Watch Now

Angel Locsin replies to bashers about Boracay rehab, fake Twitter account

by Arniel C. Serato
Apr 18, 2022
Angel Locsin denies bashing Boracay rehab in 2018
Actress Angel Locsin and husband Neil Arce (not in photo) are enjoying their first vacation together in Boracay after three years.
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Boracay ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce.

Noong April 16, 2022 naglabas ng ulat ang ABS-CBN News tungkol sa unang bakasyon ng mag-asawa matapos ang halos tatlong taon.

Ni-repost ito ng isang basher sa Twitter.

Nagparunggit ang basher dahil sa pagpuna umano ni Angel sa Boracay rehabilitation noong 2018 dahil sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang isla sa loob ng anim na buwan.

Pero ngayon ay nasa Boracay ang aktres ay nagbabakasyon.

Paratang ng basher (published as is): “yung anti duterte ka tas binabash mo ung proj nya sa boracay pero nagpunta ka don. Nagposing posing pa HAHAHAHAHAHAHAHAH aguy na buang ang darna nyo.”

Hindi naman natiis ni Angel na sumagot sa maling akusasyon ng basher.

Paglilinaw ng aktres, hindi niya pinuna kailanman ang proyekto. Wala ring makikitang balita tungkol dito noong 2018.

Sabi pa ni Angel, sa pagkakaalam niya ay pag-aari pa rin naman ng buong Pilipinas ang Boracay kaya bukas ito para sa lahat ng Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong sagot ni Angel: “aguy…una, kelan ko binash??? [laughing emoji] and last time I checked, pag aaari pa naman ng buong Pilipinas ang bora, punta ka rin!"

Angel Locsin denies bashing Boracay rehab

Hindi na makikita sa “tweet and replies” ni Angel sa kanyang Twitter account ang nasabing batikos at maaring binura na ito ng basher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“NOT MY ACCOUNT”

Noong araw ring iyon, may isa pang netizen na sinagot si Angel sa Twitter.

Ibinahagi ng Twitter account na Angel Locsin “angels” ang resulta ng survey na isinagawa sa isang unibersidad sa Maynila kaugnay ng presidential elections ngayong 2022.

Dito ay makikitang mahigit 90% ang botong nakuha ni Vice President Leni Robredo laban sa kanyang mg katunggali.

Nagkomento ang netizen na hindi raw porke't artista si "Angel" ay papaniwalaan na siya ng tao tungkol sa nasabing survey.

Buong post ng netizen (published as is): “What is the feeling of fooling yourself Angel,? hindi porke't artista ka paniniwalaan ka na ng mga tao, hindi man parehas ang kinakain ntin, t*e pa rin ang lalabas sa iyo, pure deception & hallucination!”

Pinabulaanan naman ni Angel na account niya ang Angel Locsin “angels.”

Diretsong tugon niya, “Fyi, That’s not my account”

Ang official Twiiter account ni Angel ay @143redangel na mayroong 12.7 million followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Angel Locsin denies bashing Boracay rehab

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angel Locsin and husband Neil Arce (not in photo) are enjoying their first vacation together in Boracay after three years.
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results