Watch Now

Maja Salvador is now engaged to Rambo Nuñez Ortega: "My new beginning."

by Arniel C. Serato
Apr 17, 2022
Maja Salvador, Rambo Nunez are now engaged
Maja Salvador is finally engaged to her non-showbiz boyfriend Rambo Nuñez Ortega today, Easter Sunday, April 17. The couple announced the good news during their El Nido, Palawan vacation, in the company of their respective families.
PHOTO/S: Courtesy: @maja / @rambonunez on Instagram

Engaged na si Maja Salvador sa kanyang longtime boyfriend na si Rambo Nuñez Ortega.

Ngayong Araw ng Pagkabuhay, April 17, sabay na inanunsiyo nina Maja at Rambo ang kanilang engagement.

Sa El Nido, Palawan nangyari ang engagement dahil narooon ang dalawa at ang kani-kanilang mga pamilya para magbakasyon.

Sabi ni Maja sa kanyang post sa Instagram, “My new beginning @rambonunez [ring, heart emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by MAJA (@maja)

Kaagad na bumuhos ang pagbati ng mga celebrity friends ni Maja sa kanyang post.

Kabilang sa mga nagpaabot ng mensahe sa kanila sina Dani Barretto, Jasmine Curtis-Smith, Bubbles Paraiso, Isabelle Daza, at Sarah Lahbati.

Maja Salvador is now engaged

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumati rin kina Maja at Rambo sina Miles Ocampo, Juan Sarte, Nikki Valdez, Isabel Prats, Ruffa Gutierrez, Jessy Mendiola, Luis Manzano, Andi Eigenmann, at Charlene Gonzales.

Maja Salvador is engaged

Maja Salvador is engaged

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Post naman ni Rambo sa kanyang Instagram: “The best part is yet to come my love @maja [ring, heart emoji]”

“LET’S DO IT THE RIGHT WAY”

Sa eksklusibong panayam kay Maja ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) editorial team noong March 2021, pinabulaanan niyang nag-propose na sa kanya si Rambo at nagli-live in na sila.

Noong mga panahong yun ng relasyon nila ni Rambo, gusto na ba niyang magkaanak kahit hindi pa sila kasal?

Sagot ni Maja na may halong biro, “Kung ibibigay ng Diyos, bakit hindi? Pero siyempre, kailangan muna ng diamonds.”

Iginiit ng aktres na mas gusto niyang magkaroon ng anak sa tamang paraan o pagkatapos niyang maikasal.

Ani Maja, “Siyempre, magagalit ang mga nanay natin. Let’s do it in the right way.

“Pero kung hindi, di ba, it’s a blessing, bigay ni God.”

Anong edad para sa kanya ang ideal age to marry?

Sabi ni Maja, “Thirty-five [35] siguro puwede. Siguro super ano [successful] na ako nun sa mga nagawa ko sa mga projects talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano sa palagay ni Maja ang mangyayari sa kanyang karera limang taon mula ngayon?

Saad niya, “Sana po andito pa rin ako sa industriya. Sana mahal pa rin ako ng mga tao. Gusto pa rin nila akong mapanood. Yun.

“Pero siguro, sana naman, kung kami talaga ni Rambo, kami na talaga nun.

“Kung kailan po, kung kailan po ibibigay ni God, God-willing.”

READ: Maja Salvador denies rumored proposal from boyfriend Rambo Nuñez: "Sa'n yung singsing?"

Taong 2019 nang magkabalikan sina Maja at Rambo.

21 years old lamang si Maja noong naghiwalay sila ni Rambo at inamin niyang ang kanyang career ang kanyang pinili noon kaysa sa pag-ibig.

Ngayon, 33 years old na ang presidente at CEO ng Crown Artist Management.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador is finally engaged to her non-showbiz boyfriend Rambo Nuñez Ortega today, Easter Sunday, April 17. The couple announced the good news during their El Nido, Palawan vacation, in the company of their respective families.
PHOTO/S: Courtesy: @maja / @rambonunez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results