magandang Buhay ng ABS-CBN bago pa ang kanilang garden wedding, ibinunyag nina Moira at Jason na nagpakasal na rin sila sa isang civil ceremony noong January 8, 2019.

Pero nireserba nila ang kanilang first kiss sa actual wedding.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-songwriter Jason Hernandez debunks separation rumor with wife Moira dela Torre: "We’re still married."
PHOTO/S: Courtesy: @jasonmarvinph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results